Chapter 26

1.8K 28 1
                                    

Nakasakay ngayon si Sam sa kotse ni James, papunta sila ng restaurant. "So, San mo gusto?" Tanong ni James kay Sam na tahimik lang.

Lumingon naman si Sam sakanya para sumagot. "Kahit saan." Sagot niya.

"Kahit sa karenderya?"

"Oo, hindi Naman ako maarte eh. Basta bet ko yung ulam."

"Tsk, ikaw talaga." Pinaharurot na ni James ang sasakyan.

Nang marating na nila ang restaurant ay nag park Muna si James. "Tara na."

Pumasok sila sa restaurant at tinawag ang waiter. Inabot naman ng waiter ang menu sakanila para sila ay makapili. "Ano bang masarap dito?" Pabulong na saad ni Sam.

"Chicken fillet." Sagot ni James.

Tumango si Sam at tumingin pa ng ibang pagkain. "I'll go with chicken fillet, nuggets, pork chop and mango juice." Saad Niya sabay abot sa waiter ng menu.

Tumingin siya kay James na pumipili parin. "Ikaw yung nag suggest, pero nauna pa akong pumili kaysa sa'yo." Saad niya.

Pinanliitan naman siya ni James ng mata. "Wait lang Sam, baka Hindi Kita ilibre."

Nag pout si Sam at binigyan lang siya ng duh look. "Sabi ko nga take your time."

Pagkatapos ni James na sabihin sa waiter ang order niya ay umalis narin ang waiter. "Buti naman at natapos kana." Sabay peke na ngiti.

"Tsk, tigilan mo na nga ako."

"Eto na. Titigilan na Kita." Saad ni Sam at tumingin nalang sa labas.

Dumating narin ang mga pagkain na inorder nila. "Ang dami mo palang inorder." Saad ni James pagkakita niya ng mga pagkain ni Sam.

"Oo, siyempre minsan lang Tayo nililibre kaya itodo na natin." Sagot naman niya sabay subo ng kanin.

"Good yan."

"Alam ko naman na mayaman ka, kaya Alam ko rin na carry mong bayaran to."

"Kumain ka nalang ok."

"Ok!"

Binalik nalang niya ang atensiyon niya sa pagkain.

"James anak! Dito ka rin pala nag lunch!" Masayang bati ng lalaki kay James nang makita sila.

"Ahm, kilala mo ba siya?" Nagtatakang tanong ni Sam kay James.

"Dad, meet Sam. Sam meet my dad." Saad ni James na nagpanganga sakanya. Daddy pala siya ni James.

"H-Hi po Tito." Nahihiyang Saad ni Sam.

"Wag kang mahiya iha, magkaibigan kami ng parents mo." Saad ng daddy ni James sakanya.

"Totoo pala ang sinasabi ng mommy mo na maganda si Sam."

"Yes dad." Nakamasid lang si Sam sakanilang dalawa.

"May trabaho pa pala ako sa ospital, maiwan ko na kayo." Paalam ng daddy ni James.

"Sige dad."

"Ingat po kayo Tito." Saad ni Sam.

Lumabas na ang daddy ni James sa restaurant. "Siya pala yung daddy mo."

"Oo, sorry kasi hindi ko siya naipakilala sa'yo." Saad ni James.

"Ok lang, hindi naman big deal yon."

Tiningnan niya ang relo niya. "Kailangan ko na palang bumalik sa office baka hinahanap na nila ako don." Saad ni Sam.

Tumayo si James at inayos ang polo niya. "Ok, Alis na tayo."

Tumayo narin siya at sumunod kay James palabas ng restaurant.

I Fell Inlove with My Secretary Where stories live. Discover now