Chapter 23

1.8K 29 0
                                    

Nagtatarabaho kaming tatlo, si Josh, si Liam at ako. Si Rose naman tinutulungan si Liam. "Grabe ang sakit na ng likod ko." Saad ni Liam is at may pa stretching pa.

"Huwag ka na ngang magreklamo ang konti ang gagawin mo. Hindi mo pa matapos-tapos." Suway ni Rose sakanya. Napakamot lang si Liam sa ulo. Hayy wala talagang oras na magkasama kami na tahimik.

"Hey Bro!" Tawag ni Liam kay Josh kaya napatingin ito sakanya. "Hm?"

"May ballpen kaba?" Tanong ni Liam muntik pa akong matawa. Mnghihiram lang pala ng ballpen ang loko.

Binato ni Josh si Liam ng papel. "Bumili ka kaya ng ballpen mo. Sa sa convenience store diyan sa baba may tindang ballpen." Sagot ni Josh.

"Nakakatamad bumba. Baka pagbaba ko hindi na ako makabalik dito."

"Hay nako chismoso kasi kaya pagbumaba yan maaaliw siya sa chichismis makakalimutan na niya trabaho niya." Saad ko.

"Agree kilala ko na'to napaka chismoso." Mataray na Saad ni Rose.

"Tsk... Tumigil na nga kayo. Josh pahiram ng ballpen." Saad ni Liam napa iling nalang ako. Siya naman nauna.

Binato ni Josh kay Liam yung ballpen. Pagkakuha ni Liam ginamit niya kaagad yon. Hindi manlang nagpasalamat. "Welcome." Saad ni Josh. Lumingon naman si Liam kay Josh at nginitian niya lang ito. Inirapan siya ni Josh. "Mga baliw talaga." Bulong ko.

Ilang oras na kaming nagtatrabaho at hindi parin kami tapos. Wala na ata tong katapusan. Narinig ko naman na nagrereklamo ang tiyan ko. Guton na ako. Tumayo ako at pumunta kay Rose na busy rin. Umupo ako sa tabi niya. "Kain Tayo?" Tanong ko sakanya. Napaharap naman siya sa'kin. "Sige ba. Gutom narin ako eh." Sagot niya. Napangiti naman ako.

Tumayo ako para kunin ang sling bag ko. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Josh. "Sa cafeteria kakain kami ni Rose." Sagot ko. "Dapat ako nalang inaya mo." Saad niya.

"Pwede ka namang sumunod eh. Kayo ni Liam."

"Nevermind hindi pa naman ako gutom kaya kayo nalang."

Inirapan ko lang siya at lumabas na ako. "Hindi pa sasama si Liam?" Tanong ko kay Rose na nakatayo sa pintuan. "Hindi eh. Hindi pa daw siya gutom. Eh si Josh?"

"Hindi rin siya gutom. Kaya tayong dalawa nalang."

"Edi good para walang makukulit."

Napatawa nalang kami at nag-umpisa ng maglakad papuntang cafeteria.

---

Nasa cafeteria kami ngayon at naghahanap ng mauupuan. "Don nalang tayo." Tinuro ko ang table na malapit sa bintana.

"Diyan talaga?"

"Oo,hindi naman tayo makikita mula sa labas kasi tinted yan." Sagot ko.

Napabuntong hininga nalang siya. "Okay fine." Umupo na kami sa napili naming table. "So Sino mag-oorder? Ako na?" Tanong ko.

"Kaya mo ba? Baka sabihin ni Josh pinapahirapan Kita." Saad niya.

"Huh? Hindi naman mabigat yon eh."

"Joke lang."

"Tss."

Pumila na ako. Ang dami palang tao dito. Buti nalang malapad tong cafeteria. "Hi ma'am ano pong sayo?"

"Ahm...ano ba ang masarap kainin." Bulong ko habang tinitingnan ang mga menu sa taas. "Pork Adobo, Pork chop and..." Ano ba ang masarap na juice? "And two mango juice."

"Ok ma'am wait for your order." Saad ng babae at kinuha niya ang mga inorder ko. Pagkabalik niya dala dala na niya ito. Isang mangkok ng adobo and isang pinggan ng pork chop with rice and mango juice. Kinuha ko na ito mula sakanya at bumalik sa table namin ni Rose. "Here na." Saad ko at inilapag ang mga pagkain.

I Fell Inlove with My Secretary Where stories live. Discover now