"May sasabihin ka pa, tama ba ako?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Paano niya nalaman iyon?

"Kanina ko pa nakikitang bumubuka ang bibig mo para magsalita pero hindi mo naman tinutuloy."

Napakagat-labi ako. Napakarami kong tanong sa kaniya sa totoo lang. Pero isa lang sa mga iyon ang nangingibabaw. Kanina ko pa gustong itanong pero hindi ako sigurado kung handa na akong pag-usapan 'siya' ulit.  The last time I did, it was with Karina Saldivar, hindi na naman nawala sa isip ko ang tungkol sa rosas na pulang matagal ko nang ibinaon sa limot kasama 'niya'.

"Ang sabi mo . . . tagapagpatupad ka ng kahilingan ng mga kaluluwa bago sila tumawid sa kabilang buhay . . . maaari ko bang malaman ang huling hiling ni Alexander Saldivar?" It takes everything in me before I could say those words and Crox suddenly looks so stunned.

Naghintay ako ng ilang minuto pero nakatingin lamang siya sa akin at hindi niya sinagot ang tanong ko.

Inabot ko ang magkabilang balikat niya gamit ang nanginginig kong mga kamay. "Crox, please . . . his name is Alexander Saldivar. He died on July 24, 2013—"

"—He is 22 years old and got murdered during the night of his birthday," pagpapatuloy niya sa sinasabi ko.

Parang kinukurot ang puso ko sa sinabi niya. "Y-yes. That's him. Can you tell me his last wish, Crox?" I met his eyes and I don't understand his expression when he saw that I'm in the verge of crying. "Please . . . I just want to know what is it. I adore him back when I was just a kid. I found out that I love him when I was 16. Even if my love is unrequited, I always love him, Crox."

"You were young that time, how could you be so sure that it was love?"

Hindi ko 'yon in-expect. 

Binitawan ko ang kaniyang balikat at hindi makapaniwala siyang tiningnan. "Who are you to say those words?"

"You and Alexander Saldivar has six age gap. You were just 16 when he died," walang pag-aalinlangan niyang sambit.

"Minahal ko siya at mahal ko pa rin siya hanggang ngayon!"

"You were just traumatized because he died holding the red rose that you gave him. Hindi mo lang siya makalimutan dahil doon. Pero kung hindi siya namatay hawak ang bulaklak na iyon, hindi ka makukulong sa nakaraan!" sigaw niya pabalik. Although I couldn't see anger in his eyes, sobra akong nasasaktan sa bawat salitang binibitawan niya. "Matagal na siyang wala, Airen!"

Paulit-ulit akong umiling habang dumadaloy ang masaganang luha sa aking pisngi. "Hindi siya nawala! Andito pa rin siya. Andito lang siya . . ." giit ko habang itinuturo ang kaliwang bahagi ng aking dibdib. "Kahit hindi niya nagawang malaman ang nararamdaman ko,  alam ko sa sarili ko na wala nang iba pang susunod sa kaniya sa puso ko. It was him and it will always be him. Kahit na hindi ko na maalala ang hitsura niya. Kahit wala na siya. Kahit hindi na siya babalik . . ."

Tumayo ako at sinukbit ang aking backpack. Isinilid ko sa bulsa ng aking apron ang balisong at dinampot ang pana at mga palaso. Crox remained sitting on the ground. Nakatingin sa kawalan.

"Thank you for saving my life in multiple times," I said. "But I don't want to stay with a person who will invalidate my feelings. You know nothing about my pain for the past seven years, Crox."

~*~


Malakas ang buhos ng ulan bandang alas sais ng gabi sa kagubatan ng Himaraya South. Tunog ng tilamsik ng tubig at putik ang maririnig sa paligid. Ganoon rin ang pagtama ng tubig ulan sa mga dahon ng nagtatayugang mga puno sa loob ng kagubatan. Basang-basa na ang damit ko at kahit pa suot ko ang jacket na nakita ko sa aking backpack ay nangangatal na ako sa lamig.

RESETWo Geschichten leben. Entdecke jetzt