Chapter five

20 1 0
                                    

"Rommy Cordova"

Mabilis na lumakad ang oras. At halos isang buwan na ako dito sa hospital, halos isang buwan na din ako kung dalawin ng anak ko. Sa mga sandaling ito ay hinhintay ko ang pagdating nila. Dahil tapos na ang klase ng anak ko. Nung una ay ayaw kong dito magstay ang anak ko. Dahil ayokong may makuha siyang ibang sakit sa hospital na ito ngunit makulit at mapilit ang anak ko. Kaya naman wala na akong magawa. Lahat ng gusto ng anak ko ginagawa ko. Ngunit hindi mo makikitaan ng pagkaspoiled ang anak ko sapagkat alam nito ang tama at mali. Kaya naman masasabi kong napalaki ko siya ng maayos at bilang isang ama. Wala akong hindi kayang gawin masunod lang gusto nito. Gusto kong maging mabuti ama sa anak ko ng sa ganon ay madala niya sa paglaki niya at sa murang edad palamang nito ay pinapakitaan na niya ako ng pagiging responsable bilang anak ko at bilang tao narin.

Mabilis ang paggaling ko. At paghilom ng mga sugat ko. Ngunit ang mga sugat na iniwan ng asawa ko ay hindi pa rin naghihilom. At hanggang sa mga panahong ito ay hindi pa rin sila makita. Hindi ko alam saang lupalop sila nagtago, sa totoo nito ayokong makita sila ng mga pulis dahil ang gusto ko ay ako mismo ang makakita sakanila at iparamdam ang lahat ng galit at poot ko. Gusto ko silang saktan hanggang sa ako mismo ang manghina. Lahat ng sakit na ipinadama nila saakin. Pisikal hanggang sa kaibuturan ng aking puso ay gusto kong ibalik sakanila na mas dobleng sakit. "Mga hayop kayo! Huwag na huwag kayong magpapakita ng buhay saakin!" Sabi ko sa sarili ko habang kuyom ng mahigpit ang mga kamao ko.

Hanggang sa mga sandaling ito ay hindi ko pa rin mailakad ng maayos ang mga paa ko, pasalamat nalamang ako ay pwede pang makuha ng therapy upang makalakad akong muli, ehersisyo din ang katapat. Para hindi masanay sa pagkakahiga, ginagawa ko ang lahat at maging ang mga doctor ko upang makalakad akong muli. gustuhin ko man na mapabilis ang paggaling ng mga binti ko ay hindi ko magawa.

"Ano ka ba namang bata ka, sinabi ko naman sayo na hindi natin maaring istorbohin ang dada aye mo" dinig kong sabi ni nanang delya, habang papasok sa kwarto ko at pilit na hinihila ang anak ko.

"ano bang nangyayari diyan nang?" tanong ko at umupo sa kinahihigaan ko.

"eh sir, itong si kurt po kasi, nakita niya ang dada aye niya na nasa kabilang silid at may inaasikaso na pasyente, gustong puntahan nitong si kurt. oras ng trabaho nung tao nakakahiya pong makaabala kami" paliwanag ni nanang delya, napa konoot naman ang noo ko sa narinig, sa pagkakaalam ko walang ibang tao na nilalapitan ang anak ko bukod sa amin ni nanang delya, kung minsan ay isnabero pa ito sa nanang delya niya, maging sa bago niyang yaya. nagtaka ako sino itong dada aye na sinasabi niya at bakit parang tila gustong gusto niya ito.

"Kurt" mahinahon kong tawag sakanya, lumingon siya saakin pero busangot ang mukha na naka nguso pa.

"Dad, i want dada aye. i didn't see him for almost a week and i do really miss him" sabi nito habang papalapit saakin at pabagsak na hinahakbang ang mga paa nito, yamot na yamot siya kung titignan.

"and who is that guy? and why you call him your dada? is he your friend?" tanong ko dito na pilit pinapakalma. wala namang ibang magpapakalma sakanya bukod saakin.

"he is not just a friend dad, he is especial to me" sabi nito na sinasabayan pa ng pagsayaw ng mga kamay niya akala mo kung matanda magsalita, pero bigla akong napaisip sa sinabi nito , espesyal? hindi ko maintindihan, ke bata-bata pa ng anak ko alam na ang mga ganitong salita,

"and what do you mean by that?" kunot noo kong tanong sakanya.

"its not what you think dad, i like him, because he knows to take care of me, he care about me, especially when you are in danger, he never left me. and i want him always beside me, i feel safe every time i am with him" paliwanag ng anak ko at pabagsak na inuupo ang sarili sa sofa na katabi ng kamang hinihigaan ko. tinignan ko lamang siya at tina tansiya ang bawat kilos ng anak ko. kailanman ay hindi ko siya nakitaan ng ganitong pagkilos. kailanman ay hindi siya nagkaroon ng interes sa ibang tao bukod saakin. parang nakakaselos tuloy.

Love is Blind (StraightXtrans)Where stories live. Discover now