Chapter 31: Illicit Battle

Magsimula sa umpisa
                                    

"Then be it. It's not my loss. It's yours." napahilamos si Leon. Sa puntong ito, gusto na nyang magwala pero saglit na sumagi sa isip nya ang napag-usapan nila ng mga kasamahan nya.

Bigla na lang syang ngumisi, "Ayos lang Queen na mawala kami sayo dahil mawawala din sila. Tandaan mo yan. Mawawala sila." umalis na sya sa harapan ni Queen matapos nyang sabihin yun. Nagsisunod naman agad sa kanya ang mga kasamahan nya.

----

Nang makaalis sila sa DG, nagtungo sila sa kanilang hideout. Ang hideout nilang nakatirik sa isang liblib na lugar.

"Dapat hindi mo pinagsalitaan ng ganun si Queen. Sya pa din ang nakakataas. Superior sya sa atin, Leon."

"Wala akong pakialam."

"Hindi mo alam kung anong kaya nyang gawin."

"Gaya ng ano? Ang ipapatay tayo? Tayo mismo gagawa nun sa kanya. Tayo mismo papatay sa kanya."

"Leon.."

"Nephthys, pwede ka namang bumalik sa kanya kung gusto mo eh. Hindi kita pinipilit."

"Tama na nga yan."

"Tama si Icthys. Tigilan nyo na yan. Walang magagawa yang pagsasagutan nyo. Mabuti pa, magplano na lang tayo."

"Oo nga."

"So, ano? Hoy Leon ikaw magplano. Ikaw pasimuno nito."

"Wag mo kong utusan."

"Guys, chill lang kayo ano ba. Kailangan nating magkaisa dito. So ano na ngang plano?"

"Oo nga, anong plano mo, Leon?"

"Plano ko silang hamunin sa Illicit Battle."

----

Valton University-

Naglalakad si Sena patungo sa girl's comfort room. Pumasok sya dun at nag-retouch ng kanyang make up sa mukha. Nang matapos syang mag-ayos, lalabas na sana sya nang may mga pumasok. Binalewala lang sila ni Sena pero bigla syang hinawakan ng isa sa mga ito.

Inis naman syang nilingon ni Sena.

"Diba ikaw yung kaibigan ni slut?" wika ni Stacey.

Kumunot ang noo ni Sena at tinignan nya ito mula ulo hanggang paa. "Are you referring to yourself?"

Bahagyang nainis si Stacey sa sinagot sa kanya ni Sena pero nagpigil lang sya dahil sa kailangan nya dito.

BROWN EYED QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon