Final Chapter Pt. 2

300 9 3
                                    

Ellaira's POV

"Bakit, Elle? Kung hindi ba ako aalis, ano gagawin mo? Wala naman diba? Ayaw mo naman akong tanggapin para maging legal na ama para kay Yoosun.. Ang anak natin! Tang-ina lang, Ellaira! Akala mo ba ikaw lang nasaktan noon? Akala mo ba ikaw lang ang wasak? Putangina! Nagkakamali ka! Hindi mo alam yung sakit na naramdaman ko! Hindi mo alam kung paano ako nangulila at nagsisi sa tanginang desisyon ko! Ngayon, Ellaira, sagutin mo ako.. Iniisip mo ba talaga na ayaw kong magpakasal sayo? HA?! Iniisip mo pa na aalis ako ngayong alam kong may anak tayo!" Sigaw niya sa akin. Napapikit ako at diniinan ang pagkuyom ng mga kamay ko.

Fuck you, Jin! Pinagtabuyan mo ako noon! Hindi mo ako mahal! Hindi mo kami matanggap ni Yoosun! Ngayon, ano bang kagaguhan pinagsasabi mo?! Na parang kasalanan ko pa na nasaktan ka!

Narinig kong nagpaalam si Dad para lumabas. Mabuti yon, para naman masabi ko ang mga hinanakit ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Dumilat ako at tumingin ng diretso sa mga mata niya.

"Oo, iniisip ko pa rin. Nagawa mo na noon, hindi na imposibleng magawa mo rin ngayon." May diin na sabi ko. Pero hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa.

He. Fucking. Kissed.me.

The nerve of this fucking guy! Nanlaban ako pero hinawakan lang niya ang mga kamay ko hanggang sa tinugon ko na ang halik niya. Oo, inaamin ko, na-miss ko siya.. na masarap sa pakiramdam na maramdaman ulit ang yakap at halik niya. Damn, Jin! I'm still inlove with you..

"Damn! I miss your scent!" Bulong niya at unti-unti akong inihiga sa sofa. Fuck! He slowly licking and sucking my neck! Shit this, ito palang amg ginagawa niya pero nararamdaman ko ng bas--

"Hyung, tapos na ba-- OH FUCK, PORN!" FUCK!

Napahiwalay agad kami sa isa't isa at napatingin kay Jimin na buhat buhat ang anak ko. Nanlalaki ang mata niya at napatitig sakin. Nawala sa isip ko na di naka-butones ang blouse ko at nakalitaw ang kulay pink na bra ko. Napansin yon ni Jin kaya agad niya akong niyakap at sinamaan ng tingin si Jimin.

Agad naman niyang isinara ang pinto para di na kami makita ni Yoosun. Nakahinga na kami ng maluwag kaya agad kong itinulak palayo si Jin.

"I'm sorry. Hindi pa rin ako magpapakasal sayo. I don't care kung ikaw tunay na ama ni Yoosun. Pwede mo naman siyang dalawin kung kailan mo gusto. Bilhan mo siya ng mga gusto niya. Basta siguraduhin mo na di tayo magkikita." Malamig na sabi ko habang inaayos ang blouse ko.

Hindi ko kayang pakasalan siya dahil lang may anak kami. Hindi ko kayang magpakasal sa kanya, hindi dahil sa hindi ko siya mahal. Gusto ko lang na mapatunayan niya yung mga sinabi niya, gusto ko rin ng mga kasagutan. Bakit siya nasaktan? Bakit siya wasak? Bakit siya nagsisi sa desisyon niya noon? Mahal niya ba ako? Kung oo, bakit hindi niya ako ipinaglaban?

"Damn it, Elle! Ano bang problema? Diba ito naman gusto mo? Ang magpakasal ako sayo! Halos maglupasay ka noon na paniwalaan kita! Ang sabi mo noon mahal mo ako! Ano ngayon ang iniinarte mo?!" Galit na sigaw niya sa akin. Hinawakan din niya ng mahigpit ang magkabilang balikat ko. Masakit, oo. Pero wala pa to sa sakit na naramdaman ko noon.

Napangisi ako at umiling. Tumitig ulit ako sa mga mata niya. Kita ko ang galit at sakit doon.

"Jin, narinig mo naman ang sinabi mo, diba? Noon yon. Mahal kita.. noon. Iba na ngayon, Jin. Ayaw kong magpakasal sayo. Ayaw ko na sayo." Sabi ko sa kanya. Kailangan kong magsinungaling hanggang sa maging kontento ako sa sakit at hirap na nararamdaman at mararamdaman pa niya.

Kailangan mong maramdaman ang mga sakit at paghihirap ko noon, Jin.. Lalo na nung nawala siya dahil sayo..

"Ayaw mo na? Talaga lang, huh? Ayaw mo lang sakin, pero di mo sinabi na di mo na ako mahal. Kilala kita, Elle. Alam kong nagmamatigas ka lang." Seryosong sabi niya pero pagkatapos nun ay ngumisi siya at niyakap ako ng mahigpit. Di na ako nanlaban dahil nagulat ako sa sinabi niya.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Where stories live. Discover now