Chapter 13

146 85 9
                                    

         Dedicated to dara_supremo

Maaga akong nagising sa araw na ito.
Ngayon ay araw na ng Linggo, kung kailan walang klase at ito ang araw kung kailan maaari kaming makapagpahinga. Sana nga ganoon lamang ang maaari naming gawin.

Ngunit, parang wala na rin naman talagang kahit isang araw lamang na maaari kang makapagpahinga man lang, dahil sa dami ng mga kailangang gawin at pagtuunan ng pansin.

Bumangon na ako at wala ng sinayang pang oras, upang masimulan ko na rin ang aking mga gawain.

Gising na ako, samantalang ang napakagaling kong kaibigan ay natutulog pa rin nang mahimbing habang humihilik pa. Napakagaling talaga!

"Shiela! Gising na, gumising ka na riyan!" sabi ko sa kaniya, habang niyuyugyog ang balikat niya, para magising na siya.

"Bakit ba? Ang aga-aga pa nanggigising ka na, wala naman tayong klase sa ngayon," pagrereklamo niya naman sa akin.

Mukhang puyat ang isang ito. Natulog kasi ako kagabi habang gising pa rin siya. Hindi siguro siya agad natulog at nagpuyat pa.

"Marami pa tayong aasikasuhin at tatapusing gawain, kaya bumangon ka na riyan," pagpapaalala ko naman sa kaniya, dahil mukhang nalimutan niya na.

"Ay! Oo nga pala. Napuyat kasi ako kagabi. Kaasar talaga ang isang iyon," pagrereklamo niya pa lalo.

Agad-agad naman na siyang bumangon at iniligpit ang kaniyang higaan. Nakalimutan niya nga talaga ang usapan namin.

"Sino ang tinutukoy mong isang iyon?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Wala, may kinausap lang ako kagabi," paliwanag niya naman.

Hindi man ako labis na naniniwala, ngunit hinayaan ko na lamang. Mukhang wala naman siyang balak magsabi kung sino talaga ang isang iyon.

"Bilisan mo na riyan! Magluluto lang ako para makakain na tayo," sabi ko naman sa kaniya.

"At para rin maumpisahan na natin ang mga gagawin nating projects," pagsang-ayon niya naman sa sinabi ko.

"Para matapos na rin natin." Nais ko na talagang matapos ang lahat ng iyon.

Gusto ko ng makahinga ng maluwag, woah!

"Agad nating tatapusin ang lahat ng iyon, para naman makapamasyal na tayo sa mall. Excited na ako!" Natutuwang sabi naman ni Shiela habang pumapalakpak at tumatalon pa sa tuwa.

Isip-bata talaga ang kaibigan ko.

"Hindi halata sa 'yo," pamimilosopo ko naman sa kaniya.

"Excited lang talaga ako. Ano ka ba? Hindi ka ba excited?" tanong niya sa akin.

"Hindi, dahil mas gugustuhin ko pang manatili na lamang dito at matulog maghapon, kaysa maglakwatsa," pagpapaliwanag ko sa kaniya, dahil ang kulit  niya.

"Hindi na nga kita kukulitin, dahil baka magbago pa ang isip mo. Basta sasama ka, wala ng bawian 'yan," pagpupumilit ng napakakulit kong kaibigan.

Hindi na ako umimik at dumiretso na lamang ako sa kusina, upang makapagsimula na akong magluto.

Nais kong mapabilis ang pagluluto kaya't hotdog at itlog na lamang ang iniluto ko, para sa aming almusal.

"Bilisan mo naman Glare! Nagugutom na ako!" reklamo pa ng kaibigan ko.

Naghihintay na lamang nga siya, nakuha pang magreklamo. Napakahusay talaga!

Inilagay ko na sa isang plato ang hotdog at sa isa naman ay ang scrambled egg. Inilapag ko na ito sa mesa kung saan naghihintay na ang reklamador kong kaibigan.

"Magpakabusog ka," sabi ko at nginitian siya.

"Oo naman, gutom na talaga ako," sabi niya habang nagsisimula na sa pagkain.

Mabilis naman kaming natapos kumain at agad na ring hinugasan ni Shiela ang mga pinagkainan namin.

Pumasok na ako sa kuwarto at kinuha na ang mga gagamitin naming gamit para sa gagawin naming projects at requirements na tatapusin.

Nadatnan ko si Shiela na naglilinis na sa sala, dahil doon namin gagawin ang aming mga proyekto.

"Simulan na natin, para makapag-ready na tayo sa pag-alis natin mamaya," sabi naman ni Shiela at kinuha ang ibang mga gamit na bitbit ko.

"Kailangan nating tapusin ang lahat ng ito," pagpapaalala ko ulit sa kaniya.

"Oo naman, ako ang bahala," sagot niya naman.

Lumipas ang ilang oras at hindi pa rin kami natatapos sa dami ng ginagawa namin.

Alas-kuwatro na ng hapon nang matapos namin ang lahat. Halos naubos ang buong maghapon namin sa lahat ng mga gawain.

"Magready na tayo. Wait may icha-chat lang ako," sabi naman ni Shiela sa akin.

Sa dami ng tinapos namin na mga proyekto, parang tinamad na akong mamasyal at sumama sa kaniya. Nais ko na lamang manatili rito sa apartment at matulog upang makapagpahinga.

"Shiela, hindi na ako sasama," sabi ko ngayon sa aking kaibigan.

Nagulat naman siya, dahil sa sinabi ko.

"Bakit naman Glare? For the past two years, lagi ka na lang ganiyan. Nagmumukmok at laging mag-isa. Dati hindi ka naman ganiyan," sermon naman ngayon sa akin ni Shiela.

"Hindi mo naman hintayin 'yong explanation ko," sabi ko sa kaniya, dahil halos hindi na ako makapagsalita sa dami ng sinabi niya.

"No more explanation! Sasama ka!" Pagtatapos niya sa usapan at pumasok na sa kuwarto.

Hindi na nga hinintay pa ang aking explanation at wala na akong magagawa kung hindi ang sumama sa kaniya.

Tama naman kasi talaga siya. Sa lumipas na dalawang taon, hindi ako sumasama sa kaniya o kahit kanino pa. Kahit saan pa sila mamasyal at magpunta. Mas pinipili kong manatili sa apartment at magmukmok na lamang mag-isa.

Mas pinipili ko na walang kasama, habang sila at magkakasama at masaya.

Nasanay na ako. Sinanay ko na ang sarili ko.

Parang kahit ano kasing gawin ko.
Kahit anong paglilibang ko.
Hindi ko kayang maging masaya.
Hindi ko kayang magpakasaya.

Minsan, siguro kaya ko.
Kaya kong tumawa.
Kaya kong magpanggap na masaya.
Pero, ang lahat ng iyon ay peke lamang.
Lahat ng iyon ay pagpapanggap lamang.
Ang lahat ng iyon ay walang katotohanan.

Behind Her SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon