Chapter 21

75 39 13
                                    

            Dedicated to Dashing_Pink

"Okay ka na ba Glare?" bungad na tanong sa akin ng mga kaklase ko, nang pagkapasok ko sa aming silid.

"Okay lang naman talaga ako," ang sabi ko naman sa kanila at ngumiti pa.

"Mabuti naman kung gano'n," ang sabi ni Lena.

"Bakit umalis ka na lang bigla kahapon?" pagtatanong naman sa akin ni Bea na kahit kailan talaga ay napaka-chismosa.

"Huwag niyo ng guluhin si Glare, sinabi niya naman na ayos lang siya," sabi naman sa kanila ni Cris.

Dumiretso naman na ako sa upuan ko at tumingin sa gawi ni Cris at nginitian siya. Ngumiti rin naman siya pabalik sa akin.

Ayaw ko na kasing balikan pa ang nangyari kahapon. "Pero pilit mong binabalikan ang mga nangyari noon," sabi naman ng isipan ko.

Panibagong araw na ngayon kung kaya't huwag na nila akong tanungin pa tungkol sa kahapon. Ayaw ko nang pag-usapan ang tungkol doon.

Kita sa mga mukha ng mga kaklase ko ang pagiging kuryoso sa nangyari kahapon. Mahahalata mong gusto talaga nilang malaman ang dahilan. Ngunit, pinili na lamang nilang manahimik at hindi na ako tinanong pa at ginulo. Mabuti naman, hayst.

Nasanay naman na sila sa akin, dahil ganito na ako noon pa. Hindi pala-imik at minsan lang kung makausap. Kung hindi naman sila magtatanong at hindi mahalaga ang sasabihin nila, hindi naman ako nakikipag-usap sa kanila.

Mas nanaisin ko ng mag-isa at walang kasama, kaysa naman marami ka ngang kaibigan puro peke naman at hindi mapagkakatiwalaan.

Trust no one.

Magtiwala ka lamang sa sarili mo, dahil mas kilala mo ito. Huwag na huwag magtitiwala sa ibang tao, dahil hindi ka sa kanila nakasisiguro.

Ang tagal ko nang nakatulala at nakaharap na naman sa bintana, nang biglang may tumawag sa pangalan.

"Glare, what is our discussion all about?" biglang tanong sa akin ng aming professor, nang mapansin niya sigurong hindi ako nakikinig sa kaniya.

Napaisip naman ako at sinabi ang nalalaman kong dapat naming pag-aralan ngayon. Alam ko iyon kahit na hindi ako nakikinig.

Napapalakpak naman ang aming professor.

"That's great! Ms. Glare, halatang hindi ka nakikinig," natatawang banggit naman niya, kaya't nagulat ako.

Paano niya nalamang hindi ako nakikinig? Nasagot ko naman ang tanong niya kung ano ang lesson namin ngayon.

"Your explanation was great, but I'm just greeting you a good morning right now. We are not discussing yet," ang sabi niya naman kaya't mas lalo akong naguluhan.

Nakita ko nga ang lahat ng mga kaklase ko na nakatayo at nakatingin na sa akin ang lahat. Halata ngang nag-greet lang sila sa aming professor, dahil kapapasok pa lamang nito.

Palpak na naman tuloy, akala ko makakalusot na ako. Hayst!

Nanatili lamang akong nakaupo at lalo tuloy akong pinagtinginan ng mga kaklase ko. Bakit na naman kaya?

"Gan'yan ka ba magpakita ng respeto Ms. Glare? Hindi ka man lang ba tatayo at babati ng magandang umaga?" nagtatakang tanong ni Professor Andrea.

"I'm sorry Ms. Andrea, good morning!" Paghingi ko na lamang ng paumanhin at binati siya, nang makatayo na ako sa kinauupuan ko.

"That's alright, sana lang makikinig ka na sa susunod. Pero ako'y napahanga mo," papuri niya naman kaya't natuwa ako.

"Thank you Miss," pasasalamat ko naman.

"Dahil na-explain na ang lahat kanina ni Ms. Glare, alam kong may idea na kayo ngayon sa ating topic. Kaya't mas magiging madali na lamang ito para sa inyo," sabi naman ng aming professor.

Gano'n nga ang nangyari at naging tuloy-tuloy na lamang ang aming discussion at nakinig na rin ako, dahil medyo nakakahiya na naman ang nangyari kanina. Lagi na lang talaga.

Nang oras na ng recess ay wala ng natira sa aming silid maliban sa aming dalawa ni Cris. Napansin ko namang lumapit siya sa akin.

"Congrats!" biglang bati niya sa akin.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Ang galing mo kanina, grabe!" Papuri niya pa lalo sa akin.

"Ano namang magaling doon? Nakakahiya nga ang nangyari," ang sabi ko naman sa kaniya.

"Napakagaling mong mag-explain, kahit ang mga kaklase natin ay natulala na lang kanina, dahil sa lahat ng sinabi mo," paliwanag niya naman sa akin.

Hindi ko naman talaga kanina napansin ang mga reaksiyon ng iba kong mga kaklase. Nagfocus lang talaga ako sa ginawa kong explanation, dahil kinakabahan din ako.

"Huwag ka ng mahiya, tungkol sa kanina. Kahit nga si Ms. Andrea napahanga mo. Ang galing talaga," patuloy niya pa ring papuri sa akin.

Nang dahil sa sobrang tuwa niya ay inilagay niya tuloy ang kaniyang kamay sa ulo ko at  ginulo niya ang aking buhok.

Natuwa naman ako sa kaniya.

Napatigil ako sa pagngiti, nang tanggalin niya ang kamay niya sa aking buhok at itinigil ang panggugulo rito.

"Pasensya na," biglang sabi niya.

Hindi na siya ngayon makatingin at halatang nahihiya na.

"Ayos lang," ang sabi ko naman.

"Tara! Sabay na tayong pumuntang canteen," pag-aaya niya naman sa akin.

"Ikaw na lang," sagot ko naman.

"Libre ko," biglang sabi niya kaya't napangiti ako.

Agad naman na akong tumayo sa upuan ko at nauna nang lumabas sa aming silid.

"Ano pang hinihintay mo r'yan? Tara na! Sabi mo, ililibre mo ako," pagtawag ko naman sa kaniya, nang maiwan siya sa loob ng silid at natulala, mukhang hindi makapaniwala.

"Ay, oo nga pala," natatawang sabi niya at sumunod na sa akin.

Nauna naman na akong maglakad sa kaniya papunta sa canteen, hindi ko na siya hinintay dahil gutom na rin ako.

Agad naman na akong pumila at biglang naalala na ililibre niya nga pala ako. Pero nauna ako kaysa sa kaniya. Kaya't nasa hulihan pa siya ng pila.

Bigla tuloy siyang nakipag-unahan sa pila, hinayaan lang naman siya ng iba, dahil puro mga babae ang nasa likuran ko at nakapila.

Ginamit niya na naman ang kag'wapuhan niya. Iba rin talaga ang dating ng isang ito.

"Anong gusto mo?" tanong niya naman, nang magkalapit na kami.

"Kahit ano na lang," ang sagot ko naman.

Tumango naman siya at umorder na.

"Ate, pa-order nga ng isang box na pizza at dalawang carbonara samahan mo na rin ng drinks, thank you." Narinig kong sinabi niya sa tindera ng canteen.

Nagulat naman ako sa lahat ng inorder niya. Kami lang namang dalawa ang kakain ng lahat ng iyon. Isang box pa talaga ng pizza.

Iba rin ang isang ito. Yayamanin lang.

"Ang dami mo namang inorder," reklamo ko pa sa kaniya.

"Hayaan mo na, minsan ka lang pumayag na ilibre kita," ang sabi niya naman sa akin.

"Ito na ang order mo," sabi naman ng tindera kay Cris.

Lumapit naman na si Cris at binitbit ang isang tray. Nauna naman na ako sa kaniyang maglakad at humanap ng maaaring maging puwesto.

Inukupa naman namin ang isang lamesa na mayroong dalawang upuan.

Inilapag na ni Cris ang tray sa lamesa at pati na rin ang mga inorder niya.

Masaya kaming nagkuwentuhan ni Cris, habang inuubos ang lahat ng inorder niya.

Ang dami niyang nakakatuwang kuwento, kaya't nasayahan naman ako.

Napatingin ako sa paligid at bigla ko namang napansin na mayroong nakamasid sa amin.

Behind Her SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon