Chapter 2

4.5K 58 14
                                    

Chapter 2

June 25,

Monday ng umaga.

Sa classroom, isa sa mga pinag-chichismisan ng mga kaklase ko ang natagpuang patay sa school nung Friday na si Edward.


“Krriiinnnggg!!!”

Tumunog na ang bell. Ibig sabihin ay 8 o’clock na at simula na ng klase pero wala pa rin ang adviser namin na si Ms. Sanchez.

Dumating si Ronnie na hinihingal sa classroom...

“Yeah! Wala pa si ma’am!” Sigaw niya habang nakasarado ang kanyang kaliwang kamao sa tapat ng kanyang dibdib.

Napangiti ang mga kaklase ko sa kanya.

“Good morning Ronnie!”

 “Good morning Ronnie!” bati sa kanya ng mga babae sa classroom at ang iba ay kinawayan pa siya.

“Good morning din!” Sagot ni Ronnie.

Umupo siya sa tabi ko at sinuntok ako ng mahina sa braso...

“Oh tol, kumusta?” Ani ni Ronnie

Ngunit bago pa ako makasagot ay bumukas ang pinto at pumasok si Ms.Sanchez

“Good Morning Class!”

“Good Morning Miss Sanchez!”

“Siguro naman lahat kayo dito ay nabalitaan na ang tungkol kay Edward Castillo.”

“Yes Ma’am” Sagot ng karamihan

“Sino yun?” Sagot ng ilan

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.

“Si Edward yung nagpakamatay na 4th year nung Friday.” Ani ni Ms. Sanchez.

“Ma’am nagpakamatay po ba talaga?” Tanong ni Maiya.

“Well, according to the police report, yes!”

“Awww!” Reaksyon ng klase.

“Since wala naman ibang tao doon, in-assume ng mga pulis na suicide yun.

“Aahh!” Sagot ng ilan sa klase.

“Walang nakita ang mga pulis sa rooftop maliban sa sigarilyo at negative din sa drugs substance ang autopsy ng katawan niya kaya ang nakikita ng mga pulis na dahilan ng suicide ay depression”.

“Ma’am adik po yun!” Malakas na sinabi ni Ronnie.

Napatitig kay Ronnie si Ms. Sanchez.

“Negative nga eh. Kahit sabihin mong adik siya, kung negative siya, hindi yun ang dahilan ng pagkamatay niya.”

“Ma’am si Ronnie addict!” Pasingit ni Carmina

“Weh! May crush ka lang sa akin eh!” Sagot ni Ronnie

“ Ang kapal mo! Ampanget mo kaya!” Sagot ni Carmina

Sshhh!! Itigil niyo na yan. Baka mamaya maging magsyota pa kayo. Pagsaway ni Ms.Sanchez sa dalawa.

“Uuuiii!” Reaction ng klase

“Eeww!” Reaction ni Carmina na napatingin pa kay Ronnie at nandidiri.

“Mph!” Natigilan si Ronnie na nanalalaki ang mga matang napatingin kay Carmina.

“Imposible!” Ani ni Carmina.

“Imposible talaga!” Sagot ni Ronnie.

“Anyway class, speaking of drugs.

Suicide SchoolWhere stories live. Discover now