Chapter 22 - Confession

257 21 3
                                    

Pagpasok ko sa classroom ay agad akong nilapitan ni Maiya.

"Mukhang hindi ka nakatulog ah." Wika niya. Napahinto ako at napatingin sa kanya pero wala akong ganang makipag-usap kaya binawi ko ang aking tingin at papunta na sana sa aking pwesto ngunit bigla siyang nagtanong. "Dala mo ba yung baboy?"

Napahinto ako at napapalo sa ulo. "Tsk!" Lumingon ako sa kanya. "Nakalimutan ko, sorry!"

"Ano!? Ano ba naman yan Angelo! Tinext pa naman kita kagabi para hindi mo makalimutan. Sige, di bale na lang. Tatawagan ko na lang si papa para magdeliver ng baboy dito."

"Okay, salamat!"

...

Nagpatuloy ang klase hanggang sa maglunchbreak na. Gaya ng dati, tuwing araw ng pagluluto ay pumupunta na kami sa TLE room para ihanda ang mga gagamitin tuwing lunchbreak para magluluto na lang pag-oras na ng TLE. Bumili muna kami ng mamimiryenda pangtawid gutom bago kami pumunta sa TLE room dahil 2:00pm pa ang oras ng TLE.

Sa loob ng TLE room ay tinawag ako ni Maiya.

"Angelo." Ibinigay niya sa akin ang plastic ng 1/4 kilo na baboy na nkacubes na.

"Nakacubes na yan pero mas-okay sana kung masmaliit pa kaya kung pwede paki-chopchop na lang." Dugtong niya.

"Sige." Matamlay na sagot ko.

Naghihiwa ako ng baboy at siya naman ay naghihiwa ng gulay. Habang naghihiwa kami ay hindi ko maiwasang mapansin na paulit-ulit siyang tumitingin sa akin at sa tuwing nahuhuli ko siya ay nginingitian niya ako. Sa huling pagkakataong nahuli ko siya ay kinausap niya na ako.

"Ba't parang sobrang tamlay mo ngayon? These past few days parang lagi kang matamlay pero ngayon iba eh. Parang ang bigat ng damdamin mo." Wika niya.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya pagkatapos niyang magsalita at hindi siya pinansin. Ngumisi siya na tila naiinis.

"Ganon? Parang gulay ang kinakausap ko noh? Alam kong sinabihan mo ako na huwag ka nang kausapin pero Angelo, nag-aalala lang naman ako. Ako na nga ang nagmamalasakit, ikaw pa ang ganyan." Ani niya at nagpatuloy sa paghiwa ng mga gulay.

Makalipas ang ilang sandali ay nagring ang aking celphone. Kinutuban ako ng masama nung nakita kong si papa ang tumatawag. Lumunok ako bago ko sinagot.

"Hello pa."

"Angelo anak, pasensya ka na at ngayon lang ako nakatawag. Nakulong kasi ako eh."

"Bakit po?"

"Yung nanay mo kasi..." Naging nangingiyak-ngiyak ang boses ni papa. "Nag... Nagpakamatay!"

Naririnig ko ang paghikbi ni papa sa cellphone. Nanikip ang aking dibidib, parang hindi ako makahinga at ang mga mata ko'y napuno ng luha kaya lumabas ako ng silid habang nakikipag-usap sa cellphone. Napansin iyon ni Maiya kaya sumunod siya sa akin. "Angelo?" Narinig kong sita niya ngunit hindi ko siya pinansin. Pumwesto ako sa tapat ng hagdan papuntang rooftop.

"Nung nireport ko sa pulisya na nagpakamatay ang nanay mo, hindi nila tinanggap na suicide agad iyon kaya heto, under investigation ako kasi kaming tatlo lang ng nanay at kapatid mo ang nakatira sa bahay. Dadalhin pa lang ako sa hukuman mula dito sa kulungan para magbigay ng statement kaya nga nakahiram ako ng cellphone sa pulis. Buti nga mabait eh. Ay yung kapatid mo pala sa ngayon ay pangsamantalang nasa pangangalaga ng pulisya..." Nabitawan ko ang cellpone ko dahil hindi ko na kayang pakinggan ang sinasabi ni papa. Kasabay ng paghulog ng cellphone ko ay ang pagpatak din ng luha ko. Kung noon pa lang nung nagpakamatay si father Mateo ng dahil sinabihan ko siya ng tungkol sa demonyo ay nagpakamatay na ako, hindi na sana nangyari ito. Hindi! Dapat nung sinumpa pa lang ako ng demonyo ay nagpakamatay na ako. Dahil sa akin nagpapakamatay ang mga tao sa paligid ko kaya kailangan ko nang magpakamatay! Tama, dapat na akong mamatay!

Tumakbo ako papuntang rooftop. Nakita iyon ni Maiya kaya hinabol niya ako.

"Angelo!" Sigaw niya ngunit di ko siya kinibo. Pagdating ko sa tuktok ng hagdan ay sinalubong ako ng dalawang pintong pinag-uugnay ng kandado. Buong lakas kong sinipa ang pinto sa gitna para masira ang lock at bumukas.

"Angelo! Huwag!" Sigaw ni Maiya mula sa landing ng hagdan.

Pagbukas ng pinto ay mabilis akong tumakbo papuntang bakod ng rooftop. Ipinatong ko ang aking mga kamay sa taas ng bakod at ipinwersa ang aking sarili pataas. Gayong tuwid na ang aking mga kamay at angat ang aking tiyan sa bakod, Itinapon ko ang aking mga paa palabas dito ngunit bago ko pa tuluyang magawa iyon ay may isinigaw si Maiya na nagbalik sa aking katinuan.

"Mahal kita!"

Lumagpas ang katawan ko sa bakod. Muntik na akong mahulog pababa. Buti na lang naidulas ko ang mga kamay ko pabalik sa rooftop at bumagsak ang aking mga kili-kili sa bakod na siyang pinangkapit ko rito.

Agad akong nilaplitan ni Maiya at hinawakan niya ako sa magkabila kong wrist. Hinihila niya ako pabalik sa rooftop ng hindi maiwasang magkatitigan kami sa aming mga mata. Luhaan din siya tulad ko.

"Mahal kita, Angelo!" Sabi niya habang tinutulungan niya ako makabalik sa rooftop.

Suicide Schoolحيث تعيش القصص. اكتشف الآن