"Hindi ko naman kaya yon. Magkaibigan kami." Sabi ko sa kanya habang nakikipagtitigan mula sa salamin.

"Madali lang yon. Bakit kasi di ka nalang makipag-balikan kay Jeric? Diba.." Pabitin niyang sabi. Napalunok naman ako at kinabahan.

"May fiancee na siya." Matapang kong sabi.

"Pero mahal mo pa siya, hindi ba?" Nakangising tanong niya. Umiwas ako ng tingin.

"Ano? Bakit hindi ka makasagot? Sabagay, kung hindi mo siya mahal.. wala naman mangyayari sa inyo." Sabi niya kaya napaharap na ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata ko.

"P-paano.." Di ko maituloy ang itatanong ko dahil sa nakakalokong ngisi niya.

"Paano ko nalaman? Simple lang, nandun din mismo ako sa bar na pinuntahan niyo at sinundan ko kayo hanggang sa hotel." Sabi niya at biglang bumagsik ang expression niya at lumapit sakin.

"Layuan mo na si Jin! Naiintindihan mo? Magkakamatayan tayo, Elle, kapag di mo pa siya tinantanan!" Madiin na sabi niya habang hawak din ng madiin ang dalawang braso ko. Napapasinghap ako dahil sa sakit pero di naman ako makadaing dahil baka lalo niyang higpitan. Di ko ine-expect na ganito na siya ngayon, ibang-iba siya sa Carmela na kilala ko noon. O baka ganito talaga siya pero di niya nilalabas ang totoong ugali niya.

"Hindi ko siya maiiwasan! Kaibigan ko siya!" Naiiyak na sabi ko dahil masakit na ang mga braso ko dahil sa higpit ng hawak niya.

"Talaga? Hindi maiiwasan? O baka naman mahal mo na rin siya? Malandi ka rin pala!" Sabi niya bago ako tinulak at tumama ang likod ko sa sink kaya napaupo ako sa sahig at hirap ako tumayo. Sumabay pa pagsakit ng mga braso ko! Shit!

"Wag na wag kang magkakamali, Ellaira. Binabalaan na kita, iwasan mo na si Jin kung ayaw mo masaktan!" Mabagsik na sabi niya bago inayos ang buhok at lumabas.

Pagkalabas niya ay naiyak ako. Nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, physically and emotionally. Paano ko naman iiwasan si Jin kung siya ang lapit ng lapit sakin? Paano ko siya iiwasan kung.. Huminga ako ng malalim at tumingala. Parang bata lang ako na nakasandal sa pader. Ayoko munang igalaw ang mga kamay ko dahil masakit pa kaya naman hinayaan ko lang ang luha ko na tumulo.

"Elle? Ang tagal mo naman yata dyan. Na-flush ka na yata sa toilet bowl." Narinig kong sabi ng tao sa labas. Lalaki.

"Jin?" Tanong ko at nakita ko na sumilip siya at nanlaki ang mga mata nang makita ako.

"Shit! Ano nangyari sayo? Ano ang masakit? Fuck!" Natatarantang tanong niya habang chine-check kung may sugat ba ako o ano.

"Jin." Napaiyak ako lalo kaya niyakap ko siya kahit masakit ang mga braso ko. Niyakap niya rin ako ng mahigpit habang hinahaplos ang buhok ko.

"Jin, wag mo na ako iiwan." Sabi ko habang humihikbi.

"Hindi naman kita iiwan, hindi ako aalis sa tabi mo hangga't di mo sinasabi." Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko at hinalikan ako sa noo tapos sa ilong at dinampian lang saglit ang labi ko.

"Oh, how sweet!" Nakangiting bulalas ni Carmela kaya naman napatayo bigla si Jin at nasuklay ang buhok niya gamit ang kamay.

"Carmela, it's not what you--"

"It's okay, Jin. I understand." Malungkot na sabi ni Carmela bago lumabas. Napatingin naman sakin si Jin bago ako tulungang tumayo. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Tatawagan ko si Taehyung para sunduin ka dito. Susundan ko lang si Carmela." Paalam niya at niyakap ako.

"Sabi mo di mo ako iiwan." Naiiyak na sabi ko. Tinignan niya ako habang kagat niya ang ibabang labi niya.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ