Hindi na ako naka-imik, pinanood ko nalang si Tim na dahan-dahang lumalapit sa asawa niya.

"Tim..." Mahina kong binangit ang pangalan niya kaya napa-lingon ito. Tila may kirot akong naramdaman mula sa puso ng makita ang umiiyak at takot na takot nitong itsura.

Hindi niya deserve 'to, hindi niya deserve ang mga nangyayari sa kaniya. Gusto lang namin maging masaya bakit hindi nila maibigay 'yon?

Huli na nang hatakin ni Cedric palapit sa kaniya si Tim at ikulong sa bisig.

Hinawakan ko naman ang kamay ni Brandon at tinignan sa mata, tila kinakausap ko ito at sinasabing gumawa siya ng paraan.

Pero malabo, may baril sila at maaari namin itong ikapahamak.

"Ikaw Brandon, lumapit ka kay Mitzy." Utos ni Cedric kaya mas hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Brandon.

Tinignan ko si Mitzy na biglang tumayo na parang excited pa sa pag-lapit ni Brandon.

"Brandon, h'wag mo akong iwan..." Maiyak-iyak kong sabi habang hawak ang damit nito at pinipigilan na parang bata.

"Brandon come here! i miss you so much! gusto kitang yakapin." Binuka ng Babae ang mga kamay at inaantay na lapitan siya ni Brandon na hindi ko papayagan.

"Tama na! pakawalan mo na sila."

Hindi ko alam ang ginagawa pero natagpuan ko nalang ang sarili nasa harapan ni Brandon at inihaharang ang sariling katawan.

"Primo anong ginagawa mo? mapapahamak ka sa ginagawa mo!"

Dahil sa lakas ni Brandon ay mabilis niya lang akong naibalik sa likod niya.

"Lalapit ka ba o hindi! tangina ang dami niyong alam, nag-lalandian pa kayo!" Galit na sigaw ni Cedric.

Wala akong nagawa nang dahan-dahang nag-lakad si Brandon at lumapit kay Mitzy. Napa-luhod nalang ako ng makitang niyakap ito ng Babae.

"Yey! Bumalik na sa'kin si Brandon."

Naging blangko bigla ang isip ko. Ang naririnig ko lang ay ang masasayang tawa ni Mitzy at ang pag-iyak ni Tim.

Tapos na ba ang lahat? wala naba akong magagawa? mawawala naba sa'kin si Brandon.

Napa-subsob nalang ako sa mga palad habang umiiyak, rinig ko ang pag-tawag ni Brandon sa pangalan ko pero mas nangibabaw ang hagikgik ng Babae.

"I'm sorry Brandon," Hinarap ko ito. Mas lalong nadurog ang puso ko ng makita ang mga mata nitong puno ng lungkot at pag-aalala. "Kung sana hindi ako umalis, sana nag-stay nalang ako sa tabi mo, hindi sana nangyari 'to." Sabi ko habang patuloy ang pag-iyak.

"Primo, sorry wala akong magawa..." ani Tim na hawak ni Cedric.

"I'm sorry Brandon."

Muli kong tinignan si Brandon na kunot ang noo dahil sa tingin na ipinukol ko rito.

Tumango ito na naging hudyat kaya mabilis kong binato ang nadampot na bato kay Cedric.

Tumama ito sa kaniya mata kaya mabilis niyang binitawan si Tim na mabilis ding tumakbo palapit sa'kin. Si Brandon ay tinulak si Mitzy na sumalampak sa sahig at nakipag-agawan ng baril kay Cedric.

"Brandon!"

Sigaw ko ng masuntok siya ni Cedric.

Mabilis akong tumayo nang makita si Mitzy na may hawak na kahoy at balak itong ipupok kay Brandon, hinatak ko ang buhok niya kaya nabitawan niya ang hawak na kahoy.

"Hayop kang bakla ka! mamatay ka na!" Sigaw nito.

Sinabunutan ko ito hanggang sa aking makakaya, parehas kami gumugulong sa sahig dahil parehas naming hawak ang buhok ng isa't-isa.

"Kung may dapat na mamamatay dito Mitzy, ikaw 'yon! napakasama ng ugali mo!" Naka-patong ito sa'kin at pinag-sasampal ako pero sinalag ko ito gamit ang kamay.

"Primo!"

Napa-tingin kaming parehas ng babae dahil sa sigaw ni Tim, nakita namin ang dalawang lalaki na nag-aagawan sa baril at kasalukuyan itong naka-tutok saamin.

Huli na para maka-kilos kami ng isang putok ang umalingawngaw sa lugar.

Natahimik ang lahat at inantay ang sunod na mangyayari.

Tila tumigil sa patibok ang puso ko nang biglang bumagsak sa'kin ang katawan ni Mitzy na duguan.

"Mitzy!"

Rinig kong sigaw ni Cedric pero tulala parin ako at hindi maka-kilos sa nangyari. Nasa ibabaw ko ang katawan ni Mitzy habang naka-higa ako.

"Primo..."

Natauhan nalang ako ng lumapit si Tim at inalis ang katawan ng Babae.

Patay na siya?

"Pa-patay na siya..." Nanginginig at utal na wika ni Tim na siyang bumalot ng kaba sa akin.

Patay na si Mitzy?

Patay na...

Bumangon ako at nakitang patuloy parin ang pag-aagawan ng dalawang lalaki sa baril.

"Shit! ah!"

Sumigaw si Cedric kaya muli akong napa-tingin sa kanila. Kasalukuyang hawak ni Brandon ang baril, pinukpok niya ito sa ulo ni Cedric dahilan upang mawalan ito ng malay at bumagsak sa sahig.

Lumapit agad si Brandon sa'min ni Tim na takot na takot sa nangyayari.

"Primo ayos ka lang? nasaktan ba kayo?" Alalang tanong ni Brandon sa'min.

"Brandon..." Tinuro ko ang katawan ni Mitzy gamit ang nanginginig kong daliri. "Si-si Mitzy... pa-patay na.." Utal kong sabi.

"Shh, tahan na... wala ng mananakit sainyo, tara na umalis na tayo." Pag-tahan sa'kin ni Brandon.

Binitiwan niya ang hawak na baril para alalayan ako, ganon din ang ginawa ni Tim.

Nang maka-tayo ay mabilis kong niyakap si Brandon at Tim.

"I'm sorry, dinala kopa kayo rito, muntik ko pa kayong ipahamak." umiiyak kong sabi.

Takot na takot ako sa mga nangyari, hindi lang sa'kin kun'di pati sa anak ko. Hindi ko alam ang gagawin kung parehas silang mawawala sa'kin ni Brandon. Hindi ko kakayanin na maging si Tim at anak niya ay mapahamak.

"Primo, Tim!"

Tuluyang lumuwag ang pag-hinga ko ng makita ang tumatakbong mga kaibigan. Tila ba nabunutan ako ng tinik dahil sa pag-dating nila.

"Ayos na ba kayo? may narinig kaming putok ng baril, anong nangyari?" Yumakap ako kay Ismael.

"Si-si Mitzy..."

Si Tim ang sumagot at tinuro ang katawan ng Babae.

Lumapit pa sa'min ang ilang kasama, at tinignan ang katawan ng babae na walang buhay.

"Shit, paano 'to? sinong naka-baril sa kaniya?" Alalang sambit ni Vistro.

"Nag-aagawan kami ng baril ni Cedric, naputok niya ito at tumama kay Mitzy." Paliwanag ni Brandon.

"Tsaka na natin isipin 'yan, umalis na muna tayo dito." Ani Victor na yapos ang umiiyak na si Tim.

"Primo, tahan na..." Pinunasan ni Ismael ang luha sa mukha ko. "Tapos na ang lahat, wala ng mananakit sainyo, sige ka lalo kang papanget niyan."

Dahil sa sinabi ay isang ngiti ang sumilay sa'kin at mahina itong hinampas.

"Let's go guys, natatakot na ako dito." Ani Vistro at naunang nag-lakad.

Tinignan ko muna si Brandon sa likod namin. Kita ko ang pagod sa mga mata nito, meron ding gasgas ang maamo niyang mukha.

"Tapos na Primo..." Bulong nito na ikina-ngiti ko.

Sabay kaming nag-lakad ni Ismael kasunod sila Tim at Victor. Yakap parin ako ni Ismael at inaalalayang mag-lakad.

"Thank—"

Naputol ang sasabihin ko ng isang malakas na putok ng baril ang narinig namin.

Tila nawalan ako ng lakas at awtomatikong napa-luhod ng makita ang katawan ni Brandon na naka-handusay sa sahig at duguan.

"Brandon!"

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Where stories live. Discover now