Chapter Nineteen

257 12 11
                                    

Ellaira's POV

"Ellaira, open the door." Naalimpungatan ako dahil narinig kong may kumakatok.

Si Jin..

Nagkunwari lang akong tulog. Tanga ba siya? Anong oras na tapos kakatok siya at ipapabukas ang pinto. Tss. May susi naman siya, syempre condo niya to. Tanga tanga talaga kahit kailan. Tanga tanga, magmamahal nalang yung masama pa ugali.

"Ellaira! Open the fucking door!" Sigaw niya. Shit! Galit pa rin yata.

"Oo na! Ayan na! Bwisit!" Asar na sigaw ko at tumayo.

"Ouch! Fuck!" Napapikit ako sa sakit dahil may natapakan akong bubog. Nabasag pala yung vase kanina. Shit! Ang sakit! Pinihit ko ang sedura at agad na binuksan ni Jin ang pinto.

"Wag ka papasok!" Sigaw ko habang kinakagat ang labi ko. Ang sakit talaga, shit!

"Bakit? Kwarto ko yan." Masungit na sabi niya. Umiling ako at tinulak siya dahil sinubukan niya pumasok.

"M-may mga bubog!" Sigaw ko at binuksan ang ilaw. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya ng makita ang paa ko na may umaagos na dugo.

"Shit! Bakit di mo agad sinabi?!" Sigaw niya at binuhat ako.

Inupo niya ako sa sofa at mabilis niyang kinuha ang first aid kit.

"Hindi mo naman kailangan gamutin. Kaya ko naman na." Sabi ko at medyo napapangiwi. Ang hapdi kaya!

"Wag ka malikot." Seyosong sabi niya. Nakaupo siya sa lapag habang ang paa ko ay nakapatong sa lap niya.

"Oo na." Inirapan ko siya. Pagkatapos niya linisin at gamutin ay binalot ng ng benda.

"Kumain ka muna. Mag-uusap tayo pagkatapos mo." Seryosong sabi niya pagkalapag ng mga pagkain sa mini table na nasa harap ko.

"Hindi ako gutom." Walang ganang sabi ko at tumingin nalang sa paa ko.

"Wala akong pakealam. Basta kumain ka." Sabi niya at iniwan ako dito sa sala. Kainis!

Kumain ako pero mga limang subo lang. Wala talaga akong gana at naiinis pa rin ako. Bumalik din siya dito sa sala pagkatapos ng isang oras. Umupo siya sa single sofa sa harap ko.

"Hindi na ba kumikirot paa mo?" Tanong niya at sinulyapan ang paa ko. Tamad akong tumango at humalukipkip.

"Pwede ba, Jin, diretsuhin mo na ako. Ano ba pag-uusapan natin?" Tumingin siya sa mga mata ko at bumuntong hininga.

"Bakit mo ba kasi ginawa kay Carmela yun? Don't lie." Sabi niya at tinitigan ako.

Kainis! Carmela na naman! Lagi nalang si Carmela! Napupuno na talaga ako sa kanya!

"Elle!" Malakas na tawag niya sakin kaya mas lalo akong nainis.

"Bacause your girlfriend is a bitch!" Galit na sabi ko sa kanya. Nakita kong nagbago expression ng mukha niya.

"Pwede ba, Elle, wag mo siya pagsalitaam ng ganyan. Lalo na sa harapan ko. Wala naman siyang ginagawa sayo ha." Sabi niya sakin.

Yeah, right. Wala siyang ginawa sakin. Pinagbantaan niya lang naman ako at sinampal. Tss!

"Mag-sorry ka sa kanya, pupunta ulit siya dito bukas." Sabi niya at tumayo para buksan ang pinto, may nag-doorbell kasi. Pumasok ang janitress at nilinis yung nabasag na vase. Pagkaalis niya ay agad kong hinarap si Jin.

"Nga pala, uuwi na ako samin bukas. Since nakuha mo naman sa lolo mo ang mana mo--" Naputol ang sasabihin ko dahil sumingit siya. Kainis ah!

"Paano mo nalaman?" Gulat na tanong niya.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Where stories live. Discover now