Chapter 10

217 28 2
                                    

Wooooah. Sorry, antagal ng update HAHAHA. Ngayon na lang ulit ako nagkaron ng oras para dugtungan 'to. Char. Ang totoo kasi tinamad ako eh HAHAHA. Pero ngayon nag uud na ulit ako para naman matapos ko itong 1st series at masimulan ko na yung next, mwehehe. Ingaaaat.

Ala Jayjay si Chandra guys. Si Mura girl. HAHAHA. K BYEE..

-------꧁ꕥ꧂-------

𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 10



CHANDRA'S POV

"Ang kapal rin ng mukha mo ano?" Agad akong napalingon dahil sa boses na iyon.

S'ya yung room mate ko na nagkantatakbo dati dahil sa sinabi kong pupugutan ko s'ya ng ulo

"Buhay ka pa pala?" Sarkastikong sabi ko sa kanya at gumuhit naman ang inis sa kanyang mukha pero agad rin s'yang ngumisi.

"Nga pala. Umalis kana rito dahil ipapatagkal ko na yang kama mo." Sabi n'ya na ikinakunot ng noo ko.

"Kwarto ko rin 'to! Huwag kang swapang!" Sigaw ko sa kanya. Susugudin ko sana s'ya pero biglang may sumulpot na dalawang alipores sa kanyang likod.

"Ashanty, hawakan mo sa kaliwang kamay. Aiserine, ikaw sa kanan. Basta hawakan n'yo" utos nung room mate ko na feeling pinuno kung makapag utos.

"Sige, Avionna. Hindi namin s'ya bibitawan hangga't hindi nagtitigil at hanggat hindi natuturuan ng leksyon." Sabi nung Ashanty.

"A-anu ba?!" Asar na sabi ko ng biglang hinigpitan nila yung hawak sa akin.

"Hindi ka kasi makausap ng ayos, ang tapang mo. Sa sobrang tapang mo...hindi mo na kinikilala kung sino yung makakabangga mo.."

Agad n'ya akong sinipa sa t'yan dahilan para mamilipit ako sa sakit. Binitawan na rin ako nung dalawa nyang alipores.

"Kulang pa yan!" Sigaw ni Avionna sa akin at agad na hinawakan nila ang buhok ko at hinila ng hinila hanggang sa makalabas ako ng aking silid.

"Kapag bumalik ka rito, ako mismo ang magsusugba sayo sa apoy." Sabi n'ya at agad na tinaklab ang pintuan.

Gabi na. Madilim na sa labas at wala na akong makitang ibang estudyante maliban sa isa.

"Gallery." Tawag ko kay Gallery na kanina pa ikot ng ikot.

"C-Chandra?" Parang takot na sabi n'ya mg makita ako.

Bigla akong lumapit sa kanya pero umatras lang s'ya sa akin palayo.

"B-bakit?" Takang tanong ko pero hindi s'ya nasagot.

"H-Huwag kang lalapit sa akin, mapapahamak ako." Sabi n'ya at saka nanakbo palayo.

Sobrang gulong gulo na ako dahil simula nung isang gabi ay halos pagdaraan ako ay lumalayo sakin ang mga newbie at ang iba naman ay halos patayin na ako sa titig.

Wala akong mapupuntahan kaya naglakad lakad lang ako sa field ng biglang bumuhos ang napakalas na ulan.

Tumakbo lamang ako sa kung saan dahil wala talaga akong alam sa buong University na ito.

Habang nananakbo ay may nakita akong maliit na kubo sa may bandang kakahuyan. Napagpasyahan ko rin na dun na muna ako magpapalipas ng gabi.

Habang naglalakad papunta sa kubo ay hindi ko pa rin maiwasang matakot dahil sa kaluskos na nanggagaling sa likod ng puno. Hindi pa rin tumitigil ang ulab kaya naman halos bumaluktot na ako sa lamig.

Midnight University (ON-GOING)Where stories live. Discover now