Chapter 12

158 81 53
                                    

           Dedicated to sarnaesmoon

Pinili ko na lamang matulog, upang hindi ko na maisip ang dalawa at upang ako ay makapagpahinga.

Sa gitna ng aking mahimbing na pagtulog ay may gumising sa akin.

"Glare, gising na! Uy gumising ka nga r'yan. Kanina ka pa humahagulgol d'yan. Napuno mo na ng luha iyang unan!"

Napahawak naman ako sa hinihigaan kong unan at basa nga ito ng luha na nanggaling sa aking namumugtong mga mata.

Hinawakan ko naman ang aking pisngi na basa rin, dahil sa patuloy pa rin na pagdaloy ng aking luha hanggang sa ngayon.

Akala ko ay sa panaginip ko lamang iyon nangyari. Hindi ko inaasahan na sa pagmulat ng aking mga mata ay may luhang tuluyang pumapatak at hindi ko na mapigil pa.

Hindi ko alam na sa sobrang sakit pala ng aking nararamdaman, maging sa panaginip ay iyon ang nasa aking isipan.

Ang sakit na makita silang magkasama.
Makita silang magkasama at masaya pa.

Habang ako ay nasa likod lamang nila
at pinagmamasdan silang dalawa.

Masaya silang dalawa, napakasaya nila.
Samantalang ako ay kalungkutan ang  nadarama.

At mag-isang nakasunod lamang sa kanila habang ang mga luhang kanina pa nagbabadya ay hindi ko na napigilan pa.

Napahinto na lamang ako at napaupo sa gilid ng isang kalsada, nang hindi ko na sila makita pa at tuluyan na silang nawala.

Humagulgol na ako nang tuluyan, nang hindi ko na mapigilan ang sakit na aking nararamdaman.

Doon nagtapos ang aking panaginip.
Kaya naluha ako at narinig pala ni Shiela ang paghagulgol ko.

"Bakit ka nga pala humahagulgol? Ano bang napanaginipan mo?" nagtatakang tanong naman sa akin ng aking kaibigan.

"Ah wala 'yon. Nakalimutan ko na rin," pagpapalusot ko naman sa kaniya.

"Oh talaga?" tanong niya naman sa akin at mukhang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Oo nga," sabi ko na naman ulit sa kaniya.

"Halika na nga. Kumain na tayo. Ako na ang nagluto, dahil napakatagal mo matulog. Alas-nuwebe na ngayon."

Napakarami niyang alam sabihin.

"Ako naman ang maghuhugas ng mga pinggan," sabi ko sa kaniya.

"Siyempre ako na ang nagluto. Kaya ikaw na ang maghuhugas ng pinggan. Malamang!" Pamimilosopo niya naman sa akin.

"Bakit pilosopo ka na rin ngayon ha?
Ako lang ang ganyan dati," reklamo ko naman sa kaniya.

"Ay ewan! Nakakahawa pala ang pagiging pilosopo," ang sabi niya naman.

"Nakakainis ka!" Pagrereklamo ko ulit sa kan6ya.

"Gan'yan din ang nararamdaman ko kapag ikaw ang pilosopo. Ngayon alam mo na rin ang pakiramdam," sabi niya na naman.

Hindi ko na lang siya pinansin, dahil nainis na ako. Nagsimula na akong kumain para matapos na agad at makapaghugas na ng mga pinagkainan.

"Shiela, ang tabang naman ng luto mo," pagrereklamo ko sa niluto niya ngayon.

"Sa susunod kasi ikaw na ang magluto para hindi ka magreklamo," ang sabi niya na naman sa akin.

"Sa susunod kasi, alatan mo ang niluluto mo para hindi na ako magreklamo," sagot ko naman sa kaniya.

"Kapag maalat, sasabihin mo naman ang alat. Kumain ka nalang d'yan at pagtyagaan mo 'yan," ang sabi niya naman.

"Gano'n na nga. Wala naman akong choice. Lagi na lang naman," sinabi ko lang nang pabulong.

Binilisan ko na ang pagkain at natapos na rin ako kaagad. Nilapag na ni Shiela ang pinagkainan niya sa may lababo, kaya sumunod na ako sa kanya at nagsimula na akong maghugas.

Kaunti lamang ang hugasin, dahil kami lamang dalawa ni Shiela ang kumain.
Hinugasan ko na rin ang mga pinaglutuan at agad din naman akong natapos sa aking gawain.

Nadatnan ko sa kuwarto si Shiela pagkapasok ko na nakahiga na, ngunit hawak pa rin nito ang kaniyang cellphone at mukhang busy sa kung anuman iyon.

Maaari kaming magpuyat ngayon, dahil Sabado naman ng gabi at bukas ay araw ng Linggo kung kailan wala kaming pasok.

"Glare, may idea ka ba kung anong magandang gawin bukas?" tanong naman ngayon ng aking kaibigan.

"Maaari nating gawin ang mga projects at tapusin ang iba pang requirements," pagpapaliwanag ko naman sa kaniya ng naisip kong ideya.

"Pagkatapos?" karagdagang tanong niya naman.

"Matulog, maaari na tayong matulog pagkatapos no'n, dahil nakakapagod tapusin ang lahat ng requirements na iyon." Pagpapaliwanag ko pa lalo sa kaniya.

"Hindi ko gusto ang idea mo," ang sabi niya naman.

"Hindi mo gustong tapusin ang requirements?" nagtatakang tanong ko naman.

"Maaari nating tapusin iyon, pero hindi tayo matutulog pagkatapos. Mamasyal tayo sa mall at doon magrelax," suhestiyon niya naman.

"Ano naman tayong oras makakapunta roon sa rami nating ginagawa?" tanong ko naman sa kaniya, dahil kulang ang isang araw sa lahat ng gagawin.

"Ako ang bahala. Matatapos natin lahat 'yan. Basta sasama ka ha?" Pangungumbinsi niya naman.

"Hindi ako sigurado kung makakasama ako," ang sabi ko.

"Sumama ka na. Mamamasyal lang naman tayo," pangungulit niya pa lalo.

"Oo na nga. Alam kong hindi ka titigil sa pangungulit kapag hindi ako pumayag," sabi ko sa kaniya, dahil gano'n naman talaga siya.

"Mabuti naman at alam mo. Yes!" Pagsasaya niya naman ngayon, dahil napapayag niya na ako sa gusto niyang mangyari.

"Basta, kailangan nating tapusin ang lahat ng projects at requirements bago tayo mamasyal bukas." Paglilinaw ko sa kaniya sa usapan namin.

"Oo naman. Matatapos natin 'yan." Pangungumbinsi niya pa lalo sa akin.

"Matutulog na ako, dahil marami pang gagawin bukas," sabi ko naman sa kaniya, na hanggang ngayon ay busy pa rin sa pagta-type ng kung ano sa cellphone niya.

"Ah sige," ang sabi niya naman kahit halatang hindi siya nakikinig, dahil busy nga ang magaling kong kaibigan.

Nakangiti pa siya habang nakatingin sa cellphone niya. Hindi ko na lamang siya pinansin at ako'y nahiga na upang makatulog na.

Ano kayang ngini-ngiti-ngiti ng isang ito?

Ang dami ko pang isipin sa ngayon, dahil sa dami ng kailangang gawin bukas. Nang dahil sa dami kong iniisip ay nakatulugan ko na ito.

Behind Her SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon