Chapter 7.1

3K 42 22
                                    

Chapter 7

June 29, Friday

10:06 am

“Hoy hindi ka ba kakain?” Tanong ni Maiya na biglang umupo sa tabi ko ngunit tiningnan ko lang siya.

“Recess na. Wala na ngang tao sa classroom tulala ka pa rin diyan. Siguro iniisip mo pa rin yung building 5 noh?” Dagdag niya.

“Ah.. oo.” Sagot ko nang natatawa.

“Gusto mo samahan kita mamaya?”

“Huwag na.”

“Kaysa naman sa mag-isa ka. Hindi ba delikado yun?”

“Kaya ko na yun. Tsaka baka magka-offense pa tayo kapag may nakakita sa atin na tayong dalawa lang doon diba?

Tumango siya, “Sa bagay... Huwag ko lang sanang mabalitaan na nagpakamatay ka.”

Natawa ako. “Hindi yan. Tatawagan kita pag kailangan ko ng tulong. May number mo naman ako diba.”

“Ah sige. Magrerecess muna ako, gusto mong sumama?”

“Hindi, busog pa ako.”

Tumango siya at aalis na sana nung bigla kong hinawakan ang kanyang kamay.

“Teka lang. May alam ka ba tungkol kay Samantha?”

Napaliit ang kanyang mata. “Sinong Samantha? Samantha Lim? Yung narape nung March?”

“Oo.”

“Wala eh, yung alam ko lang narape siya. Yun lang.

“Eh yung nangrape sa kanya, may alam ka ba tungkol doon?”

“Si Dimuel... ewan. Basta alam ko patay na yun. Nagbigti daw sa kulungan.”

“Ganon ba? Sige, salamat.”

“Si Samantha ba ang multo?”

“Ewan, feeling ko lang.”

Pumasok ang ilang mga kaklase namin sa classroom kaya napatingin kami sa orasan. 10:20 na pala.

“Ui alis na ako, baka mamaya hindi pa ako makapagrecess eh.”

“Sige.”

...

4:59 ng hapon.

Suicide SchoolWhere stories live. Discover now