Chapter 31: Illicit Battle

36.2K 737 28
                                    


Brown-Eyed Queen

Chapter 31: Illicit Battle

--

Third Person's POV

Nang makaalis si Queen sa loob ng Council Hall, nagkatinginan lang silang mga subordinates sa isa't isa.

"Ginalit natin si Queen." aniya ng isang subordinates.

"Tama lang ginawa natin." aniya pa ng isa.

"Sinali nya ang grupong nagpabagsak sa atin noon." Minsan na silang pinatumba ng Blood Fangs dahil masyadong mainit ang kanilang paningin sa kanila pati kay Queen. Kaya ganyan na lang ang pagkadismaya nila.

"Tama." sang-ayon ng isa.

"Ano na plano natin ngayon?"

"Pabagsakin ang dapat pabagsakin."

Sumilay sa kanilang mga labi ang mapaglarong mga ngiti. Tila ba konektado ang iniisip nilang lahat.

"Tama!" at nagkaisa silang lahat.

Lumabas na sila ng Council Hall na may mapaglarong ngiti sa mga labi. Nagtataka naman ang ibang taga Council kung bakit sila masaya, samantalang lumabas si Queen na sobrang dismayado.

Sinundan lamang sila ni Black ng tingin.

"Parang may hindi tama."

"Ano naman ang ibig mong sabihin?" tanong ng kanyang katabi na miyembro din ng Council. Napalingon naman si Black sa kanya. Ninais na lamang nyang hindi sumagot.

----

Naabutan nila si Queen sa main lobby ng DG na prenteng nakaupo.

"Ano kakausapin ba natin sya?"

"Ayoko nga."

"Ikaw na kumausap. Tutal ikaw nag-umpisa nitong meeting."

Pinagtulakan sya ng mga kasamahan nya kaya wala syang nagawa kundi lapitan si Queen.

"Queen, paumanhin pero, sana maintindihan nyo kami. Mahirap sa amin na makasapi ang grupong minsang nagpabagsak sa amin." aniya

"So, what are you trying to tell me, Leon? Huh?" sagot ni Queen.

"Simple lang naman, Queen. Ang paalisin sila."

"What if I said no?"

Nagtiim bagang si Leon sa sinagot ni Queen. Naiinis na sya pero kailangan nyang gumalang kay Queen dahil sya ang nakakataas. "Eh di kung ganun lang naman. Kami na ang aalis."

BROWN EYED QUEENWhere stories live. Discover now