Chapter 1

524 223 174
                                    

January 17, 2019

Napakabilis lumipas ng panahon. Ngayon ay limang taon na ang nakalipas, mula nang unang beses ko siyang makita.

Ika-labing pito na ngayon ng Enero sa taong dalawang-libo at labing siyam.

Narito ako ngayon sa silid-aralan, habang nakatulala sa labas ng may bintana.

Hindi ko na nagawang makinig sa aming guro na ngayon ay nagtuturo, dahil sa lahat ng bumabagabag sa aking isipan.

Bumabalik na naman sa aking ala-ala ang mga bagay na nagdaan na.

Ang mga bagay na nangyari sa nakaraan, ay paulit-ulit pa ring sumasagi sa aking isipan.

Para akong lutang na nakatulala mula pa kanina. Kapag naiisip ko ang mga panahon noong kabataan ko, habang masayang nakikipaglaro sa mga kaibigan ko. Hindi ko maiwasang mapangiti na lang bigla.

Sa pagngiti ko ay hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha.
Hindi ko naramdaman na kanina pa pala ito nagbabadya at hindi ko na napigilan pa.

Ang saya pala, ang saya talaga ng mga panahon na iyon. Mga panahong makapaglaro ka lang masaya ka na, dahil iyon ang kasiyahan mo.

Iiyak ka lang kapag mayroon kang sugat na natamo, dahil sa paglalaro.

Ngunit, iba na ngayon...

Hindi na laro lang ang nakapagpapasaya sa 'yo. Isang tao na ang dahilan nito.

At ang tao ring ito ang dahilan ng kalungkutan mo at sakit na nararamdaman mo.

Sana, maaaring bumalik sa umpisa na walang ibang inaalala. Maliit na bagay lamang masaya ka na.

Sa ngayon, pinagmamasdan ko ang dalawang sa tingin ko ay magkasintahan habang ako ay nakadungaw pa rin sa may bintana na mula kanina ko pa ginagawa.

Ang kaliwang kamay ng lalaki ay nakaakbay sa balikat ng babae.

Mahahalata mo na masaya sila habang magkausap at sabay na naglalakad.

Patuloy ko lamang silang pinagmasdan hanggang sa sila ay nakalayo na at hindi ko na matanaw pa.

Bumalik ako sa reyalidad, na oras na pala ng break time namin. Ang panahon kung saan mayroong oras para sa pahinga at matapos magpahinga maaari ulit magbalik.

Hindi tulad ng break na nangyari sa aming dalawa. Kung saan maaaring magpahinga, ngunit wala ng maaaring balikan pa dahil tapos na. Tinapos na naming dalawa.

Wala na ang lahat ng mga kaklase ko at ako na lang mag-isa ang naiwan sa loob ng aming silid. Lagi naman...

Lagi na lang ako ang naiiwan. Ako ang nasasaktan. Ako ang nag-iisa. Ako ang laging walang kasama.

Mabuti na lamang at nasanay na ako.
Nasanay ako sa mga pangyayaring lagi na lamang ganito. Sinanay ko na ang sarili ko.

Ayos lang na nasaktan at naiwan.
Kaysa naman patuloy ka na lamang nasasaktan at naiiwan.

Nasaktan na ako at naiwan.
Nangyari na sa akin 'yan.
Ngunit bakit patuloy ko pa ring nararanasan ang masaktan?

Patuloy pa rin akong nasasaktan, kahit napagdaanan ko naman.

Nananatili pa rin akong nakaupo sa aking silya at pinagmamasdan ang mga estudyanteng masayang magkakasama, habang ako ay nag-iisa.

Hindi ko na nga namalayan kanina na tapos na pala ang isang klase namin.
Mabuti at hindi ako napansin ng aming guro at aking mga kamag-aral.

Mula noon naman ay ganoon na talaga hindi nila ako pinapansin at binibigyan ng halaga.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad patungo sa canteen, nang napagpasyahan kong kailangan ko man lang makapag-meryenda, dahil hindi na ako nag-abalang mag-almusal kanina sa sobrang pagmamadali at wala rin naman akong gana.

Behind Her SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon