Chapter 17

2.2K 36 0
                                    

Hinila ko na si Sam palabas ng mall. Pero huminto siya. "Bakit ka huminto?" Tanong ko

Nag pout siya at nagsalita. "Bakit natin iniwan sila Liam at Rose don sa loob?" Tanong niya sakin. Pinisil ko ang pisngi niya. "Iuuwi na kita malapit ng dumilim at saka dadaan pa sila sa departments store."

"Gusto ko pang mamasyal. Sunod tayo sa kanila please." Nagmamakaawa siya na parang bata na gustong bilhan ng candy.

"Fine,let's go back." Pagkasabi ko non ay nasiyahan naman siya. Naganahan narin akong mamasyal dahil sa ngiti ni Sam.

Pagkapasok namin sa mall,dumiretso agad kami sa department store para hanapin sina Liam at Rose. "Nasan na kaya sila?" Tanong ni Sam habang nililibot niya ng tingin ang department store. "Ewan ko,nandiyan lang sguro sila sa tabi-tabi." Sagot ko sakanya.

"Ayun sila oh." Tinuro naman niya ang dalawa na mukhang nag-aaway. "Halika na." Lumapit naman kami ni Sam kila Liam at Rose.

"Nag-aaway ba kayo?" Tanong ni Sam. Umiling lang ang dalawa. "Mukhang nag-aaway kayo eh." Dagdag ko

Bumuntong hininga naman si Rose na para bang ang dami dami niyang problema. "Ito Kasi eh. Sinabi ng chocolate flavor ang kunin milk yung kinuha. Ayan tuloy naunahan kami." Nakataas kilay na Saad ni Rose.

"Diba sabi mo kanina milk! Tapos nung tinanong kita ulit oo parin yung sagot. Tapos biglang nagbago yung isip mo. Pero nakuha na ng iba." Pasigaw na sagot ni Liam. Practice palang yan. Pano na kaya kung mag-asawa na sila.

"Tumigil na nga kayong dalawa. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito." Pag-awat ni Sam sa dalawa. Pero hindi parin sila tumigil. Sige away lang kayo. Manonood lang ako.

"Kung kinuha mo sana yon kaagad edi sana hindi nakuha ng iba!" Sigaw ni Rose kay Liam.

"Eh kung nagsabi ka kaya agad. Edi sana nakuha natin!" Sagot naman ni Liam.

Patuloy parin sa pag-aaway ang dalawa si Sam naman kanina pa sila inaawat pero hindi nila pinapansin si Sam.

Lumapit si Sam sakin. " Hindi mo ba aawatin yung dalawa?"

"Hindi" simple kong sagot.

"Pinsan mo kaya yon."

"So? Choice naman nila na mag-away eh. Kaya bahala sila." Sagot ko pero siniko ako ni Sam. "Aray naman."

"Wala ka talagang pakialam sa mga nakapaligid sayo no?"

"Ito na. Aawatin ko na sila." Saad ko at nilapitan ko yung dalawa.

"Tama na nga yan. Kanina pa kayo nag-aaway. Can you two just give it a rest." Saad ko kaya napatigil na sila sa pag-aaway.

"Fine. Ayoko naring makipag-away sa kanya." Saad ni Rose.

Tiningnan ko si Liam at tinaasan ng kilay. "Sige. Hindi ko narin siya aawayin."

Lumapit naman si Sam. "Buti naman at tumigil na kayo."

Inakbayan niya si Rose. "Alam niyo mamasyal nalang tayo. Kesa naman na nag-aaway kayo." Dagdag pa niya.

"Oo nga,may point si Sam." Saad ni Rose at inabot ang kamay ni Liam. "Bati na tayo?" Sabay pout.

Ngumisi naman si Liam at niyakap si Rose. "Oo,bati na tayo."

"Haysst ano ba yan nilalanggam ako." Sabay kamot ko sa braso ko. Binatukan naman ako ni Liam.

"Ito naman grabe makabatok."

"Alam niyo. Kahit nag-aaway kayo ang sweet niyo parin." Saad ni Sam.

I Fell Inlove with My Secretary जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें