Chapter 14

2.3K 36 0
                                    

"Gusto kita" nanlaki ang mata ko sa sinabi  ni Josh na nagpatigil sa akin.

"Gusto kita"

"Gusto kita"

"Gusto kita"

Paulit-ulit sa isip ko. Gusto niya ako?

Pinitik niya Ang noo ko pero mahina lang. "Ayos ka lang? Wag mong seryosohin yon binibiro lang kita." Nang marinig ko yon ay parang nadismaya ako. Bakit ako affected?

"Akala ko totoo na." Napairap pa ako

Natawa naman siya. "Gulat na gulat ka kanina ah." Umalis na siya sa harapan ko.

Inirapan ko siya. "Sino ba naman ang Hindi magugulat don... Yung biglang aamin sayo yung worst enemy mo." Sagot ko.

"Ang galing ko pala umarte. Napaniwala Kita dapat pala nag-artista ako no." Sabay tingin sakin ng nakakaasar.

"Ewan ko sayo, makaalis nga." Tinarayan ko pa siya bago ako lumabas ng office Niya. Biro lang pala yon. Nakakainis talaga.... Teka dapat Hindi ako naiinis.

Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko si dad. "Nandito ka pala dad."

"Oo anak may meeting kasi kami ng daddy ni Josh."

"Ganon po ba."

"Uuwi kana ba?" Tanong ni daddy.

"Mamaya pa dad." Sagot ko

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. "Aalis kana ba dad?"

"Dadaan pa ako sa company natin."

Magsasalita pa Sana ako nang biglang may humila sakin.

"Sorry po Tito pero hihiramin ko lang po muna yung anak niyo." Sigaw ni Josh.

Medyo malayo na kami kay daddy. "Bitawan mo nga ako." Pagpupumiglas ko kaya binitawan niya ako.

"Bakit mo Kasi ako iniwan don?!"

"Ano bang pake mo?" Mataray Kong sagot.

Sasagot pa sana siya nang dumating si Paul.

"Sam,Tara na?"

"Sige" sagot ko at ngumiti.

"Aalis ka na?"

"Oh,sorry. I'm leaving na sir." At nginitian ko pa siya ng nakakaasar. Bawi ko narin yon no.

"Dito ka lang."

"Bakit naman? Diba uwian na?"

"Oo,uwian pero ako ang maghahatid sayo." Agad niyang sagot.

"Sorry pero may usapan na kami ni Paul." Sagot ko Ano ba Kasi Yung problema Niya.

"Una na kami bro." Paalis na kami nang magsalita si Josh.

"Pero hiniram kita sa daddy mo. Kaya ako mismo ang magbabalik sayo." Saad niya na nagpatigil sakin. Why is he acting weird?

"Alam mo Sam he has a point. Kaya iiwan na kita sa kanya." Saad ni Paul.

"But-" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko.

"No buts" lumapit siya Kay Josh "Iuwi mo yan ah,kundi masasapak kita."

"Hindi mo ko masasapak kasi iuuwi ko siya."

"Bye Sam." Paalam ni Paul.

Tiningnan ko ng masama si Josh. "Ang lakas din ng trip mo no?" Lumapit siya at bumulong sa tainga ko.

I Fell Inlove with My Secretary Where stories live. Discover now