Chapter Seventeen

298 12 3
                                    

Ellaira's POV

Ugh! Ang sakit ng ulo ko! Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at sinalubong ako ng madilim na kwarto. Nakasara pa kasi ang makapal na kurtina. Wala rin akong maalala kung paano ako napunta dito sa kwarto ko. Ang huli kong natatandaan ay ang dare ni Carmela.

"Ah!" Napasigaw ako dahil naramdaman ko na kumirot ang ibaba ko nang subukan kong tumayo. Napakunot-noo ako at pinilit na maupo at sumandal sa headboard.

Di ko mapagdikit ang dalawang hita ko dahil lalong sumasakit. Shit! Bakit kaya?!

"Good morning, Elle! Dinalhan kita ng breakfast." Masiglang sabi ni Jeric pagkapasok ng kwarto ko. Di man lang kumatok.

Ngiting-ngiti siya habang nilalapag sa side table ang tray ng pagkain bago pinatay ang aircon. Pumunta siya sa mga kurtina at hinawi ito para pumasok ang liwanag habang sumi-sipol sipol pa. Pagkatapos non ay tumayo siya sa dulo ng kama at tinignan ako, ngiting ngiti pa rin.

Nakatulala lang ako sa kanya. Iniisip kung bakit ngiting-ngiti siya. At kung bakit masakit ang ano ko. Ngayon lang to nangyari. Hindi kaya... Fuck! Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil may naisip ako. Alam ko na kung ano ang nangyari!

"Walang-hiya ka! Pinagsamantalahan mo na naman ako!" Sigaw ko at binato sa kanya ang mga unan.

"What? Elle! Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan pa kunwari na tanong niya. Huh!

"Gago ka, Jeric! Manloloko ka!" Sigaw ko pa rin at di ko na mapigilan ang mapaiyak. Lumapit ako sa kanya at pinagsusuntok ang dibdib niya.

"Elle! Anong nangyayari sayo? Ano bang sinasabi mo?! Aray! Nasasaktan ako!" Medyo tumaas na rin ang boses niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tinignan ako ng seryoso.

"Sinungaling ka! Sinungaling! Ang sama sama mo! Alam ko na, Jeric! Alam ko na!"

"Hindi kita maintindihan, Elle. Mag-usap nalang tayo pag okay ka na. Labas muna ako." Sabi niya tapos binitawan ang kamay ko. Naglalakad na siya papunta sa pinto nang magsalita ako.

"Ayaw na muna kita makita, Jeric. Please. Umalis ka nalang. Wag ka na muna magpakita sakin." Umiiyak na sabi ko. Nakayuko ako at kuyom ang kamao.

I hate you, Jeric. Kung kailan naman bibigyan na sana kita ng chance, dun mo naman gagawin to. Napahagulgol ako at tinakip ko ang mga palad ko sa mukha ko.

Alam ko na.. alam ko na na walang nangyari sa amin noon. Bakit ba ngayon ko lang naisip to? Walang kahit anong masakit sakin pagkagising ko noon at panay ang pagso-sorry niya. At kagabi, sigurado akong meron na dahil sa mga ngiti at titig niya. Shit! Ang tanga tanga ko! Dapat di ako naglasing kagabi!

"Ugh! Ang tanga tanga ko!" Sigaw ko.

Napatingin naman ako bigla sa bedsheet ko at sa suot ko. Baliktad ang shirt ko at short. Wala rin ako maramdaman na underwear. At ang bedsheet ay magulo, walang bahid ng dugo pero alam ko first time ko kagabi. May nabasa ako dati na possible na walang blood kahit first intercourse ng babae. Magpapa-check up pa rin ako pagkauwi ng Manila para masigurado na wala akong sakit, pero atleast ngayon, di ko na iisipin na baka buntis ako. Pero baka magbunga naman ang nangyari kagabi.. Bahala na nga. Saka ko nalang iisipin yun.

Dahan dahan ako naglakad papuntang banyo para magbabad sa tub. Luke warm water ang dapat sa akin ngayon para mabawasan ang sakit.

Pagkatapos ko maligo ay kinain ko ang dala ni Jeric kanina. Gutom na gutom na kasi ako. Tulog pa rin yata ang iba. Siguro maglilibot muna ako, bahala na kahit iika-ika ako. Pake ba nila? Sabihin ko nalang nadulas ako sa cr.

Nagsuot ako ng undergarments at beach dress. Gusto kong maglakad sa tabing dagat at mag-isip ng mga dapat gawin. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Jimin na lumabas sa kwarto ni Jin sa kanang hallway. Alam kong kay Jin yun dahil nakita ko siyang lumabas mula doon kahapon.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon