Chapter 9.2

2.7K 38 17
                                    

 Chapter 9.2

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Tinanggal ko ang nakabaong kutsilyo sa aking kaliwang kamay at nilagay sa kaliwa ko. Binalot ko ang nagdudugo kong kamay ng baba ng suot kong damit para bumagal ang pagdugo nito at tinakpan ko ng kanang kamay ang nagdudugo kong balikat tsaka ko siya tinanong,

“Anong ibig mong sabihin hindi ganon kadali?”

“Galit  kasi ako sa kanya... Gusto ko siyang gantihan!”

Hindi ko siya maintindihan kaya hinintay ko siyang magsalita ulit.

“...Kaya nakipagsundo ako sa demonyo.”

“Ano!?”

“Binigyan ako nun ng kakayanan humawak ng mga bagay at magpakita sa tao kung gugustuhin ko. Kapalit nun, habang-buhay akong mananatili sa mundo at kapag nagunaw na ang mundo at tsaka niya lang ako kukunin.

“Ginawa mo yun?”

Tumango siya. “Hindi ko na napag-isapan pa. Nadala ako ng galit ko.

Gusto kong magdusa siya... araw-araw ko siyang kinokonsensya... hanggang sa yun, nagpakamatay siya. Tapos nun, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kaya tumatambay na lang ako kahit saan hanggang sa matulala ako. Tapos magkakamalay ako nasa loob na ng banyong yan..” Nagsimula nanaman siyang humikbi. “Maaalala ko lahat ng kahayupang ginawa niya sa akin.” Nilapit niya ang kumukunot niyang mukha sa akin, “Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin yun? PARANG PAULIT-ULIT NIYA AKONG NIRERAPE!!” Humhikbi nanaman siya. “Ayoko na.. Tulungan mo ako.”

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin pero gusto ko siyang tulungan. Awang-awa na ako sa kanya. Biglang naalala ko yung mga ghost movies na napanood ko. Yung mga movie na binibigyan lang ng bida ng maayos nalibing ang multo pagkatapos i-comfort tapos ayos na. Kaya naisip ko na baka konektado ang katawang lupa niya sa kaluluwa niya. Hindi ko alam kung gagano to pero gusto kong subukan kaya tinanong ko siya.

“Asaan ang libingan mo?”

“Libingan mo lang ang pupuntahan mo!” Sabat ng boses lalake mula sa aking likuran na nag-eecho ang boses.

Kinilabutan ako sa narinig ko kaya napalingon ako sa likod. Wala naman tao doon kaya lumingon ako ulit kay Samantha pero wala na pala siya sa tabi ko kaya biglang sumagi sa isipan ko ang kutsilyo.

Napalingon ako sa aking kaliwa. Amp*ta! Wala na ang kutsilyo sa tabi ko kaya napatayo ako paharap sa hagdan.

Bumulaga sa akin ang kutsilyong hawak ni Samantha na nakatutok sa ulo ko.

Isinaksak niya ito padiresto sa akin na sinubukan ko naman iwasan. Itinagilid ko ang ulo ko pakanan pero gumasgas pa rin ito sa kaliwa kong pisngi. Panandalian akong napapikit at nagsitalsikan ang mga dugo ko mula sa pisngi.

Agad kong hinawakan ang kutsilyo gamit ang aking kanang kamay tapos sinundan ko ito ng aking kaliwa tsaka ko hinila ito ng buong lakas. Naagaw ko ang kutsilyo sa kanya. Itinapon ko ito sa pinto ng saradong banyo at bumaon ito doon.

Nagmadali akong bumaba sa hagdan na nag-iingat. Humahawak ako sa handrail para hindi ako mahulog. Habang bumaba, nararamdaman ko na may lumalaylay sa aking kaliwang pisngi at tuloy-tuloy ang tulo ng dugo mula dito na pumapatak sa aking dibdib. Alam kong alanganin na ako sa dami ng saksak na natamo ko kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na umalis na sa building 5.

Suicide SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon