Chapter 24

116 3 1
                                    

Chapter 24

“Ma, aren’t you tired? Kanina pa tayo lakad ng lakad eh!”

Humarap si Mama sa akin with the matary look. Geez. I just zipped my mouth.

Kung bakit naman kasi ngayon pa naisipan ng mga barkada ni Kuya na sunduin  siya sa bahay? Ako tuloy ang sumama kay mama. Magkikita pa naman sana kami Lablab ngayon.

“Cloud!”

“Brix? Anong ginagawa mo dito?”

“Maghahanap ng chix.” Dumating si Mama agad namang nagbeso si Brix kay Mama. “Naks si Tita lalong gumaganda. Parang magkapatid lang kayo ni Cloud ah.” Bolero talaga.

“Hay nako Brix, bolero ka  talaga. Are you alone?” Tumango si Brix. “Let’s eat. Kanina pa kasi reklamo ng reklamo yang si Cloud eh.”

Nakakagago din tong si Brix eh. Kala ko ba mangchichix? Eh nagpapalakas lang kay Mama eh. Ni hindi man lang ako tinulangan sa mga bitbit kong shopping bags ni Mama. Tsk. Masapak nga bukas yan.

Nakangiti lang ng nakakaloko sakin si Brix habang naghihintay kami ng order namin. Tsk. Sinumbong kaya ako neto kay Mama? Lagot ako kapag nalaman niyang nasuspend ako at nanapak. Tsk. Ayaw pa naman ni Mama ng violence.

“What?” I irritatedly mouthed at Brix. He just shrugged and whistled.

“O, three days daw sila Sky. Tumuloy na rin daw sila sa Palawan.” I’m not really interested at Kuya’s whereabouts. Ang gusto ko lang malaman ay kung sinumbong ba ako ni Brix kay Mama. “Excuse me, wash room lang ako mga iho.”

“Kilala pala ni Tita si Tita Carmy.” Paglingon ko sa direksyon ng tinitignan ni Brix nakita ko yung Tita Carmy na sinasabi niya. Parang nakita ko na siya. Siguro one of the parties we attended.

Dinala ni Mama yung kausap niyang babae sa amin. “This is my son Cloud and his friend Brix.”

“Hi Tita Carmy,” bati ni Brix, nakipagbeso pa nga siya.

“His parents are my friends and he is a childhood friend of my daughter.” Napa-oh na lang kami ni Mama. “Cloud? Your name sounds familiar. Anyways, hi!”

“Nice to meet you,” I greeted back with full respect.

“You know their names’ story.” Tumawa sila Mama and Tita Carmy.

“Tita kilala niyo na pala magiging ba---”

“Siya yung kinukwento ko nung dinner Cloud, yung nakilala ko sa flight on our way back. Nagkita tayo earlier than we planned. How nice……” dire-diretsong nagkwentuhan sina Mama and Tita Carmy. Tahimik lang kami ni Brix and sometimes would respond to them.

Nakakapagtaka lang kay Brix parang may gustong sabihin pero hindi makasingit sa daldal nila Mama. Sinipa ko siya under the table pero binigyan niya lang ako ng ‘may-dapat-kang-malaman-look’. Gay.

“Excuse me,” paalam ni Tita Carmy nung naging yung phone niya. “It’s my daughter,” she mouthed to Mama which Mama responded with a lopsided smile. “…..Baby, nandito na ako. Yes, I’m wth my friend. Oh, you’re at the entrance na? Okay. I’m hanging up.”

“Is your daughter still okay?”

“Yeah, she’s trying to be okay for everyone especially for her boyfriend.”

“Shit,” bulong ni Brix.

“Brix, is there something wrong?”

“Tita successful po ba yung research?” Tanong ni Brix. What the?! Parang ako lang ang walang alam dito ah. Mukha akong tanga.

Starting Over The EndWhere stories live. Discover now