Chapter 13

326 7 10
                                    

(c)MNYOG//

 

Chapter 13

 

“Oh Fuck! God! Shit! What happened to you?!!” naramdaman kong may umalog sa mga balikat ko na pilit akong ginigising mula sa pagkatulog. “Sarah! Wake up! God! Gumising ka! Sarah! SARAH!!!” tinapik tapik niya pa ang pisngi ko. Hindi ko ma-distinguish sa boses kung sino ‘yung kumalong sa’kin ngayon. Ang alam ko lang ligtas na ko. May iba pa akong boses na narinig, pero masyadong malabo para ma-recognized ko pa kung sino ang nag-ma-may-ari ng bawat boses.

Pinilit kong idilat ‘yong mga mata ko pero wala akong sapat na lakas. Sinubukan ko ring magsalita pero tanging “S-s-salamat” lang ang naibigkas ko sa pagitan ng hirap kong paghinga. May naramdaman akong makirot sa tagiliran ko. Pinilit kong igalaw ang kamay ko para mahawakan ‘yon. May likidong dumadaloy mula sa tagiliran ko.

“Please! Wag ka bumitaw! Dadalhin na kita sa hospital.” Bakas sa boses niya ang pag-aalala at pangamba. Gusto ko pa sana siyang kausapin kaso nilamon na ulit ako ng aking kamalayan.

Sa muling pagdilat ng mata ko nasa puting kwarto na ‘ko, may oxygen sa bibig ko at dextrose sa kanang kamay. Parang himala kasi, wala na akong nararamdamang kahit anong kirot. Pinilit kong magsalita pero pag-ungol lang ang nagawa ko.

“You’re awake!” gulat at ginhawa na nasa boses ni Anya ng makita niya akong nakamulat na. Lumapit siya agad sa higaan ko at hinagkan ako. Naramdaman ko pang may tumulong likido mula sa mata niya noong nakayakap siya sa’kin. “Akala ko napano ka na!” pagkahiwalay niya sa yakap ko nakita ko ‘yong luha sa mata niya na agad niyang pinunasan para ‘di ko makita. Nakita kong lumapit si Gab kay Anya tapos inalo ito.

“Ssshh. Wag ka na umiyak sweetie. Okay na si Sarah oh!” tapos binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. “Mabuti at ayos ka na.”

“Ikaw talaga! Ang lapit mo sa disgrasya! Pinag-alala mo nanaman kami ng husto! Kung alam mo lang ‘yung kaba namin nung malaman namin ang nangyari sa’yo!” litanya ni Pau habang nagpipigil ng luha. Nasa tabi na rin siya ng higaan ko, malapit sa’kin.Tinabihan siya ni Kio at pinakalma. Hinaplos niya pa ‘yong likod ni Pau.

Nakaramdam tuloy ako ng guilty na biglang nagpasikip ng dibdib ko. Kung ‘di pa siguro ako nagmatigas kay Sol noong tinatanong niya kung nasaan ba ako baka hindi ko inabot ngayon ‘to. Lumunok ako para pigilan ang nagbabadyang luha. Ayokong umiyak, ayoko ng sabayan pa ‘yong iyak ng dalawang babaeng nasa harap ko.

I manage to say a word kahit naka-oxygen ako. “Shorry!” ‘yung lang ang bukod tangi kong nasabi.

“Bes, wag mo na pagalitan si Sarah!” sinabi niya ‘yon kay Pau pagkatapos ay kinindatan niya ko. “Ligtas naman na siya eh!” Napangiti ako kay Kio. Haay nako! Ang lalaking ‘to, nakaratay na ko lahat lahat sa hospital bed pero nakuha niya pa rin akong kindatan at ngitian ng killer-smile niya pagkatapos ng nangyari.

“Ah. Wait! I’ll call the doctor!”

Mga ilang minuto dumating na ‘yung doctor. Umalis naman sila Anya sa kwarto para bumili ng makakain para sa lahat. Walang natira sa kwarto kundi ako lang, doctor at ‘yung nurse. The doctor checked me up and asked me questions. Pinatanggal niya na rin ‘yung tubo sa bibig ko then sabi niya, magpahinga daw ako. After a few days pwede na ‘ko bumalik sa normal life ko.

Experiment Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon