Chapter Twenty-Four

377 12 2
                                    

Ellaira's POV

"Uh.. s-sorry. Sige, magpapahinga na ako." Sabi niya at nagmamadaling pumasok ulit sa kwarto nila ni Jungkook.

"Shit!" Narinig kong bulong ni Taehyung kaya napatingin ako sa kanya.

"Taehyung naman! Bakit mo ginawa yon?!" Naiinis at naiiyak na sigaw ko sa kanya. Siguro naman di nila kami maririnig dahil sa malakas na ulan.

"Sorry." Sabi niya at kinabig ako para yakapin. Nagpupumiglas ako pero mas lalo lang niyang hinihigpitan ang pagyakap sakin.

"Taehyung.." Umiiyak na sabi ko habang sinusuntok ang dibdib niya.

"Sshh, tama na. Wag ka na umiyak, please?" Pagpapatahan niya sakin pero mas naiyak lang ako.

"Nakakainis ka.." Sabi ko lang at napahagulgol.

Nakakainis kasi, ano na lang iisipin ni Kryzzet? Syempre, maiisip niya na niloloko namin si Charlotte. Si Charlotte na bestfriend namin. Bestfriend! Shit! Paano pag sinabi niya kila Ayesha? Paano pag nalaman ni Jin? Kainis! Parang ayoko na magpakita sa kanila!

"Tama na, Elle. Kakausapin ko bukas si Kryzzet. Magpahinga ka na at wag mo na masyado isipin ang nangyari ngayon dahil makakasama sa inyo ni baby yan." Sabi niya at hinalikan ako sa noo bago ako talikuran.

Napatakip na lang ako ng mukha dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Bakit ganito? Bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko?

Naligo muna ako at uminom ng gatas para sa buntis bago ako matulog..

----

"Gising na! Elle! Gising!" Narinig kong sigaw ni Jimin at naramdaman ko na inalis niya ang kumot na nakatakip sa mukha ko.

"Ugh! Ano ba, inaantok pa ako." Sabi ko at tumagilid bago takpan ng unan ang tenga ko.

"Maglalakad-lakad tayo! Tayo na, baby!" Malakas na sabi niya at tumawa kaya napabalikwas ako ng bangon. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong 'baby" ka dyan! Labas na! Maliligo na ako." Nakasimangot na sabi ko. Ngumiti naman siya ng malawak kaya nakapikit na ang mata niya.

Ang cute niya! Huhu. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya para kurutin ang pisngi niya. Napa-sigaw naman siya sa sakit kaya tawa lang ako ng tawa.

"Maligo ka na nga! Ang sakit ng pisngi ko, susumbong kita kay Sam!" Naluluhang sabi niya kaya tinawanan ko lang siya. Bigla naman siyang ngumiti ulit kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Na-miss ko yung tawa mong ganyan. Basta, nandito lang kami lagi pag may problema kayo ni Jin-hyung. O ng kahit sino pa. Basta wag ka magbabago, ha?" Sabi niya at lumapit sakin para yakapin ako.

"Salamat, Chim Chim." Naiiyak na sabi ko. Ang bait talaga ng batang to. Haaay

"Walang anuman, Noona. Sige, gisingin ko na yung iba." Sabi niya at ginulo ang buhok ko bago naglakad palabas ng kwarto.

"Elle na lang pala, ang awkward pag tinawag kitang 'noona', saka mas matangkad naman ako sayo." Sabi niya at tumawa. Hay! Loko talaga kahit kailan! Haha!

"Thank you." Bulong ko bago pumasok ng banyo.

Nagsuot ako ng black leggings, loose shirt at rubber shoes. Hinayaan ko lang na nakalugay ang di ko naman kahabaang buhok. Bumaba ako at naabutan silang nagtatawanan.

"Oh, nandyan na si Elle! Alis na tayo!" Masiglang sabi ni Hoseok kaya tumingin silang lahat sa akin.

Napalunok ako nang magtama ang mata namin ni Kryzzet na nawala ang ngiti sa labi. Napayuko ako dahil di ko makayanan ang malamig na tingin niya.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora