Chapter 6

138 4 1
                                    

Chapter 6

Kahit anong tambling ang gawin ko, wala! Hindi pa rin ako makatulog! Tanginang yan. Lakas ng impact ng sinabi ni Peter. Sobra!

Bakit nga ba ako nagpapaapekto?!

Tinawagan ko na lang sila Kuya Zet. Tamang-tama magkakasama silang tropa. Nandun sa bar nina Kuya Jake.

At dahil susi pa lang ng kotse ko ang meron ako, nagtaxi lang ako. Poor ko ampota!

"Kararating mo lang? Auto mo?" Tanong ni Kuya Hiro. Andito siya? Wow! Full house ata sila.

"Di ko makita eh, tinago nila Ken."

"Hahahaha! Nandun yun sa bahay, kunin mo. Dinala nung isang gabi dun at nagrereklamo si Ken."

Buti na lang at sinabi ni Kuya Hiro! Ang bait talaga neto kung trip ka niya, kung hindi sorry.

Gaya ng inaasahan, full house! Kumpleto ang grupo nila. Nakakatuwa nga kasi nagkasundo lang kaming lahat dahil sa Kuya ni Kyra. Wala eh, pare-pareho naming ayaw yun. Kung di siguro nagkandag*go-g*go noon, di kami magkakasundo-sundo. Pero hanggang ngayon, di pa rin namin kasundo yung gagong yun. Pero naman yung dalawa niyang kapatid na babae ang mga mahal na sa tig-isang grupo namin. Si Kuya Paul boyfriend siya ni Ate Kyla. Si Peter ang wagas na nagmamahal kay Kyra na bunso nila. Ang saya di ba?!

"Ano Cloud?! Kamusta?!"

Ngumiti lang ako. Wala akong emosyon eh. Wala, wasak! Gago lang!

Nakipaginuman lang ako ng inuman. Walang babae, bawal babae dito sa pwesto nila. Alam niyo na, loyal yang mga yan.

"Alam mo na?" Nakangiting tanong ni Kuya Zet. "Sinabi na sayo ni Peter noh? Kaya ka nagkakaganyan." Tumango na lang ako atsaka tinungga yung nasa baso ko.

Wala eh. Tamang g*go lang.

"Hayaan mo muna. Just go with the flow Cloud. Patangay ka lang sa agos nila.”

Tama nga naman siya. Tama.

Kakalimutan ko muna yung mga bagay-bagay. Bahala na. Buhay ko naman to eh. Tsaka sabi nga ni Peter, hahamakin ko lahat. Gagawin ko talaga yun. Pero hindi ko hahayaang mapahamak mga kaibigan ko. Ako lang dapat. Ako lang ang masasaktan, wala ng iba.

---

"Sige na please?! Ikaw na lang date ni Belle sa ball. Please??"

Magkausap kami ngayon ni Lou. May ball daw kasi ang mga second year sa department nila.

"Tangina. Ang daming lalaki nag-aaya dun kay Belle ah, bakit kailangan mo pa akong pakiusapan." Totoo naman eh, malabong walang mag-aya dun. Knowing that she's that gorgeous.

Starting Over The EndWhere stories live. Discover now