Chapter 21

330 8 5
                                    

(c)MNYOG//

Chapter 21

“SHIT! Bakit dito?!” natigilan ako nung makita ko ‘yung lugar na pinagbabaan namin na sinasabi nilang destination namin. “SHIT! Bakit dito?!” ulit ko pa ulit sa sarili ko.

Paanong hinde? NABIGLA KAYA AKO! Kamusta naman kasi! Ano bang trip nila, at bakit nila naisipan na dito magpunta?

“SHIT! Bakit dito?!”

Oh sige! Ako na paulit-ulit! Pero kung kayo rin naman ang nasa kalagayan ko, matitigilan rin naman talaga kayo at mapapasabi nang ganun, lalo pa’t hindi kayo prepared!

“WIIIIIIIIIIIIEH!” na-agaw naman ni Anya ang atensyon ko nang dahil sa pagtili niya. “Super ganda dito! How I love the scenery!” manghang manghang sabi niya.

“Me tooo! WAAAAAAAH! A piece of paradise on earth!” segunda naman ni Pau. “Di ba, Kio?”

Umakbay pa ito sa kanya at ngumiti. “Agree!”

“Nice choice, Kuya Zyr! Ikaw talaga magaling sa pagpili nang mga magagandang pwedeng puntahan, eh!” puri naman sa kanya ni Gab kasabay nang tapik nito sa balikat.

“Thanks!” matipid namang reply ni Kuya Zyr pagkatapos ay lumingon sa’kin. “You like it too?”

Nagitla naman ako kaya isang matipid na “Y-yes.” At alanganing ngiti lang rin ang naisagot ko sa kanya.

“Guys! Tulong! The gamit, pakibaba!” sigaw naman ni Sol sa pwesto namin. Nagulat na lang ako nung isa-isa nang ibinababa ni Hero ‘yung gamit mula sa kotseng gamit nila.

Kaya siguro sa motorbike nila kami pinasakay kasi andami pa lang gamit sa loob nang sasakyan. Hindi naman sila ready nang lagay na ‘to! TCH! *rolling eyes*

“Coming!” sigaw naman pabalik nila Gab at Kio sa kanila at nagpunta na rin doon sa kinaroroonan nang sasakyan namin.

“Washroom lang ako ha!” paalam naman ni Pau sa’kin.

“Wait! ME too!” habol naman ni Anya sa kanya.

“Punta lang ako sa Luxury rooms natin. I’ll just check if okay na ‘yun.” tumango lang ako kay Kuya Zyr bilang pagpayag. Masyado pa rin kasi akong shocked kaya naman di pa ako masyadong makapag-react.

But in my head..naisusumpa ko na sila.

AY KAINIS! Bakit ba ready silang lahat! Tapos ako, hindi ko man lang napaghandaan ‘to! Ano ba ‘yun! >__< Dapat sinabi man lang nila sa’kin kanina na dito pala kami pupunta.

To tell you, nasa beach resort lang naman kami. I would agree with the statement of those two girls kanina. Sobrang ganda talaga kasi nang tanawin dito. Green nature with matching sky blue bodies of water. Napaka-relaxing at talagang worth it ang magiging stay namin dito kung ano mang plano nila. =__=

Pero ang masaklap? WALA AKONG DALANG KAHIT NA ANONG DAMIT! Bukod sa suot ko! TOKWA! ANDAYA LANG NILA. =___= ASAR!

“Shet….Bakit dito?!” napasimangot na ako nang husto.

“TSS!” he hissed. Doon ko na lang napansin na may naiwan pa pala akong kasama sa kinatatayuan ko. Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko siyang nakakunot ang noo sa’kin. “Wala ka man lang bang ibang reaksiyon kundi puro ‘SHIT! Bakit dito?!’?”

Napasingkit ang magaganda kong mata sa kanya. PAG GANITONG BADTRIP PA NAMAN AKO, ‘WAG NIYA ‘KONG MA-ANO ANO DAHIL PUTEK SIYA! “Pakelamero ka! Inggit ka? Edi mag-‘SHIT! Bakit dito?!’ ka rin!” singhal ko naman sa kanya.

Experiment Of Loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن