Chapter 35

24 2 0
                                    

               Dedicated to Cecille

"Hoy!" tawag ko kay Cris habang palabas na ako ng aming silid, dahil canteen time na ngayon. Samantalang siya ay nakaupo pa rin sa kaniyang silya at mukhang walang balak magmeryenda.

Napalingon naman siya sa tumawag sa kaniya. Ngunit, mabilis din na ini-alis ang tingin at muling yumuko, nang makitang ako ang tumawag sa kaniya.

"Sa ngayon, ako na muna ang magtatanong sa iyo. Ayos ka lang ba?" tanong ko nga sa kaniya.

Bigla niya namang ini-angat ang kaniyang tingin, mula sa pagkakayuko at saka tumango sa akin habang pilit na nakangiti.

Alam ko ang totoong ngiti at alam ko rin kung ito'y pilit lamang.

"Bakit pa nga ba ako nagtanong? Halata namang hindi ka okay," sabi ko naman.

"Okay lang ako," sabi niya at pilit na ngumiti na naman.

Huh? Sinong niloko niya?

"Oo nga 'no? Halata ngang okay ka," pamimilosopo ko sa kaniya.

"Totoo naman kasi, okay nga lang ako," pagpupumilit niya naman.

"Sige na, okay ka na, kahit alam kong hindi naman talaga," sabi ko na lamang.

Wala naman na siyang sinabi pa at nanahimik na lamang siya. Hindi pa rin siya tumatayo sa kinauupuan niya o kahit gumalaw man lang ay hindi niya ginawa.

Naninibago na tuloy ako sa kaniya. Hindi naman siya ganito. Parati lamang siyang masiyahin at palabiro. Ngayon ay hindi ko maintindihan kung anong biglang nangyari na sa kaniya. Bigla na lamang siyang nagkaganito.

Maninibago ka naman talaga, lalo na kung nasanay ka na. Kapag nasanay kang laging masiyahin at maingay ang isang tao, mapapaisip ka na lamang talaga ng dahilan kung bakit bigla itong nagbago.

Masyado kasing halata kapag bigla na lamang itong nanahimik at hindi na kumibo. Bigla ka na lamang talagang kakabahan, dahil alam mong may problema ito.

Mahirap kasi sa mga taong masyadong masiyahin, sila pa ang may malaking kinikimkim na problema sa loob nila.
Pinipilit nila itong kimkimin sa pamamagitan nang pagtawa, nagagawa pa nilang pasiyahin ang ibang tao, ngunit ang kanilang sarili ay hindi nila magawang mapasaya.

Magugulat ka na lamang at magkakaroon ng malaking pagtataka kung ano ang problema kapag bigla na silang nanahimik.

Ang hirap pa naman manghula. Hindi mo sigurado kung ano talaga ang pinagdaraanan nila at naiisip nila. Gustuhin ko man itong alamin, ayaw naman nilang sabihin.

Nais ko talagang malaman ang problema ng isang tao, nais kong alamin upang makatulong ako kahit papaano.

Nais ko silang pakinggan, nais ko silang gabayan, dahil alam ko ang pakiramdam ng hindi mapakinggan.

Ang hirap kasi sa iba, kapag sila ang may problema, laging nariyan ka. Pero kapag ikaw na, nasaan na sila? Wala na, hindi mo na mahanap pa.

Tila ba'y wala silang pakialam sa 'yo at sa nararamdaman mo.

Ang hirap kapag ikaw na ang nangangailangan, kahit isa ay wala kang malapitan. Pero kapag sila ang may kailangan lagi kang nariyan. Lagi ka nilang maaasahan at malalapitan.

Sa totoo nga n'yan, parati na lamang ganoon ang nangyayari. Sa lahat ng oras lagi nila akong maaasahan, kahit na kailan pa 'yan.

Isang sabi lang mula sa kanila, kahit anong pabor pa iyan at pagbibigyan ko sila. Wala silang maririnig na kahit anumang salita sa akin na hindi sang-ayon sa kanila. Kahit na alam kong minsan sumosobra na sila at umaabuso na, hinahayaan ko na lamang, dahil ang nais ko lamang ay makatulong sa kanila.

Ako na lamang parati ang umiintindi sa kanila, ang umiintindi sa kalagayan nila. Pero ni minsan ba ako ay inalala nila? Ni minsan ba ako ay inintindi nila? Hindi naman 'di ba? Dahil ako lamang ang parating umiintindi sa kanila.

Magaling lamang sila kapag mayroon silang kailangan. Napakabait nga nila kapag humihingi sila ng tulong o kung anumang pabor. Ngunit, may iba rin namang sila na ang may kailangan mula sa iyo, may lakas pa sila ng loob upang madaliin ka at hingin ang kinakailangan nila.

Napakahusay nga nila, dahil hindi man lang marunong maghintay at intindihin ang kalagayan mo. Bakit pa nga ba ako nagtataka? Dahil una pa lamang ay wala na silang ibang inintindi kung hindi lamang ang sarili nila. Wala naman talaga silang pakialam sa taong hinihingan ng tulong, dahil sarili lamang nila ang iniintindi nila.

Kapag nanghingi ka nang tulong sa isang tao, huwag lamang sarili mo ang iintindihin mo, intindihin mo rin dapat ang kalagayan nito. Nararapat lamang na humingi ka ng permiso kung maaari kang makahingi ng tulong mula rito.

Ang tagal na nang iginugol ko sa pag-iisip, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ni Cris.

Nananahimik lamang siya mula sa kinauupuan niya at hindi man lang ako magawang lingunin. Ano kaya ang problema ng isang ito?

"Cris, samahan mo naman ako sa canteen oh," pag-aaya ko pa sa kaniya. Nilingon niya naman ako at parang hindi alam kung ano ang dapat niyang sabihin sa akin.

Halata sa kaniyang mukha ang pagkalito kung papayag ba siya o hindi sa nais ko.

Hindi pa siya agad nakasagot, dahil mukhang pinag-isipan niya pa ito. Hindi pa siguro agad siya makapagdesisyon. Ngunit, halata naman sa kaniya na ayaw niyang pumayag sa nais ko, dahil kung ang isang tao ay sang-ayon sa iyo sasagot agad ito, hindi na ito mag-aalinlangan pa at papayag na lamang sa gusto mo.

"Sige na sasamahan na kita," pagpayag niya naman, kung kaya't hindi ko mapigilan ang mapangiti, dahil alam ko namang hindi niya ako matitiis.

"Hindi ko naman makakayang makitang mag-isa ka habang papunta sa canteen, dahil baka biglang may umaligid pa sa iyo roon. Kaya't mas mabuti pang samahan na kita, dahil mas mabuti kung ako ang kasama mo, mas mapapanatag ang loob ko," dagdag niya pa sa sinabi niya.

Kaya naman mas lalong hindi na maawat ang labi ko sa pagngiti. Nais ko mang hindi ipahalata sa kaniya, ngunit hindi ko na mapigil pa. Labis lamang ang kagalakan na aking nadarama.

Habang magkasabay na kami sa paglalakad papunta sa kinagagawian ng canteen. Hindi ko man nakikita nang lubusan ang mga taong nakakasalubong at nakakasabay namin. Ngunit, ramdam ko naman na labis sila kung makatingin. Akala mo ba'y nakakita sila ng dalawang artista, dahil ang buo nilang pansin ay nakatuon sa amin.

Hindi naman na ako nagtaka, dahil hindi ko naman maipagkakaila na labis ang kagwapuhan ng kasama ko ngayon. Idagdag mo pa ang kaniyang katangkaran, kung kaya't pansin agad siya ng karamihan.

Ang kaniyang balat ay kaputian, isama mo pa ang medyo magulo niyang buhok na bumagay lamang sa dating niya.

Paano pa kaya kapag ngumiti pa ang isang ito? Hindi ko na lamang talaga alam kung ano ang maaaring mangyari sa taong makasisilay sa pamatay niyang ngiti.

Siya kasi ang tipo ng tao na hindi mo kadalasang makikitang nakangiti. Parati lamang siyang seryoso at nang dahil din sa pagiging seryoso niya, mas lalo niya itong ikinag'wapo.

Behind Her SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon