Chapter 3

174 4 1
                                    

Chapter 3

Hindi nga tinantanan ni Belle si Bea at Aaron. Marami siyang ginawang hindi katanggap-tanggap, pero napipigilan ko naman siyang ipahiya ang sarili niya. Oo, pinipigilan ko siya sa pagsira ng relasyon nila. Hahayaan ko ba namang masaktan si Bea? Neknek niya.

Nandiyan na ang gustong ipahiya ni Belle si Bea sa harap ng buong student body pero hindi niya naituloy kasi hinila ko siya palayo sa mic. Minsan tinry niyang buhusan ng soup si Bea, pero di natuloy kasi bago pa siya makalapit kay Bea tinabig ko yung soup. Syempre, kahit baliw at brat yang si Belle, babae pa rin yan. Hindi ko siya hinayaang mabasa. Sabi ko, ako na lang.

Pero sa dami ng effort niyang sirain sila, walang successful kasi nga epal ako dun. Sa dami ng encounters namin, hindi pa kami nag-usap after nung gabing sinabi ko sa kanya na tigilan niya na si Bea at Aaron. Puro irap lang binibigay niya sa akin at dagger look. Hinahanap-hanap ko na nga eh.

"Cloud, hindi ko kayang makitang nasasaktan si Belle," yan si Enzo. May basbas niya lahat ng ginagawa ko, kasi naiintindihan niya daw. At ayaw daw niyang magmukhang tanga si Belle. Pero hindi niya kayang gawin yung ginagawa ko kasi nga, mahal neto si Belle. Isang lambing lang bumibigay agad.

"Enzo, nasasaktan ba siya sa ginagawa ko?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya tsaka niya shinoot yung bola. "Alam mo, magmove on ka na."

"Mauna ka muna," nakasmile niyang biro sa akin.

O di ba? Friends na kami. Kami lang ata nagkakaintindihan sa mundo eh. Rare na nga lang daw mga lalaking katulad namin eh.

Nauna na akong umuwi sa kanya, inaantok na kasi ako eh. 7 am kasi ako nagising kanina, nagjogging kami ni Ken. Lakas trip eh. Muntik ko na ngang ibitin patiwarik, istorbo eh. Makapagpalit na nga ng password sa condo.

Ampota. Wala nga pala akong grocery, sa Nudgens na lang ako kakain. Pagpark ko sa Nudgens, nakita ko yung bading na kaibigan ni Belle. May kasamang lalaki. Aba. Jackpot siya ah.

Sa sobrang daming tao sa Nudgens, no choice ako kung di magtakeout. Psh. Bakit na kasi sikat ang Nudgens?

"Pare, pwede ka bang makausap?" Teka, eto yung lalaking kasama nung bading ah. Ano naman kayang kailangan nito?

Umupo kami dun sa may labas, para daw makapagsmoke siya. No smoking sa loob eh.

"Kilala mo ba si Belle?"

"Kuya naman. Oo nga. Kilala niya, kinuwento ko na nga di ba? Kanina? Naman eh."

"Shut up, Lou." Ayan ang daldal kasi ng bakla. Nakakatakot naman to, hindi na niya kailangang sumigaw para lang katakutan siya. "I'm asking you, do you know my sister Belle?" Kuya pala ni Belle. Takte. Hindi naman ako nanakit dun ah. Baka naman nagsumbong tong mga to na lagi akong epal sa plano ng kaibigan niya.

"Yeah. She is the brat and crazily in love with Aaron. Anong kailangan mo?" Nagulat yung mukha ni Bakla, tsaka naman ako tinignan para bang sinasabi niyang umayos ako. Maayos naman ako ah.

Starting Over The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon