Chapter 2

515 19 21
                                    

(c)MNYOG//

Chapter 2

“WAAAAAH!” Naibalik ako sa kasalukuyan noong makarinig ako ng sigaw na mapang-alaska. “Ikaw na Jun! TRUTH OR DARE?" sabi ni Kio habang nakangiti ng pagkalapad lapad. Noong unang encounter ko kay Kio, akala ko siya ‘yung lalaking manly lang ang galawan, nagkamali pala ako. Kalaunan kasi noong nakilala ko na siya, may makulit pala siyang side. Katulad ngayon.

"Dare nalang" matipid na sagot ni Jun kay Kio. ‘Yung lalaking isnabero, siya pa rin ‘yun. Matipid sumagot. Malihim. Hindi ko kasundo eversince we met, siya ‘yun. Nag-iisa, ang legendary. Jun.

Napanguso ako sa sinagot niya kay Kio. Ayaw niya ng truth? Siguro dahil alam na naman na nang mga kaibigan niya ang lahat ng tungkol sa kanya at wala ng thrill yun. Pero sakin meron –aaminin ko dahil sa ganyang kilos niya lalo akong na-misteryuhan sa kung ano ba ang nakaraan ng taong ‘to– halos 3 months ko palang sila kaibigan, at importante sakin ang details ng buhay nila. Pero sadyang tikom ang bibig ng lalaking ‘to sa buhay niya. Kung tatanungin niyo ako kung anong alam ko sa pagkatao niya? WALA -__- HINDI kasi siya isang bukas na libro para sa lahat ng taong gustong basahin ang pahina ng buhay niya.

Nakita kong tinapik ni Gab si Kio at may ibinulong, tapos ngingisi ngisi. Ibinulong din nila yun kay Kuya Zyr, pero mukhang hindi approved sakanya yung naisip ng apat dahil pa-iling iling siya. Ipinasa kay Hero pati kina Anya, Sol at Pau. Kutob kong mukhang hindi maganda ang binabalak nila. Kawawa naman si Jun.

Siya kawawa? TSE! Game lang naman ‘to! Edi ang pikon, iyak! TALO :P

"Ano yan? Pass the message? LANGYA!" pagrereklamo ni Jun. NAKO PO! Pakibaybay ang salitang mainipin, hayblad, masungit, epal, kumag at heartless? J-U-N.

"Excited pare? May lakad? Relax. HAHA" natatawang sabi ni Hero sa malokong pagtatanong niya kay Jun. Si Hero na maloko pero faithful sa nag-iisang girlfriend niyang si Sol.

Napaka-talaga nitong lalaking ‘to. TSK! "KUMAG TALAGA!" automatic na lumabas sa bibig ko. *takip sa bibig* *tingin sa malayo* *patay-malisya* 

"MAY sinasabi ka?!” nilingon niya ako at nilingon ko rin naman siya. He looked at me with ‘you-wanna-die’ mark on his face.

Dahil ayoko sa tono ng pananalita niya, sinagot ko siya. "OO, bakit?" mapang-hamon kong sabi sabay ng pag-taas ko sa manggas ng shirt ko na parang gusto ko na siyang maka-suntukan. OO SUNTUKAN! Masarap bangasan ang mukha niya. Lalo pa’t trip niya nanaman ako kanina.

PHEW! Walang atrasan to babes. YUCK! Si JUN? ‘yang kumag na ‘yan tinawag kong BABES? Nakaka-suka! EEW!

"HEP HEP HEP” pumagitna si Pau sa’min. “Wag nyo ngang ma-sundan sundan ang world war 2! OKAY?!” tumingin siya sa aming pareho sabay ngumiti ng nakakaloko. “KALMA lang! Madadaan sa KISS ‘YAN. HAHAHAHHAHA" panunukso ni Pau. 

Biglang nagpanting ang tenga ko! Ano ba ‘tong mga ‘to >___< Bakit ba nila ako pinagduduldulan kay Jun. Alam naman nilang itinatakwil ng kaluluwa ko ang taong ‘yan eh! TSK.

" Ayiiiehh!"

"Hanep pare! Kiss daw oh!"

"Witwiw! Nakanantuts! NAMAN! HAHAHAHA!"

"Kiss sa pwet! Bwiset" tinuro ko yung pwet ko tapos patayo na sana ako pero pinigilan ako ni Kio. Si Kio ang Crush Life ko :D

"Di ka pa nga natataya eh, alis kana? Paano na ko?" sabi niya with matching puppy eyes (=*O*=) AY ANAK NAMAN NG GANDA KONG ‘TO OH! Tama ba narinig ko?? Paano na daw siya kung wala ako. Shit lang! IS that for real? YIEEH! KINIKILIG AKO!

Experiment Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon