Chapter 29

182 17 3
                                    

-------꧁ꕥ꧂-------

𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 29

"M-Mr. Raze, why are they here?" Nakapalibot na sila samin, I don't know what to do. Nanatili lang sa unahan ko si Mr. Raze habang nasa likod n'ya ako.

I know that he also don't know what to do, nandito kami para tumakas. Pero bakit tila alam nila ang ikinikilos namin?

"Mr. Raze, gumawa ka naman ng paraan oh." Nagsisimula na silang lumapit sa akin, hindi 'yon napansin si Mr. Raze dahil nasa unahan namin si Red at Kurby. Magkaharap sila ngayon, isang pilyong ngiti ang pinakawalan ni Red habang nakatingin sakin.

Something is wrong, dadalawa sila. Nasaan si—, hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa biglang pagkapit ng kung sino sa ulo ko.



"M-Mr. Raze," paghingi ko ng tulong. Hindi ako makalaban, sobrang bigat ng pakiramdam ko. Nanghihina ang tuhod ko at alam kong kahit anong oras ay maaari na akong bumagsak.



" Bumalik ka nga rito, bata ka! "


Tila may kung anong imahe ang pumapasok sa aking utak, that was a girl. She's with.... Ms. Sapphire?


"But, I don't want to." She's said while holding a rabbit.


"He just want to see you, babalik din tayo rito. Iwan mo na muna 'yan. Hindi naman 'yan aalis."



" Really ?"



" Ouhm, let's go."

That girl....is me.


Nagsisimula nang bumigat ang talukap ko. Marami pang kung ano-anong bagay o ala-ala ang pilit pinapasok niyang ibinabalik sa isip ko.



Kahit hindi ko s'ya nakikita, alam ko kung sino s'ya. "Y-Yuno."









MAXINE'S POV.


Hindi pa rin bumabalik si Chandra, nakita ko si Mr. Raze na nag-aayos ng mga gamit sa practice room pero nawala sila pareho. Baka hindi pa tapos mag-usap?


" Maxine, where is she?" Napalingon ako dahil sa boses na iyon, mabuti naman at lumabas na 'to.



"Ah, eh, kakausapin daw ni Mr. Raze, tinawag n'ya kanina no'ng nagpapahinga kami." Tumango na lamang s'ya bilang pagsang-ayon.



"Bakit mo pala natanong?" Tanong ko na may halong pang-aasar.



"I'm just asking." Tinaasan ko s'ya ng kilay na tila ba ipinahihiwatig na hindi ako naniniwala sa sagot n'ya.



"Tss." Lumayas s'ya sa harapan ko at saka lumabas ng muli.




"Sungit, charot lang." I heard him "tsk" kaya naman hindi ko mapigilang matawa, akala mo kung sinong matapang, torpe-torpe naman.




Babalik na sana ako sa kinauupuan ko kanina ng marinig ko ang tawag ni Gihhan.


"Max!" Isa pa 'to, uso ba ang pagiging kabute ngayon? Mawawala tapos susulpot bigla.



"Oh, "Nasaan si Chandra?" rin ba ang tanong mo? Malay ko nga, kausap yata si Mr. Raze, hindi ko alam kung saan sila nag-uusap. Baka mamaya pa bumalik." Dire-diretsobg saad ko.



"Ah, sige. Salamat." Matapos 'yon ay lumayas na rin s'ya.


"Eh?" Napailing nalang ako dahil sa kanilang dalawa. Bumalik ako sa silid at nagpahinga muna ng saglit. Ang bigat ng katawan ko, gwaas. I never thought na mapapagod kami ng ganito.




Midnight University (ON-GOING)Where stories live. Discover now