Chapter 22

334 11 6
                                    

(c)MNYOG//

Chapter 22

“Ang ganda mo pa namang babae pero sayang dahil magnanakaw ka naman pala!”

“W—Wala po talaga akong alam tungkol diyan..”

“Bwisit na yan! Sabihin mo na lang kung nangangailangan ka ng pera! Di mo naman kailangang magnakaw, eh! Nandamay ka pa!”

“Sorry ha! Pero bwiset ka rin! Hindi ko nga alam kung paano napunta sa’kin ‘to? PUTIK! Mamang pulis! INOSENTE ho ako, hindi ko po talaga alam kung paanong napunta sa’kin ang wallet ni Manang!”

“Excuse me! Hindi pa ako Manang!”

“Matandang dalaga siya, Sarah.”

“THREE OF YOU, SHUT UP!” napahinto naman kaming tatlo sa pagbabangayan dahil sa sigaw ng pulis na nakaupo sa center ng table niya at nakaharap sa typewriter.

Napayuko ako at inis na tumingin sa mga kamay kong nasa lap ko. Inosente talaga ako. Wala akong alam tungkol sa wallet na natagpuan nila sa bag ko :”(

Hinuli kami nang pulis kanina. Pinosas-an at dinala na agad dito sa presinto dahil sa may nakakita daw na sa’kin ipinasa ‘yung nakulimbat nang magaling na kung sino man siyang magnanakaw kanina lang.

Eh, langhiya naman! Wala naman akong kinabibilangang snatcher group kaya paanong mapupunta sa’kin ‘yun? At sino bang nagpasa nun sa’kin? >< Wala naman akong matandaan na may nagpasa sa’kin ng wallet kanina. SHIT!

Bwiset! >< TSK!

Bukod pa dun, kanina pa ko tinatalakan ni Jun about dito. Naisama rin kasi siya sa gulo. Same case with me, napagbintangan.

Pero badtrip lang! Alam kong may karapatan siyang mag-amok dahil inosente siya pero wala siyang karapatan na sabihan ako ng kung ano-anong masasakit na salita dahil inosente rin naman ako.

INOSENTE AKO at PUNYETA SIYA.

Punyeta siya!

I pursed my lips. Nanginginig ako sa inis. Hindi naman ako ganuon kasamang tao para pagsamantalahan ang iba. Aminado ako na wala akong sapat na pera sa mga panahon ngayon kasi nga nanakawan rin ako nung nakaraan lang. Pero di ko kailanman magagawa ang magnakaw, ang kumuha ng bagay na pagmamay-ari ng iba para lang masustentuhan ang pangangailangan at kagustuhan ko.

Naiinis ako. Alam ko kasi ang pakiramdam ng mawalan, manakawan at maagawan. Nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko napansin na may dumadaloy na pa lang mga luha mula sa mga mata ko. Unti unti na rin akong napapahikbi.

“Hindi mo ako madadaan sa luha mo, Miss!” matigas ang boses ng babaeng katapat ko. Siya ‘yung ninakawan daw namin.

“In-inosente p-po talaga ako…” depensa ko sa sarili sa pagitan nang pag-iyak at paghikbi habang umi-iling pa.

Sumisikip ang dibdib ko sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. Natatakot. Nagagalit. Naiinis. Nalulungkot. Naguguluhan.

“H-hindi ko po talaga magagawa ‘yun…Wala po talaga a-akong alam…” Patuloy pa rin ang luha ko sa pagdaloy. Hindi ko mapigilan.

“NAGAWA MO NA NGA, EH!” she shouts at me.

“DARN! YOU DON’T’ NEED TO SHOUT AT HER!” agad akong napatingin sa kanya. Pati ‘yung ibang tao sa loob ng police station ay napatingin sa kanya at napatigil sa ginagawa nila ng dahil sa pagkabigla.

Halos umilingawngaw ang boses niya sa buong police station. Galit na galit ang itsura niya. Ang sama na rin ng titig niya duon sa babae. Ramdam ko sa higpit ng hawak niya sa kanang kamay ko ang panginginig ng kalamnan niya. Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan.

Experiment Of LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя