Chapter 12

2.5K 40 1
                                    

"Sino ba Kasi Yung Paul na yon nakakainis ha."

"Hoy parang nanggigigil ka ah,ano problema?" Tanong ni Liam nandito parin Kasi ako SA parking lot.

"Nakakainis kasi yung Paul na yon." Sagot ko

Nagtatakang tiningnan Naman ako ni Liam "Sino si Paul? Empleyado sa kompanya?"

"Hindi, childhood friend ni Sam" sagot ko and I heard he chuckled.

Tiningnan ko siya ng masama "anong nakakatawa don?" Tanong ko

"Nagseselos ka ba bro?"

"Anong nagseselos?"

"Nagseselos ka no?"

"Hindi ako nagseselos no at saka bakit naman ako mag-seselos."

Inakbayan Niya pa ako bago magsalita "Aminin mo nalang Kasi na gusto mo si Sam."

Siniko ko siya sa tiyan "Hindi ko gusto  yon."

"Ang sakit Naman bro."

"Nang-aasar ka eh,bagay Lang Yan sayo." Kaya naglakad na ako palayo sakanya.

"Wait bro hintayin mo ko!" Kaya huminto ako at humarap sa kanya. "Bakit?"

"Pwedeng nakisabay?"

"Nasan ba kotse mo?"

"Ayon oh" sabay turo sa kotse niya na naka park.

"Edi mag-drive ka pauwi."

"Iiwan ko Kasi Yan dito tapos dun ako matutulog sa bahay niyo para tipid sa gas." Ngumiti pa siya.

"Kapal din ng mukha mo no?"

"Ito naman nag-jojoke Lang ako"

"Yan,puro ka nanaman Biro."

"Maganda yon para everybody happy diba."

"Tsk Ewan ko sayo." Saad ko

"Everybody happy pala." Saad ng pamilyar na boses na nanggaling sa likod namin.

Lumingon kami sa likod at nakita namin si "Rose?" Sabay naming Saad ni Liam.

"Yeah,it's me" sagot ni Rose na nakangiti.

Lumapit si Liam Kay Rose "Bakit Hindi mo sinabi sakin na uuwi ka?" Tanong ni Liam Kay Rose.

"I want to surprise you."

"Well,na surprise ako" sagot ni Liam sabay yakap sa girlfriend niya....yes girlfriend Niya si Rose,magtatrabaho Kasi si Rose sa isang kompanya sa America Kaya ngayon Lang siya umuwi.

"Lumayo nga kayo Ang sakit sa Mata...nakita niyo Naman na may single dito diba." Sarcastic Kong Saad.

Tinigilan na nila Ang yakapan. "Bakit Kasi Wala ka pang girlfriend? It's been years na diba?" Saad ni Rose.

"May nagustuhan Yan ngayon." Sagot Naman ni Liam.

"Yun Naman pala eh,bakit Hindi mo ligawan."

"Hindi ko gusto yon." Sagot ko

"Samantha Yung pangalan ng nagustuhan niya ngayon."

"Ewan ko sayo Liam...siya nga pala babalik ka pa ba sa America?"

"Na-ah I'm staying here na and besides natanggap ako sa company na inaplayan ko dito." Sagot sakin ni Rose.

"Ganun ba sige Mauna na ako ha bye."  Paalam ko sa kanila

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Liam.

"Malamang uuwi na ako,bye na ulit." Saad ko at naglakad na ako papunta sa kotse ko.

I Fell Inlove with My Secretary Where stories live. Discover now