Chapter 24 - Angelo's Resolve

281 18 4
                                    

Dismissal na. Tapos na ako magligpit ng gamit kayo pinuntahan ko na si Maiya sa kanyang pwesto.

"Tara na Maiya." Pag-anyaya ko sa kanya.

"Saglit lang." Sagot niya.

"Parang close nanaman kayo ah. Nagkaroon ka ba ng instant girlfriend?" Tanong ng katabi ni Maiya na si Marie sa akin na ikinagulat ko. Agad siyang sinunggaban ni Maiya sa likod. Hinawakan siya ng kaliwang kamay sa may baiwang at tinakpan ang kanyang bibig ng kanang kamay.

"Huwag kang makikinig dito! Baliw 'to!" Ani ni Maiya na nabigla din. Itinulak niya si Marie ng mahina pakaliwa pagkatapos at nagpatuloy sa pagliligpit ng gamit niya.

Pinindot-pinindot ni Marie ang braso ko sa may balikat. "Hui! Kayo na ba?" Tanong niya.

Tiningnan ko si Maiya na patuloy pa rin sa pagliligpit ng gamit niya na parang walang narinig. Lumingon ako kay Marie. "Hindi pa eh." Sagot ko. Nagka-aminan lang kami pero hindi naman malinaw kung kami na.

"Ah." Sabat ni Marie na tumatango.

Biglang pumagitna sa amin si Maiya at hinila ang aking kamay. "Tara na Angelo!" Ani ni Maiya. Napasabay ako sa paglalakad niya palabas ng classroom at kinindatan niya si Marie. "Una na kami, bye!"

"Hoy beh! Saan kayo pupunta? Pinagpalit mo na ako ah!" Sagot ni Marie.

"Sa simbahan! Ikakasal na kami!" Sagot ni Maiya na lumingon kay Marie sa likod namin.

"Weh! Di nga?" Sabat ni Marie.

"Totoo!" Sagot ni Maiya. Namula siya at napatingin sa akin ng saglit. Lumingon siya sa baba. "Pero hindi yung kasal."

Saglit na natawa si Marie. "Anong gagawin niyo doon?" Tanong niya.

"Wala. Magdadasal lang siguro. Basta ikwento ko na lang sa'yo next time, okay?"

"Okay!"

"Bye na beh!"

"Bye! I love you!"

"I love you too!"

"I love you too!" Mahinang binigkas ko sa tabi ni Maiya. Napalingon siya sa akin na may pagkainis at hinampas niya ako sa may balikat.

"Huwag ka nga!" Ani ni Maiya.

"Bakit? Totoo naman ah!" Sagot ko. Hindi na siya kumibo at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Maiya." Seryosong sabi ko.

"Bakit?"

"Favor naman oh."

"Ano yun?"

"Itext mo naman papa mo, sabihin mo magdala ng mahabang lubid at puntahan tayo sa simbahan."

"Ha, bakit? Para saan ang lubid?" Pagusisa niya. Tiningnan niya ako na parang nagtataka. Nginitian ko lang siya. "Huwag mong sabihing..."

"Hindi, hindi. Hindi yun tulad ng iniisip mo promise." Sagot ko.

"Eh para saan?"

"Nasabihan kita diba?"

"Ah pantali sa akin!?" Mabilis niyang naisabi na nanlalaki ang mga mata. Natawa ako ng mahina at tumango. "Grabe naman. Pero sige, naiintindihan ko." Kinuha niya na ang cellphone niya at magsimula na magtext.

"Isama mo na rin sa text yung sumpa sa akin para maintindihan nila kung bakit."

"Okay!"

"Huwag kang mag-alala Maiya, proproteksyunan kita... ng buhay ko." Panandalian siyang napahinto sa pagtetext at napatingin sa akin.

Suicide SchoolWhere stories live. Discover now