Chapter 37

56 3 0
                                    


Chapter 37






Cloud's POV






"Lablab, nagtext na sila Bea," dahan-dahan kong pagsabi sa kanya. Baka kasi biglang ma-beastmode. Katulad ng mga babaeng marinig lang ang pangalan ni ex mula sa partner nila eh biglang nagttransform.











"Anong oras ka aalis? Maligo ka muna. Ang baho mo na eh," she said. Nasaan yung ineexpect ko na beastmode? 








Beast mode. Not found. 









Iba nga pala tong si Lablab. Binaba ko muna yung telepono ko at pinuntahan siya sa laundry area. Busy siya sa paghihiwalay ng puti sa de kolor na damit. Pati yan, alam na niyang gawin eh. "Bakit?" tanong niya sa akin nung napansin niyang pinanonood ko siya. "Gandang-ganda ka na naman sa akin?" halata sa tono niya ang pang-aasar. 









"Hindi. Sanay na ako sa ganda mo eh. 'Yang gandang yan ba naman ang nagpapatulog at gumigising sa akin eh. Kaya ng---"








"Kung babanat ka na naman ng corny mong pick-up line, wag na lang, maligo ka na lang," dire-diretso niyang pambabara sa akin. Tsk. 





Starting Over The EndWhere stories live. Discover now