Chapter 1

748 40 34
                                    

-------꧁ꕥ꧂-------

𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 1

CHANDRA'S POV

I'm Chandra Drov. Isang transferee mula sa Adamson University.  17 years old at isang senior student.

Bumagsak ako sa Adamson University kaya kinailangan kong lumipat ng school na papasukan.

Walang kahit sino man ang tumanggap sa akin dahil hindi maganda ang naging record ko sa Adamson.


Walang sino man ang nakakatuwang ko sa pag aaral at wala ring sino man ang nagpapaaral sa akin.


Wala akong magulang na nakilala dahil sa bahay ampunan ako lumaki. Sinabi nila na hindi rin daw nila kilala ang mga magulang ko. Pero may nakapagsabi sa akin na may isang madre na nakakaalam kung sino ang mga magulang ko pero matagal na syang pumanaw.


Bumagsak ako sa Adamson dahil hindi ako nakakaattend ng maayos sa klase at hindi na rin ako nakakapagtake ng mga exam dahil sa kakulangan ko ng pera.

Hindi kinakaya ng pagiging working student ko lahat ng gastos na dapat kong tustusin para sa pang araw araw na gastusin lalo na sa aking pag aaral.

Nakikitira lang din ako sa bahay ng isa sa mga malapit kong kaibigan pero nahihiya na rin ako kaya kinailangan kong mas magtrabaho ng maayos para na rin sa magiging future life ko.

Nais ko rin sana maging doctor subalit gaya nga ng sinabi ko wala akong sapat na panggastos para makapag aral ng ganon kamahal at ganun katagal.

Isang taon akong hindi nakapag aral dahil sa walang eskwelahan ang tumatanggap sa akin. Gusto ko na ngang sumuko at magtrabaho na lang hanggang sa......

"Chan!!" Masayang usal sakin ni Shaina habang nagtatalon pa bago lumapit sa akin ng tuluyan.

"Oh? Bat parang sinisindihan yang p'wet mo ng pusporo?" Natatawang usal ko pero inirapan nya lang ako.

" Wag mong sirain mood ko rn." Mataray na sabi nya na ikinatawa ko lalo.

"Oh, sige na. Ano bang meron?" Tanong ko sa kanya at ipinakita nya sakin yung hawak nyang papel.

"Ayan oh! Midnight University!! Open sila para sa enrolment! Sayang naman kung di mo papasukan, diba? Di mo naman siguro bet na habang buhay na lang magpunas lamesa sa lugar na ito." Nadidiring sabi nya kabang itinataas ang kanyang kamay na parang gustong ipakita ang kabuoan ng lugar na aming kinaroroonan.

Napairap ako sa kanya at nilibot ang tingin sa buong karinderya.

Sa karinderya ako nagtatrabaho at oo halos maya't ako nagpupunas ng lamesa at naghuhugas ng plato.


"Kelan ba yung enrolment?" Tanong ko sa kanya at tumingin naman sya sakin at saka dinampot yung papel na hawak nya kanina at halos ingudngod na nya sa mukha ko.

"Ano ba?!" Iritadong usal ko at saka hinawakan yung basahang panlinis ko ng lamesa.

"Isa pa, at ito ang ipapahid ko sa mukha mo." Sabi ko kaya naman sumimangot sya.

"Sabi ko nga, hindi na eh. So ayun nga... Bukas yung enrolment, 7:00 P.M kaya patulan mo na. Maawa ka naman sa life mo, ghurl." Sabi nya sakin at saka tumayo mula sa pagkakaupo at tiningnan muli yung brochure or flier about sa MIDNIGHT UNIVERSITY.



Midnight University (ON-GOING)Where stories live. Discover now