Chapter 19

1.9K 25 0
                                    

"Epal? Sino?" Tanong ni Josh.

Hinubad ko muna yung medyas ko bago magsalita. "Si James" Sagot ko

"Sino si James?" Tanong ni Liam.

"Yung bagong epal. Kaibigan ni Sam. Pero hindi ako sure kung friends sila." Saad ko

"Hayy" umupo siya sa tabi ko. "Kailan ba mawawalan ng epal sa inyo ni Sam?"

Ngumisi ako. "Siguro kapag nawala ka." Saad ko dahilan para sumama ang tingin niya sakin.

Pumasok ako sa banyo para mag half bath "Bakit ako nadamay?!" Sigaw niya.

"Epal karin Kasi kaya damay ka!" Pabalik kong sigaw.

---

Tapos na akong mag half-bath kaya lumabas na ako ng banyo."Nandito ka parin?" Kaagad kong saad nang makita ko si Liam na nakahiga sa kama ko.

"Bawal ba? Magpinsan naman Tayo eh." Sagot niya habang nakahiga parin.

"Saan ka ba matutulog?" Tanong ko sakanya. Pumasok ako sa walk-in closet ko para magbihis.

"Sa guestroom ako matutulog."

Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako at umupo sa couch na malapit sa kama ko.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga. "Maaga pa naman kaya pag-usapan natin yung sinasabi mong bagong epal."

Kinuha ko ang manipis na libro sa table na malapit sa couch at binato ko iyon sakanya. "Napaka chismoso mo talaga." Saad ko

"Ano ba yan. Dapat kung babatuhin mo ako yung makapal, para masakit."

"Ah,so gusto mo ng mas makapal?" Kinuha ko ang encyclopedia. "Hoy,wag naman yan. Binibiro lang naman kita!" Sigaw niya.

"Kamusta na kayo ni Rose?" Tanong ko.

"Iniiba mo lang ang usapan eh. Pero ok lang kami. Wala namang nagbago."  Sagot Niya

"Eh kayo ni Sam. Kamusta na kayo?"

"Kami? Ewan." Sagot ko

"Anong klaseng relationship yan. Ewan?" Saad niya

"Hindi naman serious yon eh. At saka hindi kami official ginawa lang namin yon para tigilan ako ni Mia." Sagot ko para naman maliwanagan si Liam.

"Dapat may rule kayo na ang ma fall talo." Suggest ni Liam. Oo nga no. Mukhang masaya yon. Joke

"Tapos kung sino yung matatalo. Siya yung mag reregalo ng house and lot."

Sabay kaming tumawa ni Liam. "Ayaw mo non. May bahay at lupa kana." Nagtawanan kami ulit at nag-appear.

"Pero wala kaming rule na ganyan. Yung usapan namin walang ma fafall yun lang." Saad ko

Narinig kong nag ring yung phone ko kaya tumayo ako at kinuha ko yon mula sa bedside table.  Sinagot ko yon dahil sa pag-aakalang si Sam yung tumatawag. "Hello,bakit ka napatawag? Miss mo ko no?"

"I really miss you Josh. Really really miss." Napagtanto ko na hindi pala si Sam yon kaya nawala na yung happy mood ko. "Mia?" Paninigurado ko kung sakanya ba talaga galing yon.

"Yep,it's me." Sagot ni Mia.

"Paano mo nalaman yung number ko?" Tanong ko

"Let's just say na someone gave it to me."

"Well,kung ano man ang dahilan mo kung bakit ka napatawag. Wala na akong pakialam don." Saad ko at pinatay na ang phone ko para hindi siya makatawag ulit. Kailan ba ako titigilan ni Mia?

I Fell Inlove with My Secretary Where stories live. Discover now