Chapter one

80 2 1
                                    

isang malakas na tunog ng ambulansiya ang narinig ni aye habang siya ay nagbibihis ng kanyang susuotin bilang duty na niya na sakanyang pinagtatrabahuhang hospital. hudyat na may emerhensiya na dinala sa hospital. minadali niya ang kanyang pagkilos dahil alam niyang kakaylanganin siya ng mga ito na kung saan ay sa ER ang toka niya ngayong buong linggo. habang nagbibihis ay nakikita niyang isa-isang nagtatakbuhan ang katrabaho niya. pagkatapos magbihis ay mabilis nadin niyang nilisan ang lugar na kung saan ang locker room nilang mga nars. at mabilis na nagtungo sa kung saan nakalagay ang kanyang mga gagamitin bilang isang nars. at lakad takbo na dumeretso sa kung saan naibaba na ang mga pasyente galing sa ambulansiyang pinagsakyan ng mga ito.

"Balbuena, please kindly take care the young man and tell him to calm down, ginawa na namin lahat ngunit patuloy pa rin itong nagwawala"

sabi ni doc Valencia, habang inaasikaso ang lalaking nakahiga sa kama na duguan at maraming bubog na nakatusok sa mukha nito. hindi na bago sakanya ang mga ganitong bagay, mas malala pa kung minsan ang mga nakikita niya, at kung minsan naman ang mga nadadala ay mga wala ng buhay. sa apat na taon na pagtatrabaho niya sa hospital na ito tila ay manhid na siya sa mga bagay na nakakataas balahibo para sa mga ibang tao.

inikot niya ang kanyang paningin sa kanyang paligid at hinanap ang batang sinabi ng doctor. nagpalinga-linga siya at nakita niya ang isang batang lalaki na inaaro ng dalawang nars na kasama niya sakanyang trabaho.

"is he the young man that you are talking about doc?" tanong niya muna sa doctor para makasigurado. at mabilis naman ang pagtango ng doctor. ngunit bago umalis ay tinignan muna niya ang doctor na tila ba nagtatanong kung okay lang ba sakanya at baka kailanganin siya ng mga ito. tila nahulahan naman ng matandang doctor ang nasa isip nito .

"its okay Balbuena. we are okay here. ikaw na mag-asikaso sa bata dun ka magaling ang magpatahan sa mga kasama ng mga pasyanteng nag-aagaw buhay" pagkasabi nito at mabilis na tinawag ang mga kasama nito upang asikasuhin ulit ang lalaking duguan na maraming bubog sa mukha. at mabilis din naman siyang umalis upang puntahan ang bata na tila pilit na kumakawala sa lalaking nars na nakahawak sakanya at gustong tumakbo na kung nasaan ang lalaking ginagamot na kasama niya.

sa tantsa ni Aye, ay nasa ikaanim o ikapitong taong gulang ang bata . nang makarating kung nasaan ang bata, ay mabilis na tinanguan niya ang mga nars na pilit nagpapakalma sa bata. tumayo ang mga ito, at bago umalis ang mga ito ay tinapik ang kanyang balikat na tila ba sinasabing ikaw na ang bahala, tumango nalamang siya bilang tugon.

tumikhim muna ito bago yumuko sa bata na tila nanghihina na sa kakaiyak,

"Hey buddy! here chocolate?" sabi nito na kumuha ng chokolate sakanyang bulsa at inabot sa bata. "No, i dont. i wanna see my dad" malamig na sabi ng bata at nakatingin sa kung saan pinagtutulungan ng mga doctor at mga nars ang ama nito.

"you will see your dad, later. just relax and calm down. everything will be fine" pag-aalo nito sa bata. "stop crying now, because your dad will be not okay if you are acting like that" pagkasabi non ay mabilis siyang tinignan ng bata. napangiti si aye sakanyang nakita, dahil alam niyang napatahan na niya ang bata. sa ganoong tagpo ay mabilis niyang inakay ang bata na kung saan nakahilera ang mga upuan at mabilis na pinaupo ang bata.

"is everything alright? my dad will be okay? why he is still sleeping? why he is not moving?" sunod sunod na tanong ng bata habang nakatingin sakanya at makikita sa mga mata nito ang pag-aalala.

Love is Blind (StraightXtrans)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang