Chapter 14

229 28 2
                                    


-------꧁ꕥ꧂-------

𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 14

CHANDRA'S POV

"Saan ba kasi tayo pupunta?!" Iritadong usal ko habang kamot ng kamot sa aking binti.

Nasa gubat kasi kami ngayon tapos sobrang sukal pa jusme.

"Sumunod ka na lang."

Dirediretso lang s'ya sa paglalakad.

'Dapat pala si Gihhan na lang kasama ko, para libre buhat with palipad lipad huhu.'

Apaka damot kasi nitong impaktong nasa unahan mo punyeta.

"Tss. Ang dami mong reklamo."

"Pagod na nga ako, kanina oa tayo lakad ng lakad. Wala na nga atang katapusan 'to. Saan ba kasi tayo pupunta?"

"So talkative."

Huminto s'ya sa paglalakad at saka yumuko, bahagya pa n'yang ibinend yung tuhod n'ya.

"Sakay." Usal n'ya habang inaantay ako.

Nakatitig lang naman ako sa likod n'ya.

'Nabasa nanaman n'ya iniisip ko. Chismoso masyado.'
Napairap ako dahil sa sarili kong iniisip.

"Malayo pa ba?" Tanong ko habang panay kamot ng aking hita.

"We're already here." Sabi n'ya at agad na hinawi ang mataas na damo na nakaharang sa daanan.

Isang bahay ang bumungad sa amin at halatang luma na. Medyo kalahati ang liit nila sa bahay nila Gihhan.

Nauna s'ya maglakad pero umurong naman ako.

"Where are you going? Papunta na sila para tingnan ka rito."

Patuloy lang ako sa pag urong bago nagsalita.

"Ayoko nga! Mukhang haunted house 'yan eh. Baka mamaya may malaking aso d'yan na tatlo ang ulo, e 'di ba nga may galit ka sa akin. So baka 'yan yung way mo para magantihan ako. Kunyare mabait ka pero pag pasok ko dun ikukulong mo ako at ipapalapa sa aso!"

"What kind of mind do you have?, too annoying."

"Wala naman. Naninigurado lang. Malay mo kasi 'di ba?"

"Just go, maabutan nila tayo. Pagong ka pa naman." Pabulong yung huling sinabi n'ya pero rinig ko.

"Hoy! Tang*naka! Narinig ko 'yun." Babatukan ko sana s'ya pero malibis s'yang nagtungo papunta sa pinto ng bahay kaya lakad takbo ang ginawa ko para masundan s'ya.

Bakit ba kasi bampirangot lang ang pwede mag ala flash! An pear!

"S-San--d-dali... H-Hininihingal a-ako." Para akong hinihika na hindi maintindihan habang nakayuko at nakahawak sa dalawa kong hita ng makarating ako sa pinto ng bahay.

Hindi naman ako pinansin nung impaktong kasama ko dahil nagsimula na s'yang katukin yung pinto.

"Naandito na pala kayo, tuloy." Napaangat ako ng tingin dahil sa boses na iyon.

Midnight University (ON-GOING)Where stories live. Discover now