Brows XXXVI

168 7 0
                                    

Wisdom is with the aged, and understanding in length of days

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Wisdom is with the aged, and understanding in length of days.

~Job 12:12

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Tatlumpu't Anim na Kabanata

HINDI ako umalis ng ospital. Nasa labas lamang ako ng ward kung nasaan si Yheacka. Tinawagan ko si Mom at sinabi ang lahat. Nais niyang puntahan din si Yheacka ngunit pinigilan ko siya. Sinabihan ko si Mom na saka na, kapag maayos na ang lahat.

Paanong hindi ko nahalatang mayroon siyang sakit? Baka naman nahahalata ko, ngunit ipinagsasawalang bahala ko lamang ang lahat ng ito?

Ang pamumutla niya, ang madalas niyang pagkahimatay, ang pamamayat niya...

Anong klase akong boyfriend?! Bakit hindi ko man lang ito pinagtuunan ng pansin? Noong tinago ko sa kaniya ang aking sakit, nalaman kaagad niya ito.

Hindi ko pa rin siya nakakausap hanggang ngayon. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Lumabas si Skyscraper sa ward at itinago ko ang aking mukha. Hindi ko alam kung kilala ba niya ako, pero kung oo, ayokong mamukhaan niya ako.

Sumilip muli ako kay Yheacka at nakikipagkuwentuhan siya sa mga kasamahan niya sa loob. Siya ang pinakabata rito. Mayroong nag-uudyok sa aking sarili na puntahan ko siya, ngunit mayroon ding pumipigil sa akin.

Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako sa labas ng Dialysis Room. Nang dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, nagulat ako nang makita kong nasa harapan ko na si Yheacka.

Akala ko noong una ay nananaginip lamang ako, ngunit ilang beses kong kinurot ang aking sarili. Napailing si Yheacka nang makita niya na ginagawa ko ito. Tumabi siya sa akin at walang emosyon na tiningan ako.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, anong kailangan mo?"

"I miss you..." I said and tried to hug her, but she pushed me away.

I sighed and tried to distance myself after that. She changed... She has changed a lot. She's not the Yheacka that I knew anymore.

I scanned her, even her appearance changed. She wears make-up not and she cut her hair very short. Minutes after, she turns on me without any emotion at all.

"Axti, pasensya ka na kung umalis akong walang pasabi... Pero ngayong nagkita ulit tayo, may gusto akong sabihin..." putol putol niyang sambit.

"Itigil na natin ito, ayoko na... Sa tuwing nakikita ko ang pamilya mo, hindi ko maiwasan ang mahiya at manliit... Alam kong tanggap nila ako kahit na tatay ko ang sumira sa pamilya mo, pero hindi mo alam ang pakiramdam... Ang pakiramdam na parang tanggap lang nila ako dahil may sakit ka..."

Brows of the Past | Sixth of Ace: Axti ✓Where stories live. Discover now