Chapter eight

30 3 2
                                    

"ROMMY CORDOVA"

Ilang araw ng nakalipas, at ito na nga, ito na ang araw ng paglabas ko ng hospital, tila may kung anong excitement akong nararamdaman. Naglalaban ang puso't isip ko sa di ko mawaring dahilan. Pilit kong isinasantabi ang nararamdaman ko. Pero tinatak ko sa isip ko na aalamin ko ang lahat ng kasagutan sa nararamdaman kong ito, ayokong mangapa, ngunit ieenjoy ko muna ito. Magulo. Masakit sa ulo. Marami pa akong dapat gawin kaya kailangan kong gumaling agad, ayokong mapabayaan ang kumpanya. Ayokong maupo na lang at hayaan ang asawa ko na maging masaya sa piling ng kabit niya. "Ayokong gumaling, dahil baka umalis siya agad" ani naman ng kabilang isip ko. Naiiling nalamang ako sa sarili ko. What did you do aye? But i'll make sure na aalamin ko ito, hanggat nasa piling kita. Ieenjoy ko ang mga sandaling kasama kita. Iba ang aliw na ginagawa mo saakin maging sa anak ko. Kausap ko sarili ko dahilan para maigting ang panga ko. Stop it rommel! Sagot ko ulit.
Natigil ako sa malalim na pag-iisip ng marinig kong bumukas ang pintuan ng silid ko. At inuluwa nito ang anak ko napakalaki ng ngiti at si aye na bitbit ang isang malaking travel bag, mga gamit niya siguro na gagamitin sa pag-stay niya sa mansyon. Pero bakit parang ang konti naman ng dala niya? Parang tiwala siya na gagaling ako agad? Pero mas lalo akong namangha. Dahil hindi uniporme ng nurse ang sout niya ngayon, naka body fit na V-neck tshirt, at tokong na short na hapit din. Pinagmasdan ko ng maigi ang hubog na hubog na katawan nito, lalo na ng madako ang paningin ko sa dibdib nito na hindi naman ganun kalakiha. "Cute" sabi ng pilyo kong isip. Pagkatapos kong magsawa sa katawan niya ay nadako naman ako sa mukha niya, kitang-kita ko ang napakaamo at natural na ganda niya, walang bahid na pagkalalaki kahit na sino ay pagkakamalan siyang babae, "kaya siguro gustong-gusto ka ni gerald dahil sa angking ganda mo" sabi ko habang nakatitig pa rin sa mukha niya. "What a view" sabi na naman ng imahinasyon kong utak. Nang madako ang paningin ko sa hugis korteng puso ng labi nito ay tila parang natakam ako, nanuyo ang lalamunan ko sa mamula mulang labi nito. Nag-igting ang panga ko dahil sa isiping ito. Bakit na kailangan kong maramdaman ito?!

"Enjoying the view dad? Isn't she beautiful?" Bulong ng anak ko na nakalapit na pala saakin ng hindi ko namamalayan, dahilan para magising ako sa pagkakatulala ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko tila ba parang dinatnan ako ng hiya, tinignan ko si aye, pero busy ito sa mga gamit ko na ngayon ay sinisinop na niya sa kung saan lalagyan upanh dalhin ulit pauwi. Nakahinga ako ng maluwag ng tila hindi niya napansin ang pagkatulala ko sakanya. Kasabay non ay siyang pagharap ko sa anak ko.
"What are you talking about son?" Pagkakaila ko.
"I know that you know what am i talking about that, i knew it. You like her dad? Coz i like her too" nanlaki ang mata ko sa sinabi ng anak ko.
"You are too young-"
"I like her to be my mom and to be your wife. That its what i want to say dad. Calm down. Hindi ko po siya aagawin sayo" putol nito sa sasabihin ko at nagtaas pa ng kamay habang sinasabi yun na tila ba parang nanunumpa.
"Shut up. Minimize your voice. Baka marinig ka niya" sabi ko na tila nagbabanta sa tono ng boses ko.

"So it's confirm dad?" Panunuya pa nito saakin.
"Lubayan mo na anak. Isa" banta ko na at pinanglakihan ko ng mga mata ko. Kebata nitong anak ko at bakit alam ang mga ganitong sistema ng kapusukan. Mga bata nga naman ngayon. Iling-iling ito at nakatingin parin sakin na tila ba naninigurado.
"You are so obvious dad" sabi nito at nagpalatak palatak pa habang naglakad papunta sa dada niya.
"I got your back" habol pa nito saka kumindat. Napailing nalamang ako. Ibang-iba ang anak ko ngayon. Sobrang bibo na niya. Napakalayo niya sa dati. Hindi ko naranasan ang ganitong paguugali niya ngayon lang. nakakataba ng puso kung iisipin. Muli kung tinignan ang anak ko. At kitang kita ko sa mga mata nito ang saya habang nakangiti at nakikipagharutan sa dada niya, may kung ano akong naramdaman ng init sa aking puso, ang sarap nilang tignan. Ang piling ko ngayon ay isang ama at asawa na masayang tinitignan ang aking mag-ina. Ama na walang ginawa kundi ang maging masaya ang pamilya.
"Ahm, sir, are you alright? May nararamdaman po ba kayo? Magpapatawag po ba ako ng doctor?" Biglang sabi saakin ni aye na nahalata yata ang katamikan ko at pagtitig ko sakanila. Mas lalo akong hindi mapalagay ng ngumiti ito saakin.
"A-ah nothing. I'm okay aye. May naisip lang ako" nauutal kong sagot. Tumango nalamang siya, tumikhim naman ang anak ko na nasa likod ni aye at tinignan ako na tila ba parang nanguuyam ito nakangisi pa ang loko. Pinaglakihan ko nalamang siya ng mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love is Blind (StraightXtrans)Where stories live. Discover now