Brows XV

192 8 0
                                    

For since the law has but a shadow of the good things to come instead of the true form of these realities, it can never, by the same sacrifices that are continually offered every year, make perfect those who draw near

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

For since the law has but a shadow of the good things to come instead of the true form of these realities, it can never, by the same sacrifices that are continually offered every year, make perfect those who draw near.
~Hebrews 10:1

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Labing Limang Kabanata

"ARGH! Why do other strands always discriminate against us?! We are Arts and Design! We are not just freaking students!" Viera hissed because of her frustration.

"Kalmahan mo Viera," sabi ng isa naming kaklase.

"Ang kapal ng mukha nila! Porket sa tingin nila mas mahirap ang mga major subjects nila kaysa sa atin, mamaliitin na nila tayo!" Sigaw pa niya at hindi siya nagpatigil.

"Kung maka-insulto sila sa atin akala mo matatalino sila! Hindi naman!" gatong pa ng isa.

Napailing na lamang ako sa mga rants nila. Mayroon kasing umusbong na issue nitong mga nakaraang araw tungkol sa strand/track discrimination at kabilang kami rito.

Hindi na ako magtataka kung bakit ang liit talaga ng tingin ng tao sa mga art students na katulad ko. Wala naman akong magawa dahil iyon ang iniisip nila.

Mahirap baguhin ang isip ng mga tao. Lalo na kung puro pangmamaliit at insulto ang laman nito. Ang toxic kasi ng mindset nila pagdating sa arts. Akala nila sobrang dali lang ng ginagawa namin. Heck.

"Kung walang art, edi walang kulay ang mundo." Pasaring ng isa pa namong kaklase.

"Kaya naman kukulayan ko na lang ang iyong mundo." Banat naman noong isa.

Dahil dito, ang kaninang puno ng pagkainis at pagkairita, napawi kaagad. Kakaiba talaga ang mga kaklase ko. Mga moody, parang ako.

Ilang minuto pa ang lumipas, puno pa rin ng ingay ang aming section. Napakatagal naman kasing dumating ng teacher namin. Kung saang lupalop at nagsusuot.

Sa kalagitnaan ng ingay nila, mayroong tumawag sa pangalan ko. Si Jayce, siya 'yung isa sa Canary Band member. Ano naman ang kailangan niya sa akin?

Tumayo ako at iniwan ang aking mga kaklase na napaka-iingay. Sinalubong kaagad ako ni Jayce ng isang malapad na ngiti.

"Hey Bro!" bati niya sa akin at tinanguan ko lamang siya.

"Pinapasabi pala ni Mr. Psyche na mayroong mini band contest out of the school na gaganapin. Balak sumali ng Canary Band, game ka ba?"

Brows of the Past | Sixth of Ace: Axti ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang