Chapter 31

2K 42 11
                                    

Josh's POV

"Josh nakapili kana ba ng susuotin mo para sa kasal niyo ni Mia?" Tanong ni Dad sa'kin.

You you heard it right. Ikakasal na kami next month. It's been a year. Buti nga napatagal ko pa ng one year bago ang kasal namin ni Mia. I've been waiting for Sam to comeback pero hindi na siya bumalik. Siguro sign na 'to na dapat kong pakasalan si Mia. Kahit hindi ko siya Mahal. "Josh tinatanong ka ng daddy mo!"

"Ahm... Hindi pa."

"Hay nako pumili kana ng susuotin mo. Ano paabutin mo na naman ng isang taon baho ka makapili ng damit?" Saad ni Mommy.

"Hindi naman mom. Actually lalabas kami ni Liam ngayon para bumili ng damit." Sagot ko habang nagsusuot ng medyas.

"Buti naman. Akala ko Wala kang Plano." Saad ni mommy at nagtungo ito sa kusina.

Pagkarating kong suotin ang sapatos ko ay lumabas na ako ng bahay.

San Tayo magkikita? Text ko Kay Liam pagkatapos ng ilang minuto ay nag-reply ito.

From Liam: Sa mall na.

Ah akala ko susunduin pa Kita. Pumasok na ako sa kotse ko at nagmaneho.

"Ok na ba 'to?" Tanong ko kay Liam.

"Ok Naman. Hindi ba masyadong simple 'yan?"

"Parang mas maganda pa yung suit ko kaysa sa'yo." Dagdag pa ni Liam.

"Hayaan mo na. Di naman importante sa'kin yung wedding. Napilitan lang ako." Sagot ko.

"Isang taon na ang nakakalipas. Di kapa nakaka move-on?"

"Mahirap eh. Hinintay ko siya pero di na bumalik."

"Bilisan mo na nga diyan." Saad ni Liam at nauna siyang lumabas.

Binayaran ko ang suit at lumabas na. Dumaan muna kami sa jewelry shop. Bibilhan daw ni tukmol si Rosas ng regalo. "Di ka pa nakakapili?" Tanong ko. Kanina pa kami nandito.

"Baka Wala kang dalang pera?"

Sinamaan ako ng tingin ni Liam. "Mahirap pumili bro."

"Sabi ko nga take your time."

"Ok na ba 'to bro?" Tanong ni Liam sabay pakita ng isang bracelet na color silver.

"Maganda kasi silver yung kinuha mo." Sagot ko.

"Ayaw ni Rose sa masyadong bongga Lalo na kung gold."

"Parehas sila ni Samantha." Mahina kong saad pero narinig niya parin ito.

"Naalala mo na naman si Sam."

"Pero alam mo. Dito din natin binili yung kwintas di'ba?"

Kunot noong tumingin ako sakanya. "Anong kwintas?"

"Yung kwintas na binigay mo kay Sam."

Bigla kong naalala lahat. Binili ko 'yon para sakanya. "Nakay Sam pa Kaya 'yon?"

Hinahalungkat ko ngayon ang bag ko. "Nasan na ba kasi yung ballpen ko."

"Dito mo lang nilagay 'yon eh."

Kinuha ko lahat ng gamit ko sa bag at tinaktak 'yon. Hanggang sa nahulog ang isang bagay na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Dahan dahan Kong pinulot 'yon at tinitigan nang maayos. "Ito yung kwintas na regalo sa'kin ni Josh."

"Nandito parin pala 'to."

Bumalik lahat ng alaala namin. Mga masasaya at malulungkot na alaala. Pumunta ako sa harap ng salamin at sinuot ito. "Ang ganda talaga nito." Saad ko habang hawak hawak ko yung kwintas.

I Fell Inlove with My Secretary Where stories live. Discover now