Chapter 17

310 22 5
                                    

[Angelo's POV]

Tulala nanaman ako! Tulala nanaman ako! Sa dami ng gumugulo sa isip ko, hindi ko namalayang uwian na pala hanggang sa umupo si Maiya sa upuan na nasa harapan ko.

"Hoy Angelo, uwian na! Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya. "Wala na ngang tao sa classroom tayo na lang at yung mga mababait na cleaners ngayon hindi nanaman naglinis. Kaya ako na lang nagbura ng nakasulat sa blackboard. Hindi man malinis ang classroom, at least yung blackboard malinis. Tara uwi na tayo. Sabay na tayo." Paanyaya niya.

Heto nanaman siya, kausap nanaman ako. Alam ko sa sarili ko na kahit sinong makausap ko ay maaari kong masabihan ng mga bagay tungkol sa demonyong iyon kaya kailangan kong gumawa ng paraan para layuan niya ako.

Tinitigan ko siya sa mata. "Alam mo ba ang nangyari kay Samantha?" Tanong ko.

"Narape..." Napahinto siya na parang nagtataka bago niya itinuloy ang kanyang sagot. "at pinatay. Alam mo na yun diba?"

"Alam mo bang lalake rin ako at babae ka rin?"

"Huh?"

"Gusto mo rin bang gahasain kita?"

"Ano!? Hindi mo magagawa iyon." Napatayo siya at napaatras.

"Tingnan natin!"

Tumayo rin ako at sumulong sa kanya. Dahil masmabilis ang lakad ko, inabutan ko siya pagkatapos ng limang hakbang. Niyakap ko siya at pumagitna sa amin ang mga kamay niya na sinubukan niyang ipangharang sa akin. Itinulak ko siya sa may sulok malapit sa may pintuan ng silid.
Napaungol siya ng tumama siya sa pader. "Uhh!"

Nagkatitigan kami sa mga mata. Napakaganda pala talaga niya sa malapitan. Naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng aking puso at lalong pag-init ng aking katawan gayong nakayakap ako sa kanya. Ramdam ko rin ang kaba niya sa nanginginig niyang katawan. "Angelo?" Ika niya na mukhang naguguluhan sa nangyayari.

Nakakapagtaka lang na hindi niya man lang sinubukan na pumalag. Ni hindi man lang niya sinubukan itulak ako palayo sa kanya na parang wala siyang intensyon na pigilan ako. Ni hindi man lang siya sumisigaw ng saklolo na parang hinahayaan niya lang akong gawin ang gusto ko. Nanginginig pa rin ang katawan niya at ang mga mata niya'y nakatitig pa rin sa mga mata ko.

Hindi na ako nakapagpigil, pumikit ako at hinalikan ko ang nakakatukso niyang labi. Inilagay ko ang aking kanang kamay sa likod ng kanyang ulo. Inipit ko ng aking sarili ang kanyang katawan sa pader na nasa kanyang likuran ngunit hindi pa rin siya pumapalag. Sa halip, naramdaman ko ang puwersa ng kanyang labing humahalik rin sa akin? Ang mga kamay niya na nakapagitna sa amin kanina ngayon ay nakayakap na rin sa akin. Gusto niya rin ba ito? Ang buong akala ko ay mabait at may malasakit lang si Maiya pero ganito? May gusto rin ba siya sa akin? Ewan pero gusto ko 'to! Parang ang payapa ng mundo ko kapag kasama ko siya. Bumilis ang tibok ng aking puso at painit ng painit ang aking katawan. Lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap sa kanya at ang labi niya ay parang minumuya ko na ng aking labi. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa tuwing panandalian siyang humihinto sa paghalik sa akin. Maiya gusto ko pa! Gusto kong sabihin sa kanya na sana ganito siya kalapit sa akin lagi. Pero hindi pwede dahil alam kong mapapahamak siya.

Inipit ko ang ilalim na labi niya sa aking mga labi. Idinilat ko ang aking mga mata bago ko hinila ang aking sarili palayo sa kanya na nagputol sa paghahalikan namin. Kakaiba ang pintig ng aking puso, nanginginig rin ba ako? Nag-iinit pa rin ang aking katawan. Gigil na gigil pa rin ako sa kanya pero tama na dahil alam kong hinihintay lang ako ng demonyo na magkamali at itong babaeng nasa harap ko ang pinaka-ayaw kong mapahamak sa lahat.

Dumilat siya. Napakaganda niya talaga! Nginitian ko siya.

"Gustong-gusto mo naman!" Sabi ko sa kanya.

"Ano!?" Sagot niya habang naglalapit ang mga kilay na para bang itinatanggi niya ang sinabi ko.

"Tulo-laway ka pa oh!" Dugtong ko sabay punas sa kanang gilid ng kanyang mabasang ilalim na labi.

"Ang kapal mo, laway mo yan!" Sabat niya at bigla niya akong sinampal.

Nagtungo ako sa aking upuan at napasunod naman siya sa akin ng tatlong hakbang. Napansin niya na balak ko ng kunin ang aking bag kaya nagtungo na rin siya sa kanyang mga kagamitan.

Kinuha ko na ang bag ko at nagmadaling naglakad patungo sa pintuan. Nakita niya ako na malapit na sa may pintuan.

"Angelo, hintay!" Paki-usap niya ngunit hindi ko siya pinansin at lumabas na ng pintuan.

"Angelo naman eh." Narinig kong sinabi niya mula sa classroom. Lalo kong binilisan ang paglalakad para malayo na ako paglabas niya ng classroom. Ngunit paglabas niya ng classroom ay tumakbo siya kaya inabutan niya ako sa may labas na ng gate ng school.

"Aa... Angelo." Ika niya na parang nahihiya makipag-usap.

"Bakit?"

"May problema ka ba?" Kasi-"

"Wala."

"Wala? Eh bakit parang lagi kang wala sa sarili... at parang ayaw mo na akong kausapin.

"Hindi mo ba napapansin? Ayaw lang kitang kausap." Huminto ako at humarap sa kanya kaya napahinto rin siya sa kinatatayuan niya. "Masyado ka kasing makulit at paki-alamera. Kaya pwede ba, huwag mo na akong kakausapin ulit." Sinabi ko sa kanya ng may mataas na boses. Napuno ng luha ang kanyang mga mata.

"Ganon? Sige mula ngayon hindi na kita kakausapin ulit!" Tumalikod siya at tumakbo pabalik sa school.

Shit nasaktan ko siya! Pero wala naman akong choice diba? Kaya wala na akong paki-alam doon. Isa pa para sa ikabubuti niya iyon kaya ayos lang iyon... Kahit gumuguho ang puso ko sa nangyari sa amin.

----------------------------------------------

941 words, ayos na to. Nirewrite ko nanaman kasi accidentally nabura ang more than 300 words and hopefully masmaganda ang bago kaysa nabura hahaha!

Suicide SchoolWhere stories live. Discover now