Chapter 12

329 6 6
                                    

(c)MNYOG//

Chapter 12

“UY! Okay ka lang ba? Bakit?” patuloy pa rin si Ethan sa pagka-usap sa’kin kahit ‘di ko siya iniimik dahil ang utak ko ay ‘di lubos maisip kung anong trip ni Jun at kung bakit niya nagawa kay Ethan ‘yon.

Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim. Calm Yourself. Calm Yourself, bulong ko sa sarili. Pagkadilat ko, nginitian ko si Ethan. “Okay lang ako” sabi ko sa kanya. Pero mamaya talaga may palaying kick ang unggoy na ‘yun sa’kin, sabi ko sa isip ko.

Hinawakan ko ang gilid ng labi niya na siyang kinagulat niya. “Laking pasalamat ko na hindi nag-iwan ng marka sa poging mukha mo ang kamao ng unggoy na ‘yon.” Mahinahon kong sabi habang tinitignan ang gilid ng labi niyang nasuntok.

Napakamot siya ng ulo. “Hehe, oo nga eh!” agad ko naman ng binaba ang kamay ko at bumalik sa pagkakasandal sa kotse niya. Yumukod. *Sigh* Ako tuloy ang nahihiya sa ginawa ni Jun kay Ethan, ang lalaking ‘yon akala mo kung sino =___=

Nagulat naman ako ng biglang makaramdam ng tapik sa balikat. “Wag mo na isipin ‘yon, okay naman ako eh! ^__^ basta promise me one thing, Princess” tumingala ako sa kanya para magtama ang paningin namin. “Kapag sinaktan ka ng boyfriend mong ‘yon, sabihin mo sa’kin ha?” eh? Bakit ko naman daw sasabihin sa kanya?

Mukhang hinihintay niya ‘yong sagot ko pero wala siyang nahita sa’kin kaya inulit niya ulit. “Sabihin mo sa’kin ha? Oy, Princess! Promise me that!”

“Eh bakit naman?” nagtataka kong tanong sa kanya.

Hinawakan niya ko sa magkabilang braso at iniharap sa kanya. “Kasi you don’t deserve to be hurt by anybody, isa pa, you’re now my very best friend, you’re my Princess.” Napangiti ako sa sinabi niya. “Mahalaga ka na din para sa’kin at ang mga taong pinahahalagahan ko, gusto kong protektahan sa abot ng makakaya ko.” dagdag niya pa.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inakap ko siya. “Maraming Salamat Ethan, ang swerte swerte ng babaeng magiging girlfriend mo. Masaya ako kasi nakilala kita. Thank You!” pagka-alis ko sa mga braso niya kinuha ko ‘yong pinakamaliit na daliri sa kamay niya and I entwined mine on his. “Promise!” then I gave him my sweetest smile.

Sinuklian niya rin ako ng ngiti niya. “Promise!”

“Pero sa isang kondisyon..” pahabol ko. “Pa-Iibigin mo si Pau ha! I want you to be his man!” Mukhang nagulat siya sa sinabi ko kasi halos mapalunok siya sa kondisyon kong ‘yon. I’m not kidding, gusto ko siya para kay Pau. Ramdam kong kay Ethan hindi siya masasaktan.

“P-pero may boyfriend na siya”

Naisip ko bigla si Kio. Kaibigan ako ni Kio, kaibigan ko rin si Ethan. Hala! Napasubo yata ako =__= paano nga kung secretly inlove lang talaga ‘yong dalawang ‘yon sa isa’t isa? “Ethan, tutulungan kitang maging kaibigan mo si Pau but kung ma-confirm na hindi sila ni—I mean, wala siyang boyfriend, ipagtatapat mo sa kanya ‘yang damdamin mo ha!”

Inialis niya ‘yong mga daliri namin sa pagkakapulupot at napasimangot. “Hindi ko kaya :’( baka kapag ipinagtapat ko pa sa kanya ‘yong damdamin ko mawala ‘yong paghihirapan kong friendship with her. Risky ‘yon. Isa pa, baka umasa pa ako. Ayoko. Double kill lang ‘yon kapag nakatanggap nanaman ako ng rejection from her” Mariin niyang pagtutol sa sinabi ko.

“Ethan!” hinawakan ko ang kamay niya. “First of all, hindi ka niya ni-reject! Ikaw lang ang nagsabi nun. Pangalawa, ‘di porket inakbayan ng lalaki ang babae, magboyfriend na sila! At pangatlo, mas magandang sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo, sige ka! Mamuhay ka na forever niyang kaibigan o itataya mo ang pag-ibig mo for her?”

Experiment Of LoveWhere stories live. Discover now