Brows XXI

190 12 0
                                    

Every good gift and every perfect gift is from above, coming down from the Father of lights with whom there is no variation or shadow due to change

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Every good gift and every perfect gift is from above, coming down from the Father of lights with whom there is no variation or shadow due to change.
~James 1:17

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Dalawampu't Isang Kabanata

"GANOON ba talaga kapag narinig ang pangalan ng girlfriend? Mas mabili ka pa sa alas singko kung kumilos," usal ni Keist.

"Ganiyan daw ma-inlove ang isang Axti," banat naman ni Aera.

Napailing ako sa mga pasaring ng aking mga kaibigan. Kahit kailan talaga ang hilig nilang mang-inis. Ako naman, madalas ko silang patulan at pagkaraan noon ay masisira na ang araw ko.

"Tigilan n'yo nga ako. Lumayas na kayo sa kuwarto ko at magbibihis na ako," nanggagalaiti kong utos.

Nakita kong ngumisi sila sa akin. 'Yung ngising alam mong may nais iparating at 'yung tipong nang-aasar. Ang sarap putulin ng kanilang mga labi.

"Sure, lover boy Axti," pang-aasar ni Xeidrine at napailing naman ako.

"Bilisan mo ang kilos, may orphanage pa tayong pupuntahan!" Dugtong ng kaniyang kambal.

I almost forgot about that! We are going to an orphanage again to celebrate my birthday. We already planned it last time, but due to overloaded school works, it gets out of my mind. Heck.

I push away my friends out of my room and lock it. After that, I immediately go to my bathroom and prepare myself. I like Flash that does all my things faster which is not the usual thing that I do.

When I finally dressed formally, I go downstairs. My friends are laughing and they are too loud talking to each other. They were only the ones in the living room.

"Sa wakas! Ready na rin si leader. Tara na!" Masiglang aya ni Keist.

Tumango si Stair. "Oo nga! Hinihintay na tayo ng mga bata."

Nag-umpisa na silang tumayo at kunin ang kanilang mga gamit. Pinapanuod ko lamang sila sa kanilang ginagawa at hindi kumilos.

Nakita ko naman si Wowa na papalapit sa amin at mayroong hawak na dalawang malalaking paper ba. Binati niya ako sa aking kaarawan at ibinigay ang kaniyang hawak.

"Oh, mga apo kainin ninyo 'yan sa daan. Etong si Axti hindi pa kumakain. Subuan ninyo ha."

"Wowa!" Suway ko sa kaniya.

Hindi ko maiwasan ang mahiya dahil sa sinabi niya. Parang sanggol niya ako kung tratuhin niya ako sa harap ng kaibigan ko. Hindi sa ayaw ko ang kaniyang ginagawa, pero nakakahiya lang talaga.

"Kami na po ang bahala sa baby boy ninyo," tugon ni Aera at sinamaan ko naman siya ng tingin.

Tumawa silang lahat. Trip na trip nila ako ngayong araw. Porket birthday ko gaganituhin nila ako. Alam kasi nilang hindi ko sila papatulan ngayon. Nilulubos naman nila.

Brows of the Past | Sixth of Ace: Axti ✓Where stories live. Discover now