Chapter 13.2 (Extension)

411 25 7
                                    

Author's note: Dahil wala akong magawa, binasa ko ang Suicide School and guess what, na-enjoy ko ang basahin to kaya naman nainspire ako na gawan ng extension to dahil bitin nga! Personally, I like chapter 9 the most. The wrath, terror and emotions of Samantha are on total display sa chapter na yun. Then yung chapter 10 and the later chapter kind of killed the excitement due to its rushed nature. Naaala kong minadali ko ang mga iyon dahil wala na akong net sa bahay. Gusto ko sanang ayusin yung mga iyon kaso wala naman akong computer. Mobile lang gamit ko at ang hirap mag-edit at gumawa ng story sa mobile kaya meh, next time na lang. Anyway, itong chapter 13.2 ay katuloy ng chapter 13 obviously and it is a set up for a possible continuation ng story. Ang continuation ng story ay magdedepende sa supporta ng readers. Kapag maraming demand, gagawin ko yun agad. Kung hindi naman ay gagawin ko muna yung bagong story na sinusulat ko ngayon, yung 'Masaya'.

Chapter 13.2

"Tol, kumusta na?" Boses ni Ronnie na ng galing sa harapan ko habang ako'y nakatitig sa banyo.

Napalagok ako.

"Tol, patay ka na!" Sagot ko.

"Alam ko!" Nanlalaki ang aking mga mata at naninindig ang aking balahibo sa pamilyar na boses na sumagot. Hindi iyon boses ni Ronnie pero alam ko kung kanino iyon kaya agad akong napalingon sa harap. Bumungad sa akin ang mukha ng demonyong nakita ko sa sementeryo noon. Dalawang steps ng hagdan pababa ang layo niya sa akin. Nagkatitigan kami sa mga mata at bigla ko na lang naramdaman na may bumaon sa aking kaliwang dibdib.

"Ugh!" Tulad ba ito sa panaginip ko? Kutsilyo ba yun?

"Relax lang Angelo, kamay ko lang yan!" Napatingin ako sa aking dibdib at nakita kong kamay niya nga ang nakabaon sa akin. Pasok ang buong palad niya! "Hawak ko ngayon ang puso mo..." Tinusok niya pa ito ng matulis niyang thumbnail para iparamdam ang sinasabi niya. "Pwede kitang patayin ngayon pero hindi ko gagawin. Alam mo ba kung bakit?"

"Bakit?" Saglit siyang natawa sa sagot ko.

"Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo baka pumunta ka ng langit kapag pinatay kita ngayon kaya nga hindi kita hinayaan mamatay nung gabing iniligtas mo si Samantha mula sa akin..."

"Duguan ka na noon diba? Sa balikat, sa kamay at sa pisngi. Hindi mo nga inaasahang aabot ka pa ng bukas diba? Pero buhay ka pa rin hanggang ngayon, hindi ka ba nagtataka kung paano?"

Tinanggal niya na ang kanyang kamay sa aking dibdib at nilagay ito sa kanyang likuran kasama ang isa niya pang kamay. Tumingin siya sa saradong banyo at tsaka siya nagsalita ulit.

"Yung Samanthang yun. Hindi marunong tumupad ng kasunduan. Pagkatapos ko siyang tulungan makaganti kay Dimuel, tratraidorin niya lang pala ako. Alam mo bang tinulungan ka niyang hukayin ang libangan niya? Matapos mong buhusan ng holy water ang puntod niya ay nakawala siya sa kuntrol ko at sumanib sa iyo. Siya ang naging karagdagan mong lakas para magawa ang layunin mo. Isipin mo ang galit na naramdaman ko nung tinulungan ka niya! ISA SIYANG AHAS!"

Muli siyang tumitig sa aking mga mata "... AT IKAW! Ikaw Angelo ang magdudusa sa lahat ng galit na naramdaman ko! Akin ka lang! Akin lang ang kaluluwa mo!" Pasigaw niyang sinabi.

Lumingon siya sa kanyang harap at nagsimulang umakyat sa hagdan habang nagwiwika. Sinusundan ko siya ng tingin.

"Hindi ako makakapayag na mapunta ka sa langit Angelo..." Huminto siyang nakatalikod at dalawang steps ng hagdan ang taas sa akin. "...sisiguraduhin kong babagsak ka sa impyerno. Gagawa ka ng kasalanan na wala kang pagkakataong ituwid pa. Yun ay ang..." Bigla siyang humarap at idinikit ang mukha niya sa mukha ko "...MAGSUICIDE!!" Nabigla ako! Napaatras ako ng dalawang hakbang bago tuluyang nalaglag sa landing ng hagdan. Bumagsak ako sa aking puwitan. Saglit akong napapikit sa sakit ng aking likod at puwet na aking naramdaman.

Nilingon ko ang taas ng hagdan pagkatapos kong makarecover at nakita ko ang demonyong nakangisi sa akin mula doon.

"Sinabi ko naman sa'yo Angelo na hindi pa tayo tapos! Lahat nang tao na pagkwentuhan mo ng bagay na may kinalaman sa akin ay magpapakamatay." Wika ng demonyo. "Mwahahahaha!" Naririnig kong tawa niya bago siya tumalikod at dahan-dahang nawala.

Nakaramdam ako ng kunting pagbilis ng tibok ng puso. Alam kong kailangan kong pumunta ng simbahan ngayon dahil tanging alagad lang ng Diyos ang makakatulong sa akin.

Suicide SchoolWhere stories live. Discover now