chapter seven

13 2 0
                                    

ROMMY CORDOVA

hanggang ngayon ay naaliw pa rin ako na pagmasdan si aye sa mga ikinikilos nito, simula kaninang pumasok siya dito sa aking silid. natatandaan ko siya, kahit pa isang buwan ko itong hindi nakita sa pamamalagi ko rito sa hospital. para saakin siya ang taong tumulong para mabuhay akong muli. napaka baduy mang isipin, pero alam kong ang halik niya ang muling bumuhay saakin. hindi ko man siya maintindihan kanina kung ano ang mga sinasabi niya ay sinakyan ko nalamang, para siyang bata kung umiyak kanina. at ang taong ito na hindi ko akalain na siya ang pinagmamalaking DADA ng aking anak . at ang taong ito na muling bumuhay saakin ay isa palang bakla. wala akong balak na pumatol sa isang bakla, pero hindi ko alam kung bakit ganun ang reaksyon ng katawan ko sa halik niya. naging malamig kunwari ang pakikitungo ko sakanya, dahil base kay doc. valencia, mahirap pakiusapan ito na maging isang personal nurse sa mga pasyente, kaya ganun nalamang ang naisip kong paraan para mapapayag siyang maging personal nurse ko, kunwari ay galit ako sa pagkakahalik niya saakin kahit ang totoo ay malaking pasasalamat saakin iyon. hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya pakikitungahan ng ganito, siguro ay kailangan ko muna siyang kilalanin. katulad ng pagkakakilala sakanya ng anak ko na ngayon ay tila mahal na mahal na siya ng anak ko.

kanina ay hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko habang niyayakap siya ng kaybigan ko na si jerald garcia, sa pagkakaalam ko hindi bakla ang kaibigan ko para pumatol sa bakla. pero yung yakap niya parang sinasampal saakin na pagmamay-ari niya si nurse aye, may naramdaman akong konting inis. pero hindi dapat ganun ang maramdaman ko. wala dapat akong pakialam sakanilang dalawa. ang kailangan ko lang ngayon ay ang gumaling ako. kaya lang din naman ako pumayag na magkaroon ng personal nurse ay dahil sa kagustuhan na din ng anak ko. tama yun lang naman ang gusto ko. ang sundin ang gusto ng anak ko na makasama ang dada aye niya. na ngayon ay sobrang saya niya, habang nasa sofa silang dalawa, nagyayayakapan at naghaharutan. ngayon ko lang nakita ang anak ko na sobrang saya sa isang tao, kaya isang pasasalamat na naman ito para kay aye.

"Ang sungit ng magiging boss mo baks." rinig kong bulong ng kaibigan ni aye, hindi ko alam kung sadya ba niyang pinaparinig saakin. kailangan kong gawing malamig ang pakikitungo ko kay aye. dahil ayokong isipin niya na ginusto ko din na maging personal nurse ko siya. may feeling kasi ako na parang safe ako sakanya at magiging mabilis ang pagkagaling ko pag siya ang nag-alaga saakin.

"hayaan mo na baks, pagtitiyagaan ko nalang, kapag naman gumaling na siya ay aalis na din ako" sagot naman ni aye, parang ang sakit naman sa tenga nung sagot niya. hindi ko alam bakit parang nainis ako. kasalanan mo naman kasi kung bakit ganyan siya eh. ganyan mo ba naman siya pakitungahan biglang sabat naman ng isip ko. bakit ba nagkakaganito ako? wala akong dapat maramdaman sa baklang katulad ni aye. nagpakabusy ako kunwari sa harapan ng laptop ko habang ang kabilang tenga ko ay nakikinig sa pinag-uusapan ng magkaybigan .

"homophobic ba yang boss mo ayesha? bakit parang may galit sa mga bakla yan?" tanong naman ni ben kay ayesha, habang inaayos ang anak ko na nakatulog na.

"Hindi naman, mabait naman yang si rommy, since college mag kaibigan na kami niyan, actually siya nga ang nag offer saakin na gawin niya akong sekretarya niya. may mga bisexual din kami na kaibigan noong college, maging sa kumpanya niya ay open siya sa mga homosexual, siguro ay naging mainitin lang ang ulo niya dahil sa mga nangyari, kaya intindihin nalang muna natin siya sa ngayon, magkakasundo rin kayo niyan aye kaya wag kang mag-aalala walang gagawing masama sayo si rommy" sagot naman ni ayesha, salamat naman at kahit papaano ay naipagtanggol niya ako sa maling pagkakakilala nila saakin.

"E-eh kung matagal na kayong magkaibigan ni sir cordova, bakit sir parin ang tawag mo sakanya?" inosenteng tanong naman ni aye, napakainosente ng boses niya , ang sarap sa tainga, kung titignan mo si aye, hindi mo talaga mahahalata sakanya na isa siyang bakla. noong una ko siyang nakita akala ko talaga babae siya, yung boses niya, yung katawan niya yung mukha niya babaeng babae, mas maganda pa sa babae kung tutuusin, lalo na siguro pag humaba na ang buhok nito na hanggang balikat niya sa ngayon.

Love is Blind (StraightXtrans)Where stories live. Discover now