Chapter Three

432 16 3
                                    

Ellaira's POV

Three days na akong nakikipag-date sa mga lalaking kaibigan at kakilala ni Andrea. Three dates per day at talagang seneseryoso namin ang paghahanap ng fake boyfriend ko at syempre alam na namin ang backgrounds nila.

They're handsome and all, but they only nodded and stared at me for the whole time! Parang nagmo-monologue ako! Bihira silang magsalita at minsan pangiti-ngiti lang! And I only have four freaking days before the wedding! And bukas ay start na ng rehearsal! I will see Jeric Lopez tomorrow! Kailangan ko na talagang makahanap ng fake boyfriend. Ayokong magmukhang kawawa sa harap niya. I already imagine the triumphant smirk on his face dahil tama ang hula niya na I would remain single for the rest of my life!

Naiinis pa rin ako sa ginawa ni Jeric dati. And maybe that's the reason kung bakit lahat ng lalaki ay nai-intimidate sakin. Tumingin lang kasi ako para na akong sasabak sa giyera. I can't help it. Hindi ko kasi maiwasan isipin na lahat ng lalaki ay sasaktan ako, I need to protect myself from falling and getting hurt again. Kung hindi lang kasi kami magkikita ulit ni Jeric ay hindi ko ito gagawin.

"Humanda ka, Jeric. By hook or by crook, I will surely get a fake boyfriend. And you will eat your own words!" Kumindat at nag-flying kiss ako sa harap ng salamin.

Sasamahan ko ngayon si Mommy sa college reunion nila. Sumama lang ako dahil ang sabi ni Andrea, baka dun ko na daw makilala ang magiging perfect fake boyfriend ko. Nagpaganda ako ng husto ngayon. Suot ko ang isang fitted black dress at may slit mula sa hita ko with matching five inches silver stilletos. Nag-retouch nalang ako at bababa na rin. Mom's probably waiting. Ayaw pa naman niya ang nahuhuli.

Pababa na ako ng hagdan nang marinig ko si Mommy na may kausap. Hindi ko sila makita kasi pa-curve ang stairs namin.

"Ang tagal nating hindi nagkita, hijo. Ang tangkad at lalo kang naging gwapo." Narinig kong sabi ni Mom.

"Thankyou po, Tita. Welcome home po pala. Sorry at hindi po ako nakasama sa pagsundo sa inyo sa airport." Sagot nong lalaki. I like his voice. Boses pa lang halatang gwapo na. Perfect boyfriend material. But his voice is familiar.

Inihanda ko na ang sweetest smile ko para mapansin niya agad ako. Kailangan ko magpa-cute ng todo. I need to do my best para mapapayag siya agad na maging fake boyfriend ko.

"It's okay, hijo. I know that you're busy with you're TV guesting and mall tours. Oh, ayan na pala si Ellaira." Ngiti ni mommy.

Pero na-freeze ang ngiti ko dahil sa taong nakatayo ngayon sa harap ko. He is wearing a tux and his hair is messy, but he looks more handsome. Lumapit siya sakin at seryoso ang mukha. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya ngayon pero I find him very intimidating. Hindi pa ako nakaramdam ng ganito sa tanang buhay ko. Gusto ko tuloy bumalik sa kwarto ko at magkulong nalang. Gosh! What's happening to me?!

"Ellaira, do you remember him? He is Seokjin Kim, anak ni tita Hyerim mo." Sabi ni Mommy pero di la rin napuputol eye to eye contact namin.

"Nagkita lang kami three days ago, Tita. Sa welcome party sa kanya nila Andrea." Ngumisi siya pagkasabi nun. Napakurap-kurap ako at napatingin sa babaeng  ngayon at kausap ni Mommy. It's tita Hyerim, siya ang sumundo samin sa Airport dahil miss na miss niya na daw kami so she insisted na siya ang magsusundo samin.

Inirapan ko si Jin at lumapit kay tita para mag-mano. After non ay nag-usap ulit sila ni Mommy. They're both stunning with their champagne red long gown and silver long gown.

"Kamusta?" Narinig kong tanong ni Jin at nag-alok ng shake hands.

Alright, Ellaira. Don't mind him.

"Okay lang." Okay, hindi ko mapigilang hindi siya sagutin at makipag-shake hands. I still have manners, you know.

Naiinis ako habang tinitignan ang mukha niyang may ngiti. Naaalala ko yung mga pang-aasar namin sa isa't isa. Pero mas malinaw kong naaalala yung sinabi niya sa mga kaibigan niya. She courted Carmela but she rejected him. And since that day, kung sinu-sino nalang nakikita ko na kasama niya.

Sinalubong ko ang titig niya at may naisip. Shit! Bakit hindi ko agad naisip to! He was a perfect boyfriend material! Kapag siya ang iniharap ko kay Jeric ay sigurado akong walang makakahalata na nagkukunwari lang kami. Kahit naman nag-aasaran kami ay close kami. Our relationship would appear genuine dahil noon pa lang ah magkakilala na kami at close sila Mom at Tita. My only problem is.. paano ko siya mapapapayag? Well, ano pa silbi ng pagiging maganda ko? Haha!

"Ang daya mo nalang, Baklang isip-bata. Shake hands lang? Na-miss kaya kita. Halika nga dito, payakap!" Sabi ko at hinila siya para yakapin ng mahigpit.

Niyakap niya rin naman ako ng mahigpit. But gosh! Bakit pakiramdam ko nalulusaw ako habang magkadikit kami. Bakit ang sarap sa pakiramdam na makulong sa mga bisig niya?

"Mamaya na yan dahil male-late na tayo." Biglang sinabi ni Mommy kaya naghiwalay kami. Hindi ko siya tinitignan dahil naiilang ako.

Gosh! I need to act like I'm not affected! I only need him to act as my boyfriend and I need to make him agree! This is way more important than my damn feelings with him na matagal ko na rin naman ibinaon sa limot! Ugh!

Ang kotse niya ang gagamitin sa pagpunta namin sa venue. Sa front seat ako nakaupo. Gusto kasi ni Mommy na tabi sila ni Tita. Buong byahe ay nakasimangot lang si Jin. Napangiti nalang ako ng lihim. Alam ko na ang dahilan ng pagsimangot niya. Haha!

"Alam mo bang sikat na sikat na sila ng mga kaibigan niya, Elle? Ilang beses na silang na-feature sa magazines. And hindi lang dito sa Pilipinas pati na rin sa iba't ibang bansa!" Proud na sabi ni Mommy.

"And nakapunta ka na ba sa concert nila? Bawat concert ay sold-out ang tickets!" Dugtong naman ni Tita.

"Wow! Infairness naman umaasenso ka." Natatawang sabi ko kay Jin. Tinignan niya naman ako ng masama.

"Ang sinasabi nga ng mga fans niya ay siya ang pinaka-gwapo sa kanila. Kaya naman araw araw ay napakaraming naliligaw sa bahay at hinahanap siya. Kaya nga kami lumipat ng bahay ngayon dahil naaalibadbaran ako sa kanila. Sabi ko nga dyan ay ikaw ang ligawan para matahimik na ako." Natatawang sabi ni Tita.

"Mom!" Medyo asar na saway ni Jin sa Mommy niya na tinatawanan lang siya.

"Sayang, Tita. Hindi ako mapapabilang sa mga babaeng naliligaw sa bahay niyo." Sabi ko at tumawa. Nakita kong tinignan niya ulit ako ng masama kaya sinundot ko siya sa tagiliran.

"Tumigil ka nga, pangit. Pag tayo nabangga, ikaw lagi kong mumultuhin." Seryosong sabi niya at nakatutok la rin sa daan.

"Sus. Di na ako takot sa multo, no! Hindi mo na ako matatakot." Sagot ko at dumila sa kanya.

Tumahimik nalang siya. Naaalala niya rin siguro ang naaalala ko. Noong elementary kasi kami ay may nagtali sa kamay at paa ko, nilagyan pa ako ng blindfold at kinulong sa broom closet. Iniwan ako ng mga batang kaaway ko noon. Si Jin lang ang bukod tanging tumulong sa akin, pero bago yun ay tinakot niya muna ako. Kagaguhan ng lalaking to. Akala ko mamamatay na ako sa takot non. Kaya naman sinapak ko siya pagkatapos niyang kalasin ang nakagapos kong kamay at paa. Nilibre niya ako ng cotton candy para peace offering pero kinabukasan ay umpisa na naman kami magbangayan.

Napangiti ako. Hindi na mauulit ang mga yon. Kung mas maging mabait ba ako ay may chance na magkagusto siya sakin? Madedevelop ba siya sa akin?

__

JinKook sa multimedia. ♥

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon