Chapter 13

218 25 0
                                    

A/N. Isa lang muna. Medyo busy ako sa kyng ano ano eh. I hope you look forward for it.

-------꧁ꕥ꧂-------

𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 13


CHANDRA'S POV.

"Chan, gising." Napamulat ako dahil sa boses na iyon.

Nakatulog pala ako kakabasa kanina.

"Anong oras na?" Tanong ko kay Maxine na nakatitig sa pader.

"4 na nang hapon. Hindi na kita ginising para may energy ka sa magaganap ngayon." Sabi n'ya at saka lumingon sa akin.

"Anong ganap?" Takang tanong ko at saka humikab.

'Baho ng hininga ko phone yie tugh.'

"Hindi pwedeng malaman nila Mianary na dito ka nag istay kaya palalabasin nating hindi." Sabi n'ya at saka muling tiningnan yung pader.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko at saka ako tumayo.

Tiningnan ko yung tinitingnan n'ya kaso wala talaga akong makita.

"Anong tinitingnan mo?" Dagdag na tanong ko pa.

"I have my own ability, namana ko kay papa. Nakakakita ako ng mga bagay kahit sampung kelometro pa ang layo. At kahit na may sobrang kapal na pader ang nakaharang." Sabi n'ya bago muli akong nilingon.

"Ready kana? Wala nang tao sa labas." Sabi n'ya.

"Ano ba talagang meron?" Gulong gulo na kasi ako. Kagigising ko lang tapos ganito.

"Lalabas ka rito sa bahay. May maliit na bahay sa hindi kalayuan, dun ka muna tutuloy para hindi malaman ni Mianary na nandito ko. " kunot noo pa rin akong nakatingin sa kanya at sa tingin ko naintindihan naman n'ya ang itsura kong iyon.

"Doon ka muna tutuloy ngayon, pero pagkatapos nun ibabalik ka namin dito. Kailangan ka naming ilayo sa pahamak." Sabi n'ya at medyo naintindihan ko naman.

Hindi ko pa kilala si Mianary at alam kong hindi maganda ang plano n'ya sa akin, pakikitungo pa nga lamang ay hindi na maayos.

"Pero paano tayo tatakas? B-Baka mahuli tayo." Kinakabahan ako.

"Hindi 'yan. Si Gihhan ang magdadala sa'yo dun. Pinabababa ka n'ya sa kaniyang likuran di'ba?" Sabi n'ya at saka ngumisi.

"Gaga. Tara na. " sabi ko at saka sumunod sa kaniya.

"Ha? Hindi mo ako kasama paglabas. Mauuna ako para linlangin sila." Halos manlaki mata ko dahil sa sinabi n'ya.

"So, ano. ako lang? Baka tambangan ako ng tao dyan." Parang gusto ko na magback out.

"Magpapanggap akong aalis, bawal kasi rito mag iwan ng mga bantay kapag wala kami. Tutulungan kitang makapulsit." Sabi n'ya at saka binuksan yung pinto.

Midnight University (ON-GOING)Where stories live. Discover now